*DROOL* *DROOL*
Mahigpit ang pagkakakapit ko sa pera ko.
Kinuha na lahat ni Jiro ang pera ko, para macontrol ang pagbili ko ng pagkain.
pero, binigyan ako ni mama ng pera kaninang umaga, at di niya alam to.
Kailangan kong magpapayat.
Papayat din ako!!
*lick*
Ang sarap nito, gusto ko pang bumili.
nakadalawa na akong ice cream, pero gusto ko pa ng dalawa pa.
basta, hangga't andito ako, walang makakahuli sa aking kumakain ako.
"OH SHEEZ!!!!" napasigaw ako ng may kumalabit sa likod ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mika.
Si Mika at mayu lang pala.
Agad kong itinago ang ice cream sa likod ko.
"Ahh.. wala noh." Palusot ko.
"Kumakain ka na naman ba?" Tanong ng isnag lalaki mula sa likod ko.
Humarap ako kay Jiro.
"Huh?! Anung kumakain, wala nga akong pera e!" Sabi ko.
Tumatawa sila Mayu at Mika sa likod ko.
Ayyy! Huli na akoo!
Nakita na nila Mayu at Mika ang ice cream sa likod ko at sigurado akong isusumbong nila ako kay jiro.
"Tsk Tsk Tsk." ang tanging nasabi ni Jiro.
malungkot ako buong araw.
nadisappoint ko si Jiro.
Umaasa siyang kaya ko toh.
Na maipapamukha ko sa mga umaapis sa akin na hanggang dun lang ako.
Na makakamit ko ang pangarap ko,
at hindi lang ako sumasama sa mga models dahil attention seeker ako.
kundi dahil KAYA KO RING MAGING MODEL!
Pero, sa mga kinikilos kong to,
parang wala ng pag-asa.
Ilang linggo kong trinay na di kumain.
Na as much as possible, di ako magkakanin.
Mageexercise at jogging every morning.
Pumapayat naman ako, nababawasan ang timbang ko.
pero, pagdadating ang araw na may chibugan.
Bawing bawi lahat ng pinaghirapan ko't bumabalik ako sa tabaing ako.
Nahihirapan na ako..
Kaya, mas maganda siguro kung...
"You give up?!" Pasigaw na sabi sa akin ni Jiro.
"E.. eh.. k. kasi.. naman, nahi.. nahihirapan na ako--"
"It's been three weeks Phebe! Three weeks kang naghihirap, tapos maggigive up ka?! Ngayon ka mag gigive up!"
"Eh pa'no kung hindi naman para sa akin ang pagmomodel!! Madaling sabihin! Kasi, payat ka!! PAYAT KAYOO! Iba ako, mataba ako!!" Naiiyak na ako, pero kailangan kong maging matapang, "Sorry!! SORRY kung hindi ko kaya! Kung masydo kang nagexpect! SORRYY!" Malakas kong sabi.
"You really disappoint me." Ang tanging nasabi ni Jiro.
Napapikit ako. "'Di ko kaya. Sorry."
"Sana, from the very first place.. di ka na nagsimula, kung di mo rin tatapusin."
Umalis si Jiro sa harapan ko.
Sorry..
BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Teen FictionSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...