Chapter 8

33 11 9
                                        

"Lara Pov"

Anong ginagawa niyo dito? "Tanong ni Manong Rey.

"Ah eh kasi po Manong Rey nagtataka lang po kami kung bakit nandito ang mga kawal ng sierin? "Sabi ni kaito.

Hmmm may hinahanap silang lalaki "Sabi ni Manong Rey.

Napalunok ako hindi kaya kami ang hinahanap nito pero lalaki eh baka si kaito.

Pero bakit hinahanap nila itong lalaki na ito? "Tanong ni kaito.

Yun ang hindi ko alam kaito "Sagot naman ni Manong Rey. Napatango na lang kami pareho.

Halina kayo para maaga tayo makauwi "Sabi ni Manong Rey. Sumunod na lang kami ni kaito.

Lara hindi kaya ikaw ang hinahanap? "Biro ni kaito binatukan ko nga.

Aray ah masakit yun "Sabi nito nakakamot kamot sa ulo.

Mukha ba akong lalaki "Sabi ko sa kanya.

Ou "Sagot nito at muli na naman siyang nakatikim ng batok.

Isa pa at makakatikim ka ulit "Banta ko sa kanya.

Sabi ko nga titigil na jshdfhflasksnddjd" Wala akong naintindihan sa sinabi niya.

May sinasabi ka? "Nakataas na kilay na sabi ko...

May narinig ka? "Balik na tanong niya.

Aba't------

Muli ko sana itong babatukan ng mabilis itong nakatakbo....

Tatawa tawa naman ang unggoy habang tumatakbo.

Tsk madapa ka sana "Bulong ko.

At yun ang unggoy nadapa sa putikan...

Bilis ng karma hahahahahaha "Sigaw ko sa kanya nagtawanan naman ang lahat at yung mga kawal  ay napalingon sa akin tapos tumingin kay kaito natawa na rin sila.

Maya maya may lumapit sa akin napatingin ako muntik ko na mabitawan ang hawak kong pala tinititigan niya ako ng mabuti. napalunok ako at kinakabahan...

Bakit ka po nakatingin sa akin? "Nakangiting tanong ko.

Nagkita na ba tayo dati? "Tanong nito.

Hindi po ngayon lang po kita nakita. Bakit pumunta kana ba dito dati sa aming bayan? "Balik na tanong ko sa kanya.

Hindi ngayon lang ako nakarating dito "Sagot niya tatango tango naman ako.

Heneral tara na po at pupunta pa tayo sa susunod na bayan baka nandon na ang taong hinahanap natin "Sagot ng isang kawal tinaas lang nito ang kamay niya yumuko naman angnkawal at umaalis na.

Hanggang sa muling pagkikita binibini "Paalam nito yumuko lang ako dito umalis naman siya agad sa harap ko...

kinikilabutan ako kapag nakikita ko si tiger.

Tama si tiger akala ko kanang kamay niya lang ito isa pala itong heneral.

Bakit kaya siya nandito at bakit niya ako hinahanap.

Nang nakaalis na silang lahat nagsimula na kami sa aming pagsasaka. Hapon na rin ng matapos kami. pauwi na kami ni kaito ng pagusapan na naman namin si tiger.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon