Chapter 17

12.4K 273 104
                                        

Sanctuary

"Sigurado kang ayos ka lang?" tanong ni Clarice matapos niya akong yakapin. Hinatid ko siya sa labas ng hospital room ni mama. She stayed for a few hours before she decided to leave. Mayroon siyang kasong kailangang pagtuunan ng pansin pero naisipan niya pang dumalaw muna kay mama.

"I'll be fine. Uuwi ako para magpahinga pagdating ni papa." I told her. Isang linggo na si mama rito sa hospital. She's too weak to be discharged. Marami ring mga test pa na kailangang gawin at kailangang lumakas muna ang resistensya niya bago makapagsimula ng radiation and chemo sessions.

"Dito ka mag-aaral? Hindi ka muna umuwi sa inyo at magpahinga? Pagkatapos ng klase dederetso ka rito tapos kung uuwi ka nga, hindi ka naman magpapahinga!" Sermon niya sa akin. Ngumisi ako sa kanya at inirapan niya ako dahil sa nakikita niyang hindi ko pagseseryoso.

"I'm serious, Selah. Take care of yourself." Tumango ako sa kanya at pilit na siyang itinataboy. She's handling the case of one of the richest family here in the Philippines. The case is high profile and aside from who's her client, wala na akong ideya kung anong nangyayari.

"You should go. I know you're busy." I told her. Huminga siya ng malalim at sinipat ang wrist watch bago muli akong niyakap at nagpaalam sa akin. Nang mawala na siya sa paningin ko ay bumuga ako ng hangin bago sumandal sa pader sa gilid ng pinto ng kwarto ni mama.

Araw araw akong nandito pati na rin si CJ. Kailangan sabay kaming uuwi at dahil palaging gabi ang dismissal ng klase nila ay mas ginagabi kami sa pag-uwi. Si papa naman ay kailangan sa palasyo kapag umaga hanggang mag-hapon kaya naman private nurse lang ang kasama ni mama sa mga oras na iyon.

Ipinikit ko ang aking mata at marahang isinandal ang ulo sa pader. Few minutes then I'll go back inside to study. Sa bilis ng panahon ay hindi ko na napansing matatapos na ang school year. Ikalawang taon ko na sa medical school kung sakali.

Nang maayos na ang takbo ng aking isipan ay saka ko napagdesisyunang pumasok sa loob. Nadatnan kong nakapikit si mama pero nang marinig niya ang tunog ng paglapat ko ng pinto pasara ay dumilat siya.

She immediately smiled at me na agad ko ring sinuklian ng ngiti. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama niya. She touched my face as I rested it on her palm.

"You look tired. Don't you want to go home?"

Umiling ako sa kanyang tanong at hinawakan ang kanyang kamay na nasa aking pisngi. Mama looked to fragile right now. Her naturally pale skin looked paler now. The hollow on her cheeks is now starting to get noticed.

"How are you and Luthor?" She asked. I was taken aback with her question kaya hindi ako kaagad nakasagot.

"Ayos naman, ma." Mahinang sagot ko sa kanya. Naramdaman kong tumambol ang aking puso sa loob ng aking dibdbi dahil sa pagsisinungaling kong iyon.

Tumango siya at tinitigan ako.

"You like him? You're in love with him?"

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang kami nabigyan ni mama ng oras na makapag-usap ng ganito. Ibinaba niya ang kanyang kamay mula sa aking pisngi. I don't want to lie to my mother so I decided to tell her the truth.

"Mama." I called her and she smiled at me.

"I am in love with someone else."

"I am in love with---"

"Abraham. I know."

Mabilis akong napabaling sa kanya sa gulat. She chuckled, held my hand then kissed the top of my palm.

"You're my kid. Sa tingin mo hindi ko talaga malalaman?"

Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. I bit my lower lip because I was too embarrassed that I lied to her for months just because I'm scared he'll tell papa about it.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon