Pagod na pagod akong humiga sa kama.
Hayy, nakakapagod pero masaya.
Nakatulog ako ng maayos ng gabing yun.
Kinabuksan ay ibinalita ko agad kay Jiro ang nangyari,
masaya din siya para sa akin.
Mga ilang araw lang ay naging busy na din ako.
Lagi na akong pinababalik sa building na yun at pinagtetraining.
nakakapagod at ngalay din pala ang ngumiti.
Pero, totoo naman ang ngiting yun at talaga namang masaya ako.
Ilang araw lang din ay naipublish na ang magazine kung nasan nandun ang una kong pictorial.
nagulat ako sa nabasa ko.
"Phebe, the new fashion icon!" Tulad na tulad sa iniisip ko.
Tinago ko ng mabuti ang magazine na yun bilang paalala sa una kong pictorial.
lagi kong tinititigan yun bago matulog at laging pinapaalala sa sariling, lahat ay totoo at hindi panaginip.
Marami rin akong natanggap na text, sulat at email na nagkocongratulate sa akin, at tulad ko, di rin makapaniwala sa narating ko.
Bago din ako matulog ay nagpopose pose ako sa bahay at naglalakad model.
At eto ang di komapaniwalaan.
Nakaupo ako sa isang upuan, kasama ang mga staffs at cameramen sa magazine.
nasa isa akong conference at contract signing.
1 year contract of modeling, 1 year na siguradong modelo ako.
Di ko makakalimutan tong araw na to,
February 13, 2011.
Ang araw na makakamit ko na ang pangarap ko.
nagpaulan din ng mga tanong ang mga reporters.
kung sino sino na lang din ang aking mga kinakamayan at nginingitian.
*CLICK*
*CLICK*
Kahit san ako tumingin, ay nakikita ko ang mga nagfa-flash na camera na nakatutok sa akin.
Natapos ang araw ng masaya,
Nagkaroon din ng maliit na selebrasyon sa building kung san kami nagpho-photoshoot.
Gabi na rin ng ihatid ako nila Mayu at Mika sa bahay.
Pgapasok ko sa bahay,
madilim sa loob ng bahay,
tulad din ng dati, kumapa kapa ako hanggang sa maabot ko na yung switch ng ilaw.
Pagbukas ko.
"SURRRRRPRRRISE!!!!" Sigaw ni..
"Papa?!" Gulat kong tanong.
Yinakap niya ako, "Of course, honey!"
yinakap niya ako ng mahigpit.
Binitawan din niya ako,
nandun din si mama, pero, di siya masaya, para bang galit.
"Let me talk to you Phebe," pautos niyang sabi sa akin.
nginitian ko muna si papa, at agad sumunod kay mama pagkatapos.
"ma, ano yu--"
"Phebe! Anong oras na?! I was expecting na, uuwi ka ng maaga!" Pasigaw niyang sabi.
"pero, ma, umuwi namana ko diba, yun naman po ako diba, yun naman po ang mahalaga."
"You forgot." hindi patanong na sabi ni mama.
Forgot?!
Anong nakalimutan ko?!
"Every febuary 13, I was expecting na, kahit sa nagiisang araw na to, ay uuwi ka ng maaga at nakangiti kaming dalawa ng papa mo para sayo. Kasi, every february 13, yun lang ang time na uuwi ang papa mo dito. Sana naman maglaan ka ng oras mo!!" pasigaw na sabi ni mama.
"Sana din po, maglaan din po kayo ng oras sa akin!!" sigaw na sagot ko, di ko na mapigilan ang tono at volume ng boses kos a pagsagot ko kay mama, "ma, alam mo ba kung bakit nakalimutan ko?! Kasi, iba na buhay ko , MODEL na ako ma, nakamit ko na pangarap ko, yung building na yun, ang pamilya kO! Kasi, kada uwi ko dito, wala akong magulang!! WALA MA!!"
nagwalk out ako't nagkulong sa kwarto.
iyak ako ng iyak hanggang sa dalawin na ako ng antok.
BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Fiksi RemajaSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...