Chapter 21

11.7K 236 68
                                        

Fear


Ilang segundo mula sa kakaiyak bago ako natauhan. Bigla akong tumayo dahil gusto kong habulin si Abraham. Tinulungan ako ni Luthor na makatayo.

"I-I need to go after him. Luthor...I can't lose him." Humihikbing sabi ko. Tumango siya sa akin at niyakap ako ulit para hindi makita ng lahat kung gaano katakot ang itsura ko ngayon.

Mabilis niyang pinunasan ang luha ko ng pinaharap kami ni papa sa mga tao. I cannot fake a smile. Tanging paghikbi ng tahimik lang ang kaya kong gawin. Nag-announce ang emcee na malayang makakapag sayaw ang lahat kaya naman mabilis akong umalis ng stage. Sinalubong ako ni Mishael na ang nagbabagang mata ay nakadirekta sa kanya kuya.

Hinaltak niya ako kaagad at dinala sa gilid kung saan may connecting door papunta sa hotel lobby. Sumunod si Luthor at ang mga kapatid ko. Maya-maya ay naririnig ko na ang boses ni Clarice at hinahanap ako. Nang makita niya ako agad niya akong sinugod ng yakap.

Sobra-sobra ang pag-iyak ko sa kanyang balikat.

"Damn you, kuya! What did you do?!" Rinig ko ang bahagyang pagtaas ng boses ni Mishael. Pinipigil na huwag sumabog sa galit dahil baka may mga media sa paligid at hindi namin alam.

"Where is he? Kailangan ko siyang puntahan!" Humihikbing sabi ko kay Clarice. Honestly, Luthor's reason is my least priority right now. Gustong-gusto ko na lang habulin si Abraham ngayon. Nang walang makasagot sa akin ay agad akong naglakad papunta sa labasan pero agad ring nairita ng makita kong susunod si Randolf at Anthony sa akin.

"God, for once, leave me alone! Please!" Namamaos na ako dahil sa labis pag-iyak.

"Selah, umalis si AJ. Baka hindi mo na abutan." Nag-aalalang usal ni Clarice sa likuran ko. Umiling ako. No. That's not true. Hindi niya ako iiwan rito. Hindi. Kilala ko si Abraham. Hindi niya 'yun gagawin.

"No..he's just outside. N-nagselos lang 'yun pero hindi ako iiwan 'nun." Pigil na iyak na sagot ko. He can't do that to me. Agad akong humarap at hinanap ng mata ko si Luthor. Lumapit ako sa kanya at tinulak siya. Hindi niya ako pinigilang gawin iyon at sa halip ay tinignan lamang niya ako gamit ang kanyang mga pagod na mata.

"Give me back my ring. I need to run after him." Pagkasabi ko noon ay agad kong hinubad ang engagement ring na binigay niya sa akin. Kinuha niya ang isa pang singsing sa kanyang bulsa at inabot sa akin iyon nang hindi tinatanggap ang binabalik ko sa kanya.

Pagkasuot ko ng singsing ni Abraham sa aking daliri ay agad ko siyang tinalikuran para lumabas sa hotel.

"Sel, saan ka pupunta? Umalis na siya." Naririnig kong hinahabol ako ni Mishael. Mas lalo akong umiyak ng marinig ko ang pag-aalala sa kanyang boses. Umiling ako at hindi siya sinagot. Takot na takot na totoo ngang umalis na siya at iniwan niya ako.

Nakarating ako sa parking lot at halos manlumo ako nang makitang walang bakas ni Abraham doon. Ang laki ng parking lot rito at hindi ko alam kung saan siya nakapwesto. Lumingon ako kay Mishael at nakita kong seryosong seryoso siyang nakatingin sa akin.

"'Give me your keys." Inilahad ko ang palad ko sa harapan niya. Unti-unting kumunot ang kanyang noo bago umiling sa akin.

"I can't let you drive like that. We'll find him, kay?" He said while walking towards me. Tumango ako sa kanya habang mabilis niyang pinupusanan ang mga luha sa aking pisngi.

"Hindi pa siya nakakalayo."

Sabay kaming napalingon ni Mishael at nakita naming papalapit si Luthor. Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kanya. He's already holding his key fob on his right hand.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon