Camera Clicks XX: Why?!

59 4 0
                                    

Pinakain ni Jiro ang Ale sa isang fast food chain,

Awang awang si jiro sa Ale habang tinatanong tungkol sa pamilya nito.

"nanay, alam niyo po ba ang address niyo?" Tanong ni Jiro.

"Iho, binenta na ang bahay namin dahil sa kahirapan."

"Wala ka na bang ibang kamag-anak na pwedeng tir'han?" 

"Wala na iho, di ko rin alam kung anong lugar ba ito, basta nagising nalang ako isang araw, abay wala  ng bubong ang aking tinitrhan at tila ba iniwan na ako sa kalsada."

kitang kita ko ang awa sa mga mata ni Jiro,

pero, dapat ba niyang  pagkatiwalaan ang Aleng to?

Marami ng modus operandi na ganyan.

Mukha ngang kaawa awa ang Ale, pero, di dapat nagtitiwala basta basta si Jiro lalo na sa panahong ngayon.

Ang kinagulat ko pa ay..

"Nanay, gusto mo bang tumira muna sa bahay ko, habang hinahanap natin ang mga kamaganak mo? O kahit mga anak mo?"

Di na tumanggi ang Ale, agad itong um-oo.

Di ko na napigilan pa si jiro, dahil napaka pusong mamon nito.

Kasabay namin sa taxi ang Ale.

Ikinagulat naman ni Jiro na bumaba na ako kaagad sa tapat ng bahay niya gayong ang bahay namin ay ilang kanto pa.

Pinapasok niya kami ng Ale.

Kumuha siya ng inumin sa ref at inihanda sa amin.

"Jiro, usap muna tayo." Sabi ko.

Bago pa kami lumayo layo ni Jiro ay pinagmasdan ko muna ang Ale.

Tila ba manghang mangha ang Ale sa laki ng bahay ni Jiro.

magagandang ilaw at babasagin na gamit ang nakadisenyo sa bahay nito.

Nang makalayo layo na kami ni Jiro,

"Jiro, alam ko namang di ka masamang tao at mabuti ang intensiyon mo. pero, sigurado ka bang mabuti din ang intensiyon ng Aleng yan na pinapasok mo sa bahay mo?"

"Phebe, I don't understand you, hindi na nga halos makalakad ng maayos si nanay sa sobrang tanda e."

"pero, iba na ang mga modus operandi ngayon! Di mo alam kung sino ang magnanakaw--"

"phebe, are you telling me na magnanakaw si nanay?!" Mataas na ang boses niya.

"Yes! No, I mean,hindi ka dapat nagtitiwala sa mga tao basta basta!! Ilang minuto mo lang siya  nakilala, and now, patutulugin mo siya sa mismong bahay mo?! Are you damn serious Jiro?!" pasigaw kong sagot.

mahina na ang salita niya ngayon,  "Phebe, I'm disappointed. Di ko nga alam, kung ikaw pa ba si Phebe. I don't know kung ikaw pa ba yung tumulong sa akin, nagtago ng sikreto ko nung una, naglibot sa akin sa school. Kasi, you know, IBANG IBA ka na Phebe, the way na tignan mo yung mga normal na tao, at ikumpara sila sa model na katulad mo, yung pananamit nila, jina-judge mo  sila agad.

Pano nga kung magnanakaw yung matandang yan na patutulugin ko sa bahay ko. Pano nga kung paggising ko, simot na lahat ng pera ko. Kung ako tatanungin, mas magiging masaya pa ako, kung ipapamahagi ko ang pera ko sa mga taong katulad niya!! Alam mo kung bakit?! Kasi, sila yung mga taong salat sa pera, hindi nakaranas ng mga naranasan natin! Ako, kuntento na ako Phebe, masaya na akong naranasan ko ang saya ng buhay! Kaya, handa akong, kahit kailan, kunin lahat yun sa akin, at mapadama naman sa iba, ang mga naranasan ko! Phebe, hindi ako selfish.. katulad mo.

Phebe, hindi na ikaw yung taong minsan ko ng.. minahal."

Madilim ang paningin ko nang makarating ako sa bahay.

Di na rin diretso ang paglakad ko dahil siguro sa mga nangyari ngayon.

Hindi ko na binuksan ang ilaw,

umupo lang ako sa sofa.

Phebe.. hindi ako selfish.. katulad mo.

Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak,

naiinis ako sa sairli ko!

bakit ba kasi ganto ako!!!

bakit ba kasi ang selfish ko!!!

Masama ako! masama ako!!

*ring* *ring*

Lumaki na ang ulo ko, dala ng kasikatan ko.

naging masama ako, selfish at.. at *sob* *sob*

*ring* *ring*

iyak ako ng iyak.

Wala akong magawa..

*ring* *ring*

hindi  ko mahanap ang cellphone ko.

Kinapa kapa ko ito sa dilim.

pero, di ko alam sa'n ko ba nilapag ang bag ko.

sumuko na ako,

tumayo ako at binuksan ang ilaw.

*ring* *ring*

nang mahanap ko na ang bag ko,

hinanap ko ang cellphone ko, pagbukas ko.

74 missed calls.

74?!!

*ring* *ringggggg*

*click*

"hello, Ma?" *sniff*

nanginig ang buong katawan ko.

hindi ko maramdaman ang buong katawan ko.

Ang tanging gumalaw lang ay ang kamay ko nang mabitawan ko ang cellphone ko.

napaluhod ako sa sahig,

at dun, bumuhos ang mga luha ko,

Wala akong naintindihan sa mga sinabi ni mama,

ang tanging narinig ko lang ay ang paghagulgol ni mama sa iyak,

at ang mga katagang..

"patay na ang papa mo, Phebe..."

Camera ClicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon