Nanlaki ang mata ko.
Napahawak ako sa bewang, tiyan at mga legs ko.
katawan ko ba 'to?!
Napahawak din ako sa mukha ko.
*SLAP!!* *SLAP*
Hindi ako nananaginip.
napatalon ako sa saya!!
"MAA!! MAAA!!!" Sigaw ko habang pababa ako.
Nagulat si Mama dahil di pa ako nagbibihis.
"Ano ba anak, sabin---"
"MAAA!!" mangiyak ngiyak kong sabi, "MAAA!!! PAYAT NA AKOOO! PAYAT NA AKOOO!!!"
"oo alam ko.. pero.." Sabi ni Mama.
"Ma.. tignan mo yung braso kooo!! DI na siya malakiii!! Yung tiyan ko!! Tignan mo!! Parang magic Ma!!! DI ko akalaing dadating ang araw na to!! MAA!! PAYAT NA AKOOOO!!"
Yinakap ko si mama.
"Anak, pero.."
"Ma, magiging MODEL na ako!! magiging proud ka na sakin, magiging proud na si papa!! Uuwi na dito si papa, tapos makikita niya ang anak niyang payat na't di na tinutukso! Ma!! ANG SAYA KO MAMA!!" Naiiyak ako sa saya.
"Anak, masaya ako para sa'yo. Magiging model ka, sisikat ka't maigigng masaya ka. I'm happy for you my dear." Sweet na sabi ni Mama.
Agad akong pumanik sa kwarto ko.
Hinalughog ko yung mga damit kong pinagshopping namin nila Mayu nung araw na yun.
Mga pangpayat to, at ang gaganda.
Sinukat ko isa isa.
"Bagay na bagay." Ang tanging nasasabi ko sa harap ng salamin sa bawat set ng damit na sinusuot ko. bagay na bagay talaga sa akin.
Sa payat na ako,
Makakapagshorts at palda na ako ng hindi nahihiya.
Hindi na ako magiging malaking harang kahit san man ako umupo.
Kakayanin ko ng mag high heels nang hindi kinakabahang baka masira ang heels.
Natutuwa ako.
hawak hawak ko ang cellphone ko,
iniisip ko kung babalitaan ko ba sila Mayu at Mika.. at Jiro.
Pero napagdesisyunan kong, wag nalang..
Susurpresahin ko nalang sila bukas.
OHHH! May naalala ako!
Di ko pa nasusukat yun..
Bumuntong hininga ako ng malalim bago ko buksan ang paper bag.
Napangiti ako, "Masusukat na kita, nang hindi nagaalalang masisira ka"
SInukat ko to,
Sinuot ko ang striped heels.
Tumingin ako sa salamin.
"Ang ganda ko" ang tanging na sabi ko.
Umikot ikot ako para makita kung maganda ang bawat anggulo kapag suot ko ito.
"mas maganda pa sa maniking nakita ko" natawa ako.
Agad akong bumaba at pinakita kay Mama ang suot ko.
"Wow. ang ganda ng anak ko ah." Sabi ni Mama, "dalaga na talaga ang anak ko."
Ngumiti ako, "salamat Ma."
"So, aalis ka ba today? may work pa ako." Sabi ni mama.
"Opo ma, lalabas po ako ng bahay. Magmo-mall nalang ako to buy new clothes." Ang sabi ko.
Nakikita ko namang masaya si mama para sa akin.
Pumanik ako't di na nagbihis, eto na isusuot ko. Kinuha ko yung bag, pinasukan ko ng kahit ano.. pera, mga pepel at listahan ng mga damt na dating kong pinapangarap.
Habang nasa labas ako,
Masaya ako habang naglalakad.
Patalon talon at masayang masaya.
Tinitignan ako ng bawat dumadaan.
Hindi naman sa pagmamalaki, pero, chubby palang ako.. eh hindi naman talaga ako panget.
Maraming nagsasabing cute daw ako.. kaso, bagsak sa weight.
Mataba da wako masyado at di na madadala ng cuteness ko.
Pa'no pa kaya pag payat na ako, diba?
Tintitigan ko naman yung dress na suot ko,
bawat detalye.. itim na kulay... mga laces.. ang ganda..
naalala ko tuloy nung unang araw na nakita ko tong damit na to,
manghang manghanga ako't sumuko na nung sinukat ko.
Di ko akalaing darating ang araw,
Na magmo-mall ako, at mismong tong damit na to ang suot ko.
Napangiti ako ng maisip ko to.
![](https://img.wattpad.com/cover/3044397-288-k492699.jpg)
BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Teen FictionSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...