Wrath
I ran as fast I could when I saw the nurse's page.
Pakiramdam ko ang layo ng tinakbo ko kahit na dalawang palapag lang naman ang pinagmulan ko. Hindi ko matatanggap kung mawawalan na naman ako. Abala ako sa pagsusulat sa chart habang inaalala ang nangyari sa amin ni Luthor bago ako pumasok sa ospital nang mabasa ko ang page na iyon.
"Aalis ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Luthor. Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko ang kabiguan sa kanyang mga mata.
"I had to." Maikli niyang sagot sa akin. Tinulak ko siya.
"You don't have to! If it's really just about your daughter why do I feel that Savannah's a part of your reason as well?!" Sigaw ko sa kanya. Pagod na pagod na ako! What did I do in my past life to experience this?
"Selah, please.."
"Please what, huh?! Please what?!" Halos mamaos na ako sa pagsigaw. Hot tears pooled in my eyes. Ang sakit sakit na ng puso ko. Hindi ko na kaya.
"They're my family."
Isang malutong na sampal ang ipinadapo ko sa kanyang pisngi sa pag-asang magigising siya sa kagaguhang ito. Halatang nagulat siya sa sampal ko. I'm not a violent woman and I don't raise my voice all the time. Pero pakiramdam ko sa mga oras na ito kailangan ko siyang sampalin dahil nahihibang na siya.
"At hindi mo ako pamilya?" Tanong ko sa kanya.
"I'm sorry. My daughter...and Savannah...they're all I think about right now." Mahinang sabi niya. Sa itsura niya ngayon, parang siguradong sigurado na siya. Parang wala na siyang ibang pwedeng gawin.
"Luthor, asawa mo ako. Alam ko namang mahal mo pa ulit si Savannah...or you probably never unloved her. I know...pero Luthor...asawa mo 'ko." Iyak ng iyak kong sabi sa kanya bago ako umupo sa pang-isahang couch. Itinakip ko ang mga palad ko sa aking mukha at umiyak ng umiyak.
I mentally cursed myself. Bakit ang bilis bilis kong umiyak? Pakiramdam ko talong talo na ako. Ang lakas pa ng loob kong puntahan si Savannah para ipaglaban 'yung karapatan ko pero heto...yung asawa ko.. halos isuka ako.
Pinunasan ko 'yung luha ko at saka ulit tumingin sa kanya. I caught a glimpse of pain in his eyes. Kailan ba niya ako huling nakitang ganito? Noong kakarating ko lang sa Georgia..noong halos maiwala ko 'yung sarili ko nang iwan ko si Abraham. Pero ibang klase ang sakit na idinulot ni Luthor sa akin ngayon. Pakiramdam ko pinaikot niya lang ako.
Pakiramdam ko ginamit niya ako.
"Kasal tayo, Luthor. Nangako ka sa magulang ko. Sa Dios. Sa akin! Nangako ka, eh." Humikbi na naman ako. My tears seem to be unstoppable. Itinukod ko ang mga siko ko sa ibabaw ng aking tuhod at halos panawan na ako ng ulirat sa kakaiyak.
"Mahal mo pa ba ako?" Ang pait, sakit, at galit ay nangingibabaw sa aking boses. Mabilis siyang lumapit. He squatted in front of me. He touched my face. Hinayaan ko siyang punasan ang mga luhang siya rin naman ang dahilan.
"Of course. I love you that's why I married you, Selah." Tila nasasaktan rin niyang sabi.
"But, why?" Nanghihinang tanong ko. Kung mahal niya ako...bakit kailangan niyang umalis? Bakit mas pinili niya pa rin 'yung isa?
"Remember what I told you before? We cannot give the same love to a different person?"
Mas lalo akong umiyak nang sabihin niya iyon. Of course, Savannah is the different kind of love...
"Just like how Abraham is your different kind of love." Bigla niyang sabi. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"Pinagdududahan mo ang pagmamahal ko sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong ko pero umiling kaagad siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...
