"Althea Pov"
Nakatingin lang ako sa mga batang naglalaro sa labas ng Palasyo. Sana maranasan ko rin ang maging bata.
Ako nga pala si Princess Althea Wang Pitong taong gulang, ang aking Ama Haring ay si Jihoo Wang at ang aking Inang Reyna ay si Lea Wang nagiisang anak lang ako kaya lahat ng materyal na bagay ay nakukuha ko ngunit ang gusto ko talaga ay makipaglaro sa kapwa ko bata.
Prinsesa Althea pinapatawag ka na ng Mahal na reyna "Sabi ng aking taga bantay na si Jessie Tumayo na ako sa aking kinauupuan at lumabas na ng aking silid. Pagdating ko sa silid ng aking Ina.
Mahal na reyna nandito na po ang mahal na prinsesa "Sabi ng katiwala ng Inang Reyna. Nagslide ang pintuan ng silid pumasok na ako. Yumuko naman ang mga katiwala at lumabas na ito sa silid ng Inang Reyna. Lumapit ako sa aking Ina at nagbigay galing.
Maupo kana "Sabi ng aking Ina sumunod naman ako.
Mahal na reyna hindi ba ako pwede makalabas ng palasyo? "Tanong ko.
Anak hindi pwede alam mo naman yun diba! "Sabi ng aking Ina.
Opo "Malungkot na sagot ko.
kapag ikaw ay nasa wastong gulang na saka ka lang makakalabas ng palasyo "Sabi ng Mahal na reyna.
Bakit mo po pala ako pinatawag Mahal na reyna? "Tanong ko.
kamusta na pala ang iyong pagaaral? "Tanong ng aking ina.
Maayos naman po ang aking pagaaral sa katunayan marami akong natutunan na bago Mahal na reyna "Masayang sabi ko.
Mabuti kung ganun sige na maari ka na bumalik sa iyong silid upang magpahinga "Sabi ng aking Ina.
Opo mauna na ako "Sagot ko tumayo ako at yumuko lumabas na ako sa silid ng Inang reyna.
Bakit ganun hindi ko manlang maramdaman na siya ang aking Ina masaya ako nagkukwento sa kanya pero siya wala manlang.
Tumakbo na ako sa akin silid at nagkulong buong araw.
Sana hindi na lang ako naging prinsesa "Bulong ko sa aking sarili.
----------------------------------
Sa Bayan ng Serio dito matatagpuan ang mga mahihirap na tao at isa na roon si Lara Chen kasama niya ang kanyang ama na si Woon Chen na retired na kawal ng palasyo ng sierin ang kanyang ina naman ay tagapaglingkod sa palasyo simula noon ay hindi na niya nakita ang kanyang ina dahil doon na ito naninirahan at ni minsan hindi niya ito nakagisnan kaya ultimo pangalan niya ay hindi niya ito alam kahit ang kanyang ama ay ayaw sabihin. kaya hindi na niya ito hinahanap pa dahil busog na siya sa pagmamahal ng kanyang ama.
Ako si Lara Chen, Pitong taong gulang na. Limang taong gulang pa lamang ako ay tinuruan na ako kung paano makipaglaban sabi kasi ng aking ama kailangan ko raw yun para ipagtanggol ang aking sarili at bukod doon tinutulungan ko rin magsaka ang aking ama ngunit hindi ito sapat dahil ang may ari nito ay sobrang gahaman hindi manlang siya nagbibigay ng sapat na sahod kaya ipinangako ko sa sarili ko na kapag ako ay nasa wastong gulang na ipagtatanggol ko ang mga taong nangangailangan at mas may karapatan.
Habang ako ay papunta sa kabilang bayan inutusan kasi ako ng aking ama dalhin itong palay sa kanyang amo. sa di kalayuan ay may isang lalaking binubugbog ng limang lalaki sa tingin ko mga nasa labingdalawa taong gulanv na ang mga bata lumapit ako sa kanila dahil puro dugo na ang kasuotan ng lalaki. bumaba ako sa kabayo at itinali sa may puno.

BINABASA MO ANG
Legendary Princess
Исторические романыNoong unang panahon pinapaniwalaan ang unang anak na babae ng Hari at Reyna kapag nagkaroon ng marka na hugis bituin ay siya ang tinatawag na Legendary Princess. Ang Legendary Princess ay nagtataglay ng lakas,bilis at talino sa kahit anong pakikipag...