Pagkatapos ipaliwanag ni Ms. Agoncillo ang mga dos and don'ts ng school,
ay nagpaalam na siya,
pero may pinahabol siyang sabi,
"So, si mr. Jiro Reyes lang ang absent? please, pakisabi ng maaga sa mga subject teachers na may absent today, ok?"
"Ok." Sabi ng lahat.
Jiro Reyes.
Nacurious ako sa kanya, ba't kaya magaabsent sa 2nd day?
Andito kaya siya nung 1st day,
Well, nevermind, bakit ba ako magkecare sa kanya?
baka, katulad din siya nila.
mas maganda ng wag akong umasang iba siya sa mga estudyante dito.
"Ang laki mo naman, di ko makita mga nakasulat sa board!" Pagrereklamo ng nasa likod ko.
Di na ako lumingon pa't yumuko nalang.
nagulat nalang ako ng may sumigaw,
"Bakit ka ganyan?! Ano bang problema mo kay Phebe! Di naman siya ganun kalaki ah! Chubby lang siya, kung maka-asta ka naman parang--!" Sigaw ni Mayu.
tumayo si Mika para pigilan si Mayu.
"tama na Mayu.. tigil na.." Pagpipigil ni Mika.
"nakakainis kasi yung mga taong katula--"
hinawakan ko yung kamay ni Mayu,
"mayu, tama na, tama naman siya e." Sabi ko.
Natigilan na si Mayu, "magsi-CR lang ako."
Sinundan namin siya ni Mika.
Walang tao sa CR kundi kaming tatlo lang, nagkaklase na siguro kasi ang lahat sa mga oras na to.
"Totoo naman kasi yung sinabi niya e, at alam mo namang ganun talaga ang tingin nila sa akin" Sabi ko.
"Wag mo nga ipagtanggol yung mga yun!" Sabi ni Mayu.
Ngumiti ako, "Salamat Mayu at Mika ah, kayo lang kasi nakakatanggap sakin.."
Tinapik tapik ako ni Mayu sa ulo,
"Wushuu! Tama na yan, baka magiyakan pa tayo dito e!" Masayang sabi ni Mayu.
Masaya ang school life ko kesa sa bahay,
Kasi, anjan ang kambal na sila Mayu at Mika.
Mababait sila, tanggap nila ako.
Di tulad ng ibang mapagmata.
Nakakainggit sila,
kasi, kilala sila sa school bilang, mga sikat na model.
yep, sa edad nilang yun, model na sila.
Why not? Eh payat, matatangkad at magaganda naman sila.
Di lumalaki ang ulo nila sa kabila ng kasikatan nila.
mabait at humble.
kaya di na ako nagtataka kung bakit ang dami nilang kaibigan di dahil sa sikat sila, kundi dahil mabababait sila at masaya kasama.
kaya napakaswerte ko para tawagin nila akong bestfriend.
Sa lahat ng tao, di ko akalaing sila pa ang unang magtatanggol sa akin.
Di naman talaga ako ganun kataba,
chubby kung tawagin.
Pero, di ako nababagay na makasama sila Mayu at Mika.
Mataba ako't mapapayat sila.
Siguro dala na rin ng inggit na nakakasama ko sila Mayu sa araw araw ay lalong dumami ang may ayaw sa akin.
pero, tanggap ko ng sila Mayu at Mika lang ang kaibigan ko.
Kasi, pag kasama ko sila Mayu, katumbas na nun ang libo libong kaibigang makikilala ko.
Natapos ang araw at naging maayos naman.
Sanay na rin akong pinagtitinginan kasi kasama ko sila Mayu at Mika.
Kaya nakakatawa naman ako at kahit papaano'y di na naiilang kapag tinitignan nila ako.
BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Novela JuvenilSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...