"Pa, three years na, at ilang taon na lang ay matatapos na ako ng college. Pa, alam mo ba, mas mahal na ako ng mga tao ngayon. Kasi, mas naging maintindihin ako at mabait. nagkaroon pa nga po kami ng pageant sa school e! At akalain mo yun, natalo ko sila Mayu at Mika. Ako ang may pinakamaraming boto! Pero, 5 votes lang ang lamang ko. Hehehe. Ang saya pa, sana andun ka, tapos, ikaw ang hahawak ng camera at pipicturan mo ako ng milyon milyong beses!"
Pinunasan ko ang puntod ni papa,
"Ayan, ang ganda na uli. babalik ako dito pa ah. Eto flowers oh, galing yan sa amin ni Mama. mabango yan Pa, katulad ng gusto mo."
tumayo na ako at dumirecho na sa kotse.
pagdating ko sa bahay,
"Ma, ano, ready ka na ba? Saglit lang muna ma a."
Ang mga piling gamit namin at si mama ay nagaantay na sa sasakyan.
Maglilipat na kami ng bahay.
It's been three years nang mamatay ang papa ko.
Pero, wala ni isang bagay ang nabago o nawala dito.
Desisyon yun ni mama, nya wag gagalawin ni isang bagay kahit pa maglipat kami.
ito nalang daw ang nagpapaalala kay mama kay papa.
pero, hindi pa handa si Mama.
kahit tatlong taon na ang nakakalipas, ay di pa rin makalimutan ni mama ang nangyari.
Car accident.
nabangga si papa ng isang truck nang tumawid silang papuntang isang restaurant.
Kakain daw sila, at masayang masayang sabi ni papa, na bibilhin nila ang paborito kong flavor na cake.
kakain daw kami ng maraming marami kahit daw tumaba ako.
Sa mismong harapan ni mama nabangga si papa.
Kumalat ang dugo ni papa hanggang sa paanan ni mama.
Walang nagawa si mama sa gulat, at unti unting nawala ang mundo ni mama.
Ilang buwang luha lang ang nakita ko sa mukha ni mama.
Minsan nga'y iniisip niyang kasama pa namin si papa sa hapagkainan.
Pero, bawat araw ay pinapaalala ko sa kanyang,
kahit wala na si papa,
ay laging nandito naman siya sa puso namin.
Isang beses lang kwinento ni mama ng detalyadong detalyado ang mga nangyari.
isang beses lang din niya inulit ang mga katagang iniwan ni papa para sa akin bago pa ito mamatay.
"kitang kita ko sa mga mata ng papa mo na mahal na mahal ka niya, gusto niyang bumawi, pero mahirap, kailangan niyang magtrabaho para sa atin, para sayo. Bago pa siya masagasaan, ay ito ang mga sinabi niya,
Anong cake bibilhin natin? Yung paborito nalang ni Phebe. Ang tagal tagal na siguro niyang di nakakakain nun kasama tayo noh? Alam mo, hon, nung araw na narinig ko ang mga sinabi niya nung araw na di siya nakauwi ng maaga nang umuwi ako galing sa ibang bansa. Ramdam niyang wala siyang magulang, kasi lagi tayong wala. At kitang kita ko sa mga mata niya kung pano niya ipagmalaki ang pagmomodel niya. Na gusto niya tayong maging proud, at kahit papaano'y bigyan siya ng oras. Alam mo, hon, proud ako sa kanya, kahit maging normal na estudyante lang siya. Hindi naman mahalaga kung model siya e, ang mahalaga sa akin, ay anak natin siya. At sapat na yun, para maging proud ako sa kanya--
At nung oras na yun, nawala na ang papa mo sa paningin ko. ANg tanging nakita ko lang, ay ang dugong nakakalat sa paanan ko."
Hindi na ako nakasagot sa mga sinabi ni mama.
Umiyak lang din ako.
Hinding hindi ko makakalimutan ang araw ng pagkamatay ni papa.
Dahil ang araw ding yon,
ang kaarawan ko

BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Novela JuvenilSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...