Camera Clicks X: Semestral break

47 2 0
                                        

" Sana di mo nalang sinumlan, kung di mo rin tatapusin. "

two days na akong di pumapasok sa school. 

Ayokong pumasok sa school.

"Anak, gising ka na ba?"

Bumuntong hininga ako.

"Opo Ma."

Tumayo na ako sa kama at umupo na sa mesa.

Nabitawan ko ang kutsara't tinidor sa kamay ko.

"Wala akong gana Ma. Di muna ako kakain ngayon."

Tumingin sa akin si mama ng may pagaalala.

"I know Ma. i have to eat. Pero, wala po talaga akong gana e"

Buong araw ako sa kama.

Pumasok na si mama sa trabaho at di pa rin ako bumabangon sa kama.

Sana di mo nalang sinumlan, kung di mo rin tatapusin. "

Sana di mo nalang sinumlan, kung di mo rin tatapusin. "

Sana di mo nalang sinumlan, kung di mo rin tatapusin. "

kailangan kong tapusin ang nasimulan ko.

nakita ko ang sarili ko sa salamin.

Pumapayat na ako sa di pagkakain.

Pero, pumapanget na ako.

Dati mejo cheeky pa ako't cute.

Pero, ngayon.. malaki ang eye bags, pumapayat na ang mukha ko.

Samantalang ang katawan ay di pa masyado.

kailangan kong mag jogging.

Di na muna ako papasok sa school,

Tatapusin ko muna ang festival sa school at semestral break.

Magpapapayat ako ng bongga!

Magiging model ako, at matutupad ko na lahat ng pangarap ko.

magiging proud na sina mama at papa.

Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo kung mangyari man yun.

nagmumusic ako habang nagjajogging para mas maengganyo akong magjogging.

ganto lang ang routine ng buong semestral break ko.

gigising ng maaga -> Magjajogging -> magiistretch -> Mageexercise -> Kakain ng kaunti -> Matutulog

Hanggang sa nagising nalang ako isang araw.

"ANAKKKKK!!!" Sigaw ni Mama.

Hayy, umagang umaga, sumisigaw na si mama.

Tinapik tapik ni mama ang legs ko.

"ANAKKKKK!!!" Sigaw uli niya.

Bumangon akong papikit pikit pa ang mata.

"Ano ba yan mama.." Sabi ko habang kinakamot ang mata ko.

"ANAKKK!! Sabi kod iba kumain ka ng mabutiii! Ang payat payat mo naaa!!" Sigaw ni mama.

"Mama, kung magjojoke ka, please lang.. save it for later." Sabi ko.

napatingin nalang ako sa pagkakakapit ni mama sa braso ko.

Braso ko ba to?!

Hahaha! Baliw na ako! hindi kayang kawakan ni mama ng isang kamay lang ang braso ko noh.

"Baliw ka na ba anak!!" Sigaw ni mama. "hala!! Magluluto ako ng maraming pagkain! Bumangon ka na jan!!"

napapangiti ako.

Sadyang ang ganda ng panaginip ko.

Umupo ako sa dining chair na aantok antok pa.

pagbukas ng maayos ng mata ko,

kamay ko ba to?

Ang payat, parang kamay lang nila Mayu.

"Anak! Anak!! Eto.. uminom ka ng vitamins eto yung tubi--- AYYYY!!"

nadulas si mama at natapon ang tubig sa damit ko.

Napatingin lang ako sa damit ko.

"Sorry anak, dali, panik ka muna dun, magpalit ka na ng damit mo! Bilisan mo't baka matuyuan ka!!" Natatarantang sabi ni Mama.

Pumanik ako sa kwarto ko.

napadaan ako sa whole body mirror sa harap ng kwarto ko.

pag tingin ko..

Camera ClicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon