"Lara Pov"
Nandito na kami sa bayan ng Sierin noong unang punta namin hindi pa ganito karami ang tao pero ngayon mas dumami pa.
Grabe Lara ang daming tao "Sabi ni kaito.
Ou nga eh"Sagot ko.
Nga pala kaito ano nilagay mo sa pangalan ko? "Tanong ko kay kaito.
Hindi naman kasi pwedeng Lara ang ilagay niya dahil sa panlalaki niya ako isinali.
Ang totoo niyan Cold Eyes ang nilagay ko"Sagot ni kaito.
Cold Eyes? "Nagtatakang tanong ko.
Ou parang ikaw masyadong matapang nakakatakot ang lamig mo kasi tumingin walang emosyon hehe "Paliwanag niya sa akin..
Ano?? Cold Eyes??
Ah Ganun-------- "Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsimula na.
Tara na Cold Eyes "Nakangiting sabi ni Kaito sabay hatak sa akin.
Makinig kayo ang labanan na ito ay matira ang matibay kung sino ang huling mananalo ay siya ang mananalo dalawangpong salapi na ginto at siya ang kauna-unahang kalahok na makakapasok sa palasyo kaya galingan niyo "Sabi ng lalaki na nakatayo sa gitna ng Arena ito ay malaking espasyo kung saan naglalaban ang mga manlalaro.
Ang mahalaga sa akin ay ang premyo kailangan ngayon yun ni Ama.
Simulan na "Sigaw ng lahat nagumpisa na ang labanan.
Nakatutok lang ako sa mga naglalaban karamihan sa mga kalahok halatang hindi marurunong makipaglaban sugod lang ng sugod. Napapailing na lang ako para kasing mga babae walang alam sa pakikipaglaban.
Hindi ko sinasabing lalaki ako babae pa rin naman ako sadyang may alam lang ako sa pakikipaglaban.
Nagpatuloy pa rin ang laban hanggang sa tinawag na ako.
Ang susunod na kalahok si Cold Eyes "Tawag sa akin pumunta naman ako sa harap habang hinihintay ang aking makakalaban. Marami akong naririnig na bulong bulungan puro panlalait.
Totoy baka gusto mo ng umatras habang may pagkakataon ka pa sayang ang itsura mo kung babasagin ko lang ang pagmumukha mo "Maangas na sabi ng kalaban ko tiningnan ko lang siya mula hanggang paa Malaki ang kanyang pangagatawan halatang batak ito sa trabaho pero kung kikilatisin mo ng mabuti halatang walang ibubuga. hindi ako sa nanghuhusga pero yun ang aking nakikita.
Ganun kasi ang pamamaraan ko ng pakikipaglaban tinitingnan ko ang pisikal na kaanyuan at syempre ang ugali nito. Minsan kasi Kung sino pa ang napaka yabang at maraming satsat sila pa ang walang alam sa pakikipaglaban.
Tapos kana ba titigan ang maganda Kong katawan haha "Mayabang na sabi niya. Nagtawanan naman ang lahat sa halip na makitawa ako ay naghanda na lang ako sa pagataki niya.
Ano totoy handa kana bang basagin ko ang mukha mo haha "Malakas na asar niya.
Tingnan na lang natin Kung sino ang basag ang mukha sa ating dalawa pagkatapos ng laban "Sa isip-isip ko.
BINABASA MO ANG
Legendary Princess
Historical FictionNoong unang panahon pinapaniwalaan ang unang anak na babae ng Hari at Reyna kapag nagkaroon ng marka na hugis bituin ay siya ang tinatawag na Legendary Princess. Ang Legendary Princess ay nagtataglay ng lakas,bilis at talino sa kahit anong pakikipag...