Ring
"That looks nice." Mula sa pagtitig sa aking singsing ay napalingon ako nang marinig iyon. Sinundan ko ng tingin si Mishael habang papaupo sa aking tabi. Nilapag niya sa may tapat ko ang isang energy drink.
Hindi ako sumagot. Patigilid niya akong tiningnan habang umiinom sa sarili niyang energy drink nang siguro ay mapansin niya ang paninitig ko.
"Kailan pa?" tanong niya habang sinisimulan naman ngayong buksan ang sandwich na binili niya sa school cafeteria. Mayroon kaming tatlong oras na break bago ang susunod na klase. Ito na ang huling linggo namin bago ang final exam at pagkatapos naman noon ay birthday ni papa.
Nanatili ang tingin ko sa kanya habang abala siyang umiinom sa kanyang asul na energy drink. He glanced at me sideways when he noticed my stares.
"What is it?" He asked after putting the cap back on the bottle. Ngumuso ako at nanatiling tahimik. Katabi ko siya kaya bumaling siya sa akin para makita ako ng maayos.
"Ano? Bakit ganya ka makatingin?" Kunot noong tanong niya sa akin. I wetted my lips using my tongue before I decided to speak.
"This isn't weird, right?" I asked him.
"Weird, what?" Nagtataka pa ring tanong niya. Itinaas ko ang kamay kong may singsing para ipakita sa kanya at bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha.
"Why weird? Sa middle finger ba dapat ang engagement ring?"
Sumimangot ako at tumawa siya ng malakas ko siyang sinapok sa braso. Hindi ko na yata talaga 'to makakausap ng maayos eh!
"You're a useless human being, do you know that?" Pairap kong tanong sa kanya. Mahina siyang humalakhak bago nanahimik kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ko ng siya naman ang naninitig sa akin.
"Masaya ka ba?" I was taken aback with his question. We don't usually talk this serious because I'm used to Misha being happy and chill all the time. He smiled at me when I nodded.
"Sobra." Dugtong ko pa. He ruffled my hair as he stifles a smile through a pout. Ako naman ay hindi na mapigilang ngumiti.
"If you're happy, then it's not weird. Mas mawi-weirdohan pa ako kung si Kuya Luthor ang nag-propose sa'yo. Alam na ba ng mga magulang mo?" Tanong niya. Umiling ako. I told CJ about it, kay Aja hindi ko pa nasasabi kasi hindi pa siya nakakatawag sa amin.
Huminga ako ng malalim. I told Abe that after our finals, I will tell my parents about us. Alam na ni mama...pero noong sinabi ko 'yon sa kanya, wala si Abe. So, I still want this to be formal and proper.
Kahit na alam kong huli na dahil tapos na.
Abraham wanted to tell my parents since day 1. Gusto lang niya akong pagbigyan sa pag ayaw ko. Labis ang takot ko kay papa na dumating na ako sa punto ng pagsisinungaling. Pero kung anong takot ko kay papa, ganoon rin ang takot kong tuluyang mawala si Abraham kapag sa pagkakataong ito ay hindi ko siya maipaglaban.
Sabi ni Mishael, I'm still young. Feelings might fade overtime.
But this isn't just about emotions. This isn't just about feelings. I saw that in him, too. I saw a different Mishael when he's with her. So I know now that he understands me.
"I just hope that everything will be okay with tito and my father. Malapit na ang election period, Selah. Just last night, dad warned me to stay out of trouble and scandals. Kaya ngayon pa lang, sabihin mo na. Sabihin niyo na. Hindi magtatagal malalaman rin nila lalo at kung masangkot kayo sa intriga."
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...
