Cut
"Dr. Cortez....."Dr. Benitez said.
"Clamp it!" Matigas na utos ko. Hindi ko na naririnig sa Isaiah dahil abala siya sa pagkontrol ng pagdurugo ng utak ni Savannah. Dr. Benitez is a year lower than me and he had no choice but to follow my order.
Nang mai-clamp niya ang aorta ay dahan-dahan kong tinanggal ang shrapnel sa artery gamit ang surgical scissors. Malakas na tumunog ang monitor matapos kong gawin iyon. Sobrang bilis at lakas ng pagtagas ng dugo roon.
"She's crashing!" The anesthesiologist announced. Mabilis at maingat kong tinahi ang bahaging iyon habang pilit na hindi pinapansin ang sakit na nararamdaman sa aking tiyan pababa. Tumigil sa pagtunog ang monitor ng matapos kong gawin iyon.
"Close her up." Nanghihina at bahgayang nahihilo kong utos.
Ipinatong ko kaagad sa tray ang mga gamit na hawak ko at umatras palayo kay Savannah. Hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay naramdaman kong umangat ako sa kinatatayuan ko. I looked up and I saw Abraham's face. His jaw is clenched as he look down on me.
Nararamdaman ko ang sarili kong napapapikit na at parang dumudoble na ang aking paningin.
"My baby..." I whispered.
"Prepare OR 3, page the available OB." Naririnig kong utos ni Abraham habang buhat buhat niya ako at mabilis siyang naglalakad papunta sa OR 3. Nagmamadali siya at tila ba kalabisan na ilabas pa ako ng OR 1 sa kanyang pagmamadali. He walked past through the OR 2 and I saw Luthor lying on the operating table.
My vision is already blurry but I'm pretty sure that I saw a neurosurgeon and another trauma surgeon there. Naramdaman kong marahan akong inilapag ni Abraham sa operating table. The lights are blinding me. I can feel my body becoming numb.
"You can't keep doing this, Selah." Galit na sabi ni Abraham bago siya mabilis na kumilos at hinila pababa ang aking scrubsuit pants.
"Save my baby, Abraham. Please." Nanghihina kong sabi bago ko narinig na kinakausap ako ng anesthesiologist.
"Dr. Cortez, I need you to count backwards for me, okay?" Utos niya sa akin. Tumango ako at naramdaman kong may luhang pumapatak na mula sa aking mata. Naramdaman ko si Abraham sa aking tabi. Nakatukod ang kanyang mga kamay sa gilid ng aking hinihigaan.
His lip is pursed tightly and his jaw is clenching really hard.
"Ten....nine....e-eight..." Umiiyak kong sabi hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Lif is really unpredictable. Kahit kailan walang makakaalam sa atin ng mga mangyayari sa hinaharap. Everything that happens in past is just a fragment of lessons that we can bring on our future. Mine's a lot to bring in. Ang daming bagay na nangyari sa akin na kahit kailan, hindi ko inaasahang posible pala. But it happened anyway....I gotta accept it. Kahit na hindi ko maintindihan kung bakit, I should accept it.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
"She's waking up." It sounded like CJ. Napatingin ako sa aking gilid nang maramdaman kong may humaplos sa aking pisngi.
"Pa..." My voice is still strain. Hindi ko na alam kung ilang oras akong tulog. I tried to get up but the pain from down there is almost unbearable.
"Easy." Alalay ni CJ sa akin para makaupo ako. Nakita kong patayo na si Clarice mula sa couch at nakahalukipkip na naglakad palapit sa aking hospital bed. Tumigil siya sa may paanan at nanatiling nakamasid lang sa akin.
"I'll call AJ." She said then grabbed her phone from her skirt's pocket. Umupo si papa sa gilid ng aking kama. CJ checked my IV.
"How are you feeling?" He asked.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...
