"Wag ka nga umiyak jan, para kang bata e." Pangaasar pa ni Jiro.
Bumalik na kami sa room.
"Bakit ngayon ka lang dumating?" Tanong ko.
"bakit, namiss mo agad ako?"
"Di ah, dapat kasi wag ka ng pumasok e. Hahaha, Joke lang syempre!" Sabi ko.
"Oh sige, ganyan ka naman e." Sabi niya.
"Uyy, Joke nga lang e."
Naging normal naman ang takbo ng araw,
bukod lang sa mga tingin ng iba,
tinitignan ako sa bawat kilos ko, may iba ngang nagha-hi sa akin kahit di ko naman kakilala.
Napapangiti nalang ako.
"Uyy Phebe!!" Tawag ni mayu.
Lumingon ako, "Yep?"
"Sama ka?" tanong nila.
"San naman ngayon?" Tanong ko.
"kahit san, sa mall.. sa restaurant..sa park.. kung san tayo mapunta. Ang tagal na nating di nagkikita, tapos, tatanggi ka pa? Please.." Sabi ni Mika.
"Oo na, sige na." Sabi ko.
We end up in a park,
maluwag at maganda ang veiw.
Ang sarap magmuni muni dito.
Kaso..
"Uhm, I'm sorry Phebe, aalis kami ni Mayu. may biglaang pictorial, you wanna stay? or.." Nakangiting sinabi ni Mika ang mga sumunod, "gusto mo bang sumama?"
Sumama?
Makita ang pagmomodel?
Makikita ang mga models.
WOW. Gusto kong sumama.
Ngumiti ako, "Syempre naman."
nakarating kami sa building kung san nagpipictorial sila Mayu at mika.
Wow.
ang laki at mataas ang building.
Sikat nga talaga tong pinagpipictorial-an nila.
Pumasok na kami sa building.
Maraming sumalubong kina Mika at Mayu.
Sikat talaga sila. Kilala sila ng lahat ng nadadaanan namin.
Ako naman, napapayuko na lang sa hiya,
Nakarating kami sa kwarto kung sa'n magpipictorial sila Mayu.
Nagsimula ng magbihis ng damit sila Mayu at Mika.
Habang nagbibihis sila,
Lumapit ako sa isa sa mga staff, "uhm, kuya, lalabas lang po ako para bumili ng inumin ah, pag hinanap po ako nila Mika, pakisabi, nasa labas lang ako."
Tumango naman si kuya at agad bumalik sa ginagawa niya.
Lumabas naman ako sa kwarto.
B45 ang codename ng room nila, pula ang pinto at may kalapit na pintong itim.
Matatandaan ko na siguro yan.. B45.. B45.. pula.. itim.. pula.
Nakahanap naman agad ako ng isang convenient store sa mismong building.
WOW. Convenient store, sa isang building.
Bumili ako ng inumin.
Di ko na alam pabalik.
B45.
B45.
Pula.
Hahanapin ko nalang at bibilisan ko ang paglakad.
Nang biglang..
"Phebe?! Oo nga, PHEBE!!" tawag sa akin ng isang lalaki mula sa likod ko.
Kumapit ako ng mahigpit sa inumin kong hawak,
Pamilyar ang boses nung tumawag, pero hindi ko maisip kung sino.
Paglingon ko.
"Jay?" Ngiti kong tanong.
Ohmygash.
ba't siya andito?
"bakit ka nandito? Model ka dito?" Naunahan niya ako.
"Ah. Hindi hindi! May kakilala lang ako." sabi ko, "Uhm, ikaw? bakit ka nandito?"
"Ahh, model ako dito. Start up." Sabi niya.
Wait.. tama ba ang rinig ko?
MODEL din siya?!
"MO..DEL. Ka?!" tanong ko.
"Oo, Akala ko alam mo. pero, start up palang. Nice meeting you here, by the way."
"Ahh.. Oo, ako rin, nice meeting yo--"
"PHEBE?!" tawag ng isang lalaki sa likod ko.
Sabay kaming lumingon sa likod.
"JIRO?!" tanong ko.

BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Teen FictionSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...