Chapter 2

57 16 4
                                    

"Lara Pov"

Kaito sigurado ka ba talaga na pupunta tayo doon?"Tanong ko.

Lara wag kang magalala saglit lang tayo pangako "Sabi niya sabay taas ng kaliwang kamay. napabuntong hininga na lang ako.

Ok sige "Sabi ko.

Yun papayag ka rin pala eh "Sabi niya.

Saglit lang ah "Sabi ko itinali ko ang ang aking buhok at nilagyan ng harang sa aking noo paraan ko ito para hindi ako makilala agad nagmumukha nga akong lalaki nito.

Ou pangako "Sagot niya pumunta na muna kami kay tandang Lucio para ihatid ang ani namin. Agad naman kaming binayaran.

So tara na? "Tanong niya

Ou ba "Sagot ko sumakay na kami sa kabayo para makapunta agad sa sierin.

Ang totoo palaisipan sa akin kung bakit ayaw ni ama na kami ay pumunta sa sierin.

Kaito bakit naisipan mo na pumunta tayo sa sierin? "Tanong ko.

Marami kasi nagsasabi na ang sierin ang pinaka magandang bayan at bukod doon malapit ang palace sa sierin, alam mo ba kapatid kilala ang pamilyang Wang sa pinaka mayaman at pinaka magagaling sa pakikipaglaban "Paliwanag niya.

Sus kaya natin talunin ang mga yan kapatid "Sabi ko

Ibang klase ka talaga lakas ng tama mo haha "Natatawang sabi nito.

Makikita mo Kaito tatalunin ko silang lahat "Sabi ko sabay ngiti.

Anong alam mo sa pakikipaglaban marunong ka bang gumamit ng sandata? "Tanong niya.

Ou naman "Sagot ko.

Ano Patpat haha "Asar niya sa akin.

Tingnan na lang natin "Sabi ko.

Sige sabi eh "Sagot ni kaito. Pagdating namin sa bayan ng sierin ay namangha kami. Kitang-kita mo ang sagana sa lugar na ito.

Kaito ano meron dito at mukhang may okasyon? "Tanong ko kay kaito.

Ayon sa aking nabalitaan malapit ng ipakilala ang nagiisang anak ng hari at reyna ng sierin "Paliwanag ni Kaito.

Ipapakilala lang kailangan bongga "Sagot ko.

Lara prinsesa yun malamang ipapakilala siya at isa pa umayos ka sa pananalita mo taga labas tayo hindi dapat nila marinig kung sino pinaguusapan natin baka pagkamalan pa tayong kalaban "Sabi ni Kaito sa akin napabuntong hinihanga na lang ako sa mga sinasabi niya.

Napadaan kami sa nagkukumpulan tao nakita ko si kaito ay nakikisiksik hindi ako sumunod sa kanya dahil amoy na amoy ko ang mabahong pawis ng mga naglalakihang mga lalaki. Pagbalik ni kaito ay may hawak na itong kapirasong papel.

Isulat mo ang pangalan mo dito Lara "Sabi ni kaito.

Bakit ko naman gagawin yun? "Tanong ko.

Ano kaba Lara makakakuha tayo ng salapi dito kapag ikaw ang nanalo "Sabi ni kaito.

Ikaw na lang wag mo ako idamay "Sabi ko at naglakad ulit itinabi naman niya ang papel.

Bakit hindi mo pa yan itapon? "Tanong ko.

Malay mo magbago isip mo "Sabi niya sa akin.

Asa ka "Sagot ko. habang naglilibot kami ay nagpaalam sa akin si kaito na may bibilhin ito. ako naman nahintay na lang sa kanya.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon