Chapter 3

51 13 5
                                    

"Lara Pov"

Maaga kaming gumising ni kaito para magtanim ng palay, si Ama naman naiwan sa bahay dahil masama ang kanyang pakiramdam. Maghapon kaming nagtanim kasama ng ibang magsasaka ng matapos na kami agad kaming umuwi ni kaito.

Lara bukas balik tayo sa sierin "Sabi ni kaito.

Ayoko na bumalik doon "Sabi ko.

Lara saglit lang naman tayo doon "Pangungulit ni Kaito.

Ayoko  nga sabi ang kulit mo "Naiirita na sabi ko.

Lara pangako saglit lang tayo ulit pumayag kana "Sabi ni kaito.

Kung gusto mo bumalik doon ikaw na lang wag mo na ako isali naiintindihan mo "Naiinis na sabi ko sa kanya.

Ewan ko ba parang may kalokohan na naman itong si kaito. ganyan na ganyan yan kapag nangungulit may kailangan siyang gawin.

Bukas na tayo magpatuloy gabi na "Sabi ko kay kaito tumingin lang ito sa akin na akala mo nagmamakaawa.

Ayusin mo nga yang itsura mo kaito "Sabi ko sa kanya at ang loko mas lalong nagpaawa.

Tsk Akala mo madadala ako sa mga ganyan mo hindi noh!!.

Kapatid "Tawag niya sa akin.

Ano "Medyo galit na sabi ko.

Sige wag na lang "Sabi niya nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng makarating kami sa bahay ay ganun pa rin ang itsura ni Ama hinanghina.

Kaito magsibak ka ng kahoy para makapagsaing na ako "Sabi ko tumango naman siya at lumabas na. Magdidilim na rin kasi pagkatapos namin maghain ay ginising ko na si Ama.

Ama gising na po kakain na po tayo "Sabi ko kay ama ngunit hindi siya gumalaw kaya ang ginawa ko niyogyog ko si Ama. napamulat naman siya.

Ama kain na po tayo "Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango naman siya tinulungan kong tumayo si Ama. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. dahan-dahan kong inalalayan si Ama paupo. Habang kumakain kami ay nagtitinginan lang kami ni kaito.

Haist kailangan namin bumili ng gamot para kay ama ngunit wala naman kaming pambili yung benta naman namin sa ani kahapon ay binigay namin sa may-ari ng palayan.....

Pagkatapos namin kumain ay naghugas na si kaito ng pinagkainan. si Ama ay hinatid ko na ulit sa kanyang silid pinunasan ko na rin ito kinuha ako ng makapal na kumot at kinumutan na si Ama.Panigurado kasi lalamigin si ama mamayang madaling araw. Lumabas na ako ng silid ng masiguradong tulog na si Ama. Paglabas ko nakita ko si kaito sa labas ng bahay pinuntahan ko naman siya.

Kaito bakit ka nasa labas hindi ka pa ba inaantok? "Tanong ko.

Hindi pa ako inaantok "Sagot niya umupo naman ako sa kanyang tabi.

Nagaalala ako kay Ama kaito mataas ang kanyang lagnat tapos para itong nahihirapan huminga "Malungkot na sabi ko.

Kailangan natin siya madala sa pagamutan at bumili ng gamot para siya ay gumaling "Sabi ni kaito.

Paano natin siya madadala doon eh wala naman tayong salapi "Sabi ko.

Lara ang totoo kaya gusto kong bumalik tayo doon sa Sierin ay sinali kita sa patimpalak na pinaka magagaling makipaglaban "Paliwanag nito.

Sinasabi ko na nga ba eh....

Aray "Inda niya binatukan ko kasi.

Siraulo ka talaga kahit kailan "Sermon ko sa kanya.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon