Chapter 26

10.8K 243 103
                                    

This chapter remembers our dedicated and hardworking medical staff. Your works and sacrifices are not in vain. We admire all your hard works, patience, perseverance and passion in this field.

Hero

Tinignan kong muli ang aking sarili sa salamin. I looked so formal in my white Filipiniana pant suit. Today is Luthor's oath-taking. He won as the City Mayor. Almost at the age of 30, he's considered as one of the youngest politician of this era.

Nagleave ako sa Laurant para sa araw na ito. Ever since Luthor started the firm and got busy with the mayoral campaign, we barely get to spend time together. He seems to be busy with everything. Pero agad akong nakukunsensya kapag nakikita ko siyang humaharap sa akin at tila guilty sa kawalan niya ng oras.

Luthor haven't met the criteria for the senatorial position. Hindi ko nga alam bakit pinilit niya pang subukan. He's not yet thirty five. Hindi naman ito katulad sa US na kapag thirty ka na ay pwede ka ng tumakbo bilang senador. I don't know why he filed when he is so aware that he'll fail.

Minsan naisip ko, ginawa na lang niya iyon para maipakita kay papa na hindi naman talaga siya qualified. My father really wanted him to be a senator. Hindi naman stupid si papa, president siya ng Pilipinas at alam kong alam na alam niya ang qualifications. Is he testing Luthor's obedience? Medyo nairita ako doon. Kaya noong kumpirmado na hindi siya nakapasok noong mga nakaraang taon ang nakalipas ay akala ng asawa ko na titigil na si Papa.

But then he urged him to run as a Mayor kahit ayaw niya. Then it hit me, back in medical school, papa is already urging Luthor to run on the senate. I mean, he's smart and good in everything he does but no matter how good he is, he's still not qualified. Kaya naman, I can't help but to be admired how he respects my father so much.

He said that the reason why my father is urging him to file even if he's not qualified is because of publicity. Makikilala siya ng mga tao at aasahan ng mga ito na kapag nasa tamang panahon na, aabangan nila kung talagang tatakbo siya. I mean, poilitcs should be different in show businesses but in this country....

"You look stunning." Sabi niya sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Inayos ko ang kanyang barong long sleeves. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking magkabilang baywang. His huge hands almost covered it.

"Kinakabahan ka?" Tanong ko habang nakangisi ng nakakaloko. Tumingin siya sa mata ko bago tumango. Dumiin ang hawak niya sa aking baywang ng tumawa ako. Matalino si Luthor at palaging sigurado ang desisyon sa buhay. So, I'm confident that he'll be a good official. Kahit na kalahati naman ng pagdedesisyon niyang pumasok ay dahil sa kagustuhan ni papa, alam ko na he'll do good. He's a natural achiever.

"Do you think now is a good time?" He asked me. Awtomatikong napakunot ang noo ko ng medyo hindi ko naintindihan ang tanong niya. Tumingala ako sa kanya. Para talaga akong palaging nalulunod sa lalim ng mga mata niya.

"Good time for what?" Tumigil na ako sa pag-aayos ng kanyang barong at nanatili ang mga kamay ko na nakapatong sa kanyang magkabilang balikat. He shrugged a bit before he answered.

"To....have a baby?"

Natigilan ako at nang sabihin niya iyon. Parang kinurot ang puso ko nang makitang lumambot ang kanyang ekspresyon pagkatanong niya niyon. We're married for two years now and this is the first time that we'll talk about having a child. Hindi ko alam kung bakit hindi namin napag-usapan noon pero nang tanungin niya ako ngayon ay may kakaibang saya akong naramdaman sa aking puso.

Unti-unti akong ngumiti sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at pinatakan ng halik ang aking palad. Mas lalo akong napangiti bago ako tumango sa kanya.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon