Chapter 7

37 12 6
                                    

"Lara Pov"

Pagkatapos ng laban namin ni Tiger aaminin ko muntik na akong matalo sa kanya malalakas kasi ang mga suntok niya buti na lang ay dumadaplis lang dahil sa bilis kong pagiwas. nang ibigay niya sa akin ang espada ay napangiti ako dahil sanay na sanay ako sa paghawak nito dahil tinuruan ako ni Ama noong bata pa ako at isa pa hindi ako pwedeng matalo sa laban na ito dahil kailan kong mapagamot si ama.

Ang galing mo talaga makipaglaban lara "Masayang sabi ni kaito at patalon-talon pa.

Tumigil ka nga para kang bakla "Sabi ko sa kanya.

Masaya lang ako bakla agad pasalamat ka at kapatid kita kundi -

Kundi ano? "Mataray na sabi ko.

Kundiiiiii tara kunin na natin yung premyo mo at ng makabali na tayo ng gamot ni Ama hehe "Sabi ni kaito sabay iwas.

Tsk takot naman pala "Mahina lang ang pagkakasabi ko sapat lang na hindi niya marinig.

May sinasabi ka ba? "Tanong ni kaito.

May Narinig kaba? "Tanong ko sa kanya.

Wala "Sagot niya.

Wala ka naman pala naririnig nagtatanong ka pa "Sarkastiko na sabi ko kanya. Napakamot na lang siya sa kanyang batok.

Nang makuha ko na ang premyo ko ay agad kaming umalis ni Kaito. pagdating namin sa bahay ay wala sila dali-dali kaming naghiwalay para hanapin sila.

Wala sila sa loob ng bahay "Sabi ni kaito.

Saan sila nagpunta ni Ama "Kinakabahan na sabi ko.

kaito gumawa ka ng paraan para makita si Ama "Namumuo na ang aking luha konti na lang at tutulo na ito hinawakan niya ang pisnge ko at pinunasan ang luha ko na tumulo na pala.

Lara pumunta ka kila Ginang Meng baka nadoon siya ako naman pupunta sa bayan baka sa kasaling nandoon sila "Sabi ni kaito

Sige "Sagot ko binitawan naman niya ang pagkakahawak niya sa akin.

Wag kang magalala makikita natin sila"Sabi ni kaito tumango ako bilang sagot agad ako pumunta sa bahay nila Ginang Meng pagdating ko wala siya doon. pumunta na rin ako sa bukid baka may alam yung mga kasamahan namin sa bukid kung saan pumunta si Ama at Ginang meng.

Manong Rey "Tawag ko kay Manong Rey.

Oh ikaw pala yan Lara anong ginagawa mo dito? "Tanong ni Manong Rey pagkalapit ko sa kanya.

Nakita niyo ba si Ama? "Tanong ko agad sa kanya.

Hindi "Sagot niya.

Teka diba may sakit siya? bakit dito mo siya hinahanap? "Tanong ni Manong Rey.

Wala kasi si Ama pagbalik namin sa bahay "Kinakabahan na sabi ko.

Sino ba kasama ni Woon sa bahay niyo? "Tanong ni Manong Rey.

Si Ginang Meng po "Sagot ko.

Si Meng! Nakita ko siya kanina nagmamadali tinawag ko pa nga ito ngunit hindi siya lumingon "Sa sinabi ni Manong Rey ay mas lalo akong kinabahan.

Sige po Manong Rey kapag nakita niyo po siya ulit sabihin niyo po sa akin agad "Bilin ko kay Manong Rey.

Sige iha mag-iingat kayo "Sabi ni Mnong Rey pilit akong ngumiti sa kanya at muli akong bumalik sa bahay nakita ko si Kaito pabalik-balik sa paglalakad at parang lutang pa ito.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon