Downfall
Matindi na yata ang pagtatampo ni Clarice kaya medyo napapadalas ang pag-inom niya. Kanina kasi ay nabanggit niyang darating si Doc Kent pero nagkaroon yata ng emergency at may hindi maiwang pasiyente.
Napangiti ako nang mapahinto siya sa pagrereklamo dahil sa may biglang yumakap sa kanya mula sa likod. Agad siyang lumingon at handang handa nang bugahan ng masasamang salita ang taong iyon ngunit agad siyang napahinto nang makitang si Kent iyon.
She looked so surprised upon seeing him. Doc Kent grinned at him. Pero nang makabawi ay agad sumimangot si Clarice at nagtampu-tampuhan.
"So much for not saying that he's not your boyfriend, huh?" Abe mocked his twin as he encircled his arm around my waist. Mula sa pagmasid sa amin ay bumaba ang tingin ni Doc Kent sa aking kaibigan.
"I'm your boyfriend, right?" Pabirong tanong ni doc sa kanya. Nang hindi sumagot si Clarice at umirap lang sa amin ni Abe ay tumawa si doc at hinalik halikan siya sa pisngi.
That night was full of genuine laughter. Naging triple celebration dahil sa pagkapanalo ni Clarice, pagka engaged namin ni Abraham at sa bigla ring pag anunsyo ni Lian at Paul nang kanilang engagement.
Sa sobrang saya ng pakiramdam ko ay bigla akong nakaramdam ng takot. Tila ba matatapos ang lahat ng ito. Iyong sa sobrang saya ko, pakiramdam ko bukas ay mawawasak ako. Sa gitna ng tawanan ay nahagip ng mata ko ang paninitig ni Luthor.
He looked at me with a blank expression. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Tinagilid ko ang ulo ko para kumpirmahin kung may gusto ba siyang sabihin ngunit umiling lamang siya sa akin bago huminga ng malalim at nag-iwas ng tingin.
I wonder what he's thinking right now.
Tahimik kong nilingon ang aking fiancée. Nakikipagtawanan siya kay Mishael at CJ tungkol sa kung anong bagay. I suddenly felt cold and it fucking scared me. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakatakot ang maging ganito kasaya.
"CJ, let's go. We can't be late." Katok ko sa pinto ng kwarto niya nang makitang halos dalawang oras na lang ay pananghalian na. Pareho kaming walang pasok kahapon pero napuyat yata siya kaka review para rin sa kanilang nalalapit na finals.
Tinapos ko na rin ang mga dapat kong aralin kahapon. Ipapahinga ko ang natitirang oras ng araw ngayon para sa aming unang araw ng finals bukas. Nang walang tugon akong narinig mula sa kapatid ko ay binuksan ko ang pinto ng kanyang kwarto.
Naririnig ko pa ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Marahan akong napailing at naisip na agad kaming papagalitan ni papa kapag nahuli kami. Uumupo ako sa pang isahang couch at nagpasyang dito na lang siya hihintayin.
Dinampot ko ang picture frame sa ibabaw ng center table. I smiled upon seeing it. It was an old picture of us four, noong nabubuhay pa si Kuya Pancho. Nasa gitna siya at nakayakap kaming tatlong babae sa kanya.
"I miss you every day, kuya." Bulong ko nang marahang pinaraan ang aking daliri sa litrato. I suddenly missed Aja, too. Miminsan lang naming siyang nakakausap dahil may oras siyang sinusunod sa lugar kung nasaan siya ngayon.
Mula sa pagtingin sa larawan ay lumipat ang tingin ko nang magbukas ang pinto mula sa bathroom ni CJ. Noong una ay nagulat pa siya ng madatnan akong nakaupo sa kanyang pouch.
"Sorry. I got up late." Pambungad niya bago nagmadaling pumasok sa walk-in closet. Ibinalik ko ang picture frame sa kung saan ko ito kinuha at saka nagbuntong hininga.
Abraham is still sleeping, I think. He took the night shift yesterday because one of the doctors called in an emergency leave. Hindi ko nga siya tinawagan ngayong umaga dahil alam kong nagpapahinga siya. Lumabas si CJ mula sa walk-in closet nang ayos na ayos na.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...
