Dead
I got a page.
Nagmadali akong punasan ang aking mga luha tapos ay muli kong inayos ang pagkakatali ng aking buhok. Huminga ako ng malalim bago mabilis na hinila ang pinto ng locker room pabukas.
I startled when I saw Abraham standing outside. Nakatingin lang siya sa akin. I excused myself when he did not talk but I felt his warm hand on my arm.
"Abraham, may pasyente ako." Sabi ko sa nanginginig na boses.
"Palagi kang umiiyak. It's not good for you...and your baby." Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya bago siya hinarap. Unti-unti niyang binitawan ang braso ko nang magtagpo an gaming tingin.
"I'm sorry." I said to him. Kumunot agad ang noo niya nang marinig iyon.
"You don't have to say sorry. I'm just saying that it's not good for you and your baby if you're always like this." Sabi niya sa akin. Pareho kaming napatingin sa hawak kong pager ng muling tumunog ito.
"I'll go." Paalam ko sa kanya at mabilis na naglakad papunta sa emergency room. Tinulungan ko si CJ sa pasyenteng ipinasok ng rescue team. Ako ang assigned ER Surgeon ngayon at ilang oras na lang naman matatapos na ang shift ko.
Hindi ako mag-eextend dahil may maaga akong scheduled surgery bukas. I have to assist Tito Augustus and the patient is a VVIP. It's the husband of the owner of the Romero Medical. Mr. Mauritio preferred to be treated here and Tito Augustus is his personal doctor and a close friend.
Nilapitan ako ni CJ matapos niyang asikasuhin naman ang isa pang kapapasok na pasyente. Sumulyap ako sa bay kung nasaan si Scarlett kanina at wala na siya roon. Maybe Savannah or Luthor arranged the transfer immediately. Mabuti na rin iyon dahil wala sa amin ang totoong nakakaalam ng kundisyon ng bata. We need to acquire a copy of her medical records if we want to treat her properly.
I just hope that they'll do the transplant immediately.
"I heard what happened." Panimula niya nang tanggalin ko na ang surgical gloves matapos tahiin ang mga sugat ng pasyenteng ipinasok kanina. I ordered for an anti-tetanus to be administered since it was from a vehicular accident. Tumayo ako at itinapon sa bin ang hinubad na gloves.
"You heard what?" Maang-maangan ko. Lumabas ako bitbit ang chart ng pasyente at nagderetso sa nurse's station. Bumati si Janin sa akin at kay CJ. I suddenly missed Maxene...si Frances nagtake ng indefinite leave matapos ng kinasangkutang insidente rito sa ospital.
"Savannah and her child? Pagdating ko kasi kakatransfer lang sa kanila." She said to me. Tumango ako sa kanya. Hindi ako nagsalita at patuloy lang sa pagsulat sa chart ng pasyente.
"Nag-usap kayo? Kakatawag lang ni papa. You....dropped the case?" Tanong niya. Bahagya akong natigilan. Parang wala pang isang oras ng tumawag ako kay Atty. Aguirre, ah? Alam kaagad ni papa. Huminga ako ng malalim.
"Look, Celestine." Simula ko sa kanya. Ngumiwi siya sa paraan ng pagtawag ko sa kanya.
"I did it not for them, okay? I did it for Scarlett." I told her. Marahan siyang tumango.
"That's what Mishael told me when he agreed to be the donor. He's doing it for the kid, not for his brother." Buntong hininga niya bago isinabit ang stethoscope sa kanyang leeg at inabot ang isang chart at binuklat. Sumulyap ako sa aking wristwatch.
"Five minutes then I'm out." I said to her when I saw that it was almost seven o'clock. Tumango siya tapos ay iniwan na ako para tignan ang kaninang iniwan niyang pasyente para puntahan ako. Pansamantala akong uuwi sa mansion para kuhanin ang iba kong damit. Ang mga malalaking gamit naman ay kay Kendall ko na pina asikaso.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...