Broken
Isang linggo nang hindi umuuwi si Luthor sa mansion. Noong nagsabi siyang hindi siya makakauwi dahil sa anak niya ay hindi man lang nagpaalam sa akin ng personal. Nag-alab ang damdamin ko pero imbes na sagutin siya ay hindi ko pinansin iyon.
Sinubukan kong tawagan siya bago ako pumasok sa operating room kagabi ngunit hindi niya iyon nasagot. Noong siya naman ang tumawag, ako naman itong hindi nakasagot. It's funny that we did not fight about this but we didn't talk properly about it either.
Ngayon, unti-unti kong nararamdaman na aalis na siya sa akin. There's a big hole in my heart right now. Reality is really hitting me in the face. Siya ang nauna. Siya ang totoong mahal.
Pero ako ang asawa.
Ako ang may karapatan.
Pero tuwing naiisip kong ipaglaban ang karapatan ko, bigla kong maiisip ang anak nila. Kaya ko bang gawin iyon sa isang batang matagal nang naghahangad na makasama ang ama niya?
Kakauwi ko lang ng mansion at kahit pagod na pagod ay wala akong nararamdamang antok. Kung normal na araw ito, baka limang minuto lang ako sa shower at bubulusok agad ng higa sa kama. Sa halip na matulog pagkatapos mag shower ay dumeretso ako sa walk-in closet para makapagpalit ng panakbo.
It's still six in the morning at baka kailangan ko pang mas mapagod bago ako makatulog. I wore a pair of blush sports bra and leggings. Basta ko na lang kinuha ang puting roshe nang iyon ang unang makita ng mata ko. Hinablot ko rin ang kulay puti na midriff hoodie kung sakaling malamig pa ang hangin sa labas.
Sayang naman kung tatakbo ako tapos hindi ako pagpapawisan dahil malamig ang simoy.
Sumakay ako sa backseat matapos sabihin kila Randolf na gusto ko sa may Town Park mag-jogging. Bago bumaba ng SUV ay isinuot ko ang hoodie. I forgot to charge my phone so I can't listen to any music while jogging.
Nitong mga nakaraan, pakiramdam ko ay unti-unti kong nawawala ang sarili ko. Wala naman sigurong masama kung humingi ako ng kaunting respeto mula sa asawa. They got a daughter, yes, but I am still his wife.
I lost myself before and I don't even know if I got it back. So this, time, I don't want it to happen anymore.
I was so lost in my own thoughts when I heard a loud screech of the tires from the road. Kasabay niyon ay ang mabilis na pagsulpot ng dalawa kong bodyguards. Randolf covered me and we both ducked after we heard a gunshot.
Napapikit ako at sa pagdilat ko ay puro mga nakaitim na lalaki ang nasa aking harap. All of my bodyguards are surrounding me. What the hell is happening? Am I being attacked? Pero agad kong napagtanto ang nangyayari nang maipon ang tao sa gitna. Pilit akong kumawala sa aking mga bodyguards at tumakbo papunta sa gitna nang daan.
Dati, noong nag-aaral pa lang ako sa medschool, hindi ko maintindihan kapag sinasabi ng professor namin na may atural instinct ang mga doktor kapag may nangangailangan ng tulong. Ilang beses ko ng napatunayan na totoo iyon at ngayon tama nga ako.
Hinawi ko ang mga tao nang makita ko ang isang lalaki na duguan at nakahiga sa semento. Ang kanyang bisikleta ay tumilapon sa malayo. Naririnig ko na nagtawag ng ambulansya ang isa sa mga guards ko. Ang iba ay pinapalayo ang mga tao sa paligid.
Ang kotse na nakahinto sa harap ang sa palagay kong narinig namin kanina. Bumaba ang driver na mukhang gulat na gulat sa nangyari. Naihilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.
"I-is he d-dead? I swear I did not hit him."
Of course, he didn't. This man has been shot.
Six of my guards positioned themselves around me and the man. Tila sinisiguradong walang mangyayaring masama sa akin. Naka bike helmet pa siya. Dilat ang kanyang mga mata at nahihirapang huminga.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...
