This story contains sensitive topics. Any resemblance from real life situation is purely coincidental. Please read at your own risk.
Wreck
Sabay kaming napabaling nang marinig namin ang boses ng isang lalaki mula sa nurse's station.
"Where's Lian Salvador? I'm her guardian. I received a call—" Napahinto siya ng mapabaling sa amin. Mula sa paga-alala ay napalitan ng sukdulang galit ang kanyang mukha. Walang sabi-sabi niyang iniwan ang nurse's station para sugurin kami.
Nanlaki ang mata ko sa kaba at agad akong napaatras. Mabilis na iniharang ni Abraham ang kanyang sarili sa aking harapan. Mishael advanced, too, kaya mas lalo akong napunta sa likod. Pero bago pa tuluyang makalapit ng isang hakbang si Paul ay mabilis na nasa harap na namin ang dalawa kong bodyguard.
Nagambala ang buong ER sa nangyayari. Some of the nurses and patients near us got scared. Nanlaki ang mata ko at kitang kita ko rin si Abraham na bumaba ang tingin sa kamay ni Randolf. Naka amba na siya ng hawak sa kanyang baril mula sa likuran.
Napalingon si Abraham sa akin ng wala sa sarili akong mas lalong nagtago sa likod niya. Umigting ang kanyang panga. May naramdaman ako sa aking kamay kaya unti-unti akong napatingin doon. I saw how he slowly intertwined our fingers. Nang maramdaman niyang magkasalikop na ito ay hinigpitan niya ang hawak.
Hindi ko alam kung para saan ang kabang kasalukuyan kong nararamdaman. Is it because of Paul's sudden anger or because of Abe's hand on mine?
"Easy, bro." Mishael warned Paul in an angry but controlled voice. May iilan pang security ng hospital na nasa likod rin ni Paul at handa siyang kaladkarin sa oras na may gawin siyang hindi maganda.
Natagpuan niya ang mga mata ko at sa isang tinginan naming dalawa ay nakita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata. He truly cares about Lian. He looked disturbed, angry, worried all at the same time.
"I told you to stay away from her, Cortez." Mahina ngunit naiiyak niyang sinabi. Nakaramdam ako ng habag sa kanya. Umiling ako sa kanya para iparating na wala akong kinalaman sa nangyari.
"Where is she? Where"s Lian?" Tanong niya at luminga linga sa paligid hanggang sa huminto ang mata niya kay Abraham.
"Where is my girlfriend?" He asked. Maybe because he knows that he's a doctor here. Tila ba naubusan na siya ng pakialam sa akin at gusto na lang niyang makita si Lian ngayon.
"Sir, you have to calm down." Abraham told him gently. He let go of my hand and slowly stepped forward. Umatras naman si Mishael at mas lalo akong itinago sa likod niya.
"I just want to see my girlfriend, please." Unti-unti na siyang kumakalma. Humugot siya ng malalim na paghinga at pagkatapos ay pumikit ng mariin. Tumango si Abraham sa kanya at unti-unting lumapit. He asked som of the security to leave.
"Are you calmed down now?" Abraham asked Paul coldly while slowly stepping forward. Wala sa sarili na tumango ang huli sa tanong na iyon.
"May I know who you are?" Abe asked again, more gently this time.
"Garcia. Paul Garcia. Where are they taking her?" He asked impatiently. He looked so stressed and so worried.
"We're transferring her to the ICU. She's not yet waking up and we need to closely monitor her." Nagsimula na silang maglakad. Hindi ko alam kung bakit pero wala sa sarili akong sumunod sa kanila pero bago pa ako makatatlong hakbang ay agad akong hinila ni Mishael.
"We are not needed here. Nandito na si Paul and she was properly attended. We should leave." Mishael said as his grip tightened on my am. Tumango ako pero itinaas ko ang bag ni Lian na hanggang ngayon ay hawak ko pa.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...
