Chapter 1

46K 785 101
                                        

Crush


"Selah!"

Mula sa paghahalukay ko ng reviewer ko sa backpack ay napalingon ako sa tumawag sa akin. I saw Abe half running towards me. Hinihingal pa siya. His hair is a bit damp because of sweat. Nakasuot siya ng ternong uniporme nila sa soccer. A white jersey shirt, dark blue shorts, knee high dark blue socks and a black rubber shoes.

A pocket style print was on his shirt and it says Number 29.

"Oh?" Sagot ko ng makarating siya sa harapan ko. He smiled then inhaled deeply.

"Uuwi ka na ba? Matatapos pa lang kami sa training. Kumain muna tayo."

Nagsimula na kami ulit maglakad sa field. I even heard some of his teammates calling him kaya napasulyap ako doon.

"Hindi ako puwede ngayon. I need to be home immediately. Si Lindsay naiwan sa classroom nila nakikipagdaldalan pa. Text her."

I'm still thinking about my answer on our quiz but I'm talking to Abe so I'll check it later in the car. Naglakad na ako papunta sa parking lot para i-check kung nandoon na ang aming driver. Abe is walking beside me at tuluyan ng inignora ang mga sumisigaw niyang teammates.

"Araw-araw ko na ngang nakikita ang pagmumukha niyan sa bahay tapos siya rin ang isasama ko?" Pagmamaktol niya sa tabi ko. I chuckled at his response. Lindsay is Abe's younger sister. Lindsay is a Biology freshman student kaya naman excited pa siyang makipagkaibigan. I stopped making friends when I was on my second year maybe because I need to maintain my grades and my bestfriend is older than me. Nasa huling taon na ako sa kursong nursing.

"Wala ka bang duty at nandito ka na naman?" Tuluyan ko na siyang hinarap. Abe is much older than me. He's on his post-graduate internship sa isang hospital, katulad kay Clarice, her twin and my best friend na kasalukuyan namang nagrereview para sa BAR. He shrugged his shoulder bago lumampas ang tingin sa likuran ko.

Napalingon din tuloy ako at nakita ko ng pumarada ang aming itim na SUV.

"Umaga lang ang pasok ko tuwing Tuesday. Kahit mamayang gabi hindi ka puwede?"

I looked at Abe. Sandali akong napatunganga sa itim na itim niyang mata. He smiled a little when he noticed my stare. Naging malapit kami simula ng maging matalik kaming magkaibigan ni Clarice. Madalas siyang sumunod kung saan kami pumupunta.

"Hindi puwede. May bisita sa bahay. Hihintayin ko lang si CJ tapos dadanan namin si Aja sa school niya. Kailangan naming umuwi kaagad, itiniwag ni mama, utos raw ni papa."

Tumango tango siya sa paliwanag ko.

"Nagrereview center ka ba para sa boards?" Tanong ko habang hinihintay si CJ.

"Hindi, magself-study na ako." He answered non-chalantly. Sabay kaming napalingon sa sigaw ng ka-teammate niya.

"Abraham! Come on, man!"

Talagang sinundan pa kami rito sa parking lot. He's an alumni here kaya napagtanto kong practice game lang ang ginagawa nila. Nakakapagod kaya magduty pero dumadayo pa siya rito para makipaglaro.

"Oo! Susunod ako!" Sigaw niya pabalik at sinenyasang umalis na ang tumawag sa kanya. I saw CJ walking towards us kaya itinaboy ko na rin siya.

"CJ is here. Sige na, kanina ka pa tinatawag doon."

Pero sa halip na umalis. Hinintay niya muna si CJ na tuluyang makalapit.

"Hi Josefina." Pang-aasar niya sabay gulo ng buhok ng kapatid ko. Pumalatak si CJ at hinawi ang kamay ni Abe bago humarap sa akin.

"Nagtext si Aja. Tapos na raw ang klase niya."

Tumango ako habang nakangisi sa busangot niyang mukha bago ako humarap kay Abe. CJ already walked past us and went straight to the car.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon