"may gagawin ka ba?" tanong ni Mika.
"Uhm.. wala namang homeworks diba? Wala din naman si Mama sa bahay.. uhm, wala naman? bakit?" Tanong ko.
"Shopping tayo!" Sabi ni Mika sabay hablot ng kamay ko.
Pinasakay nila ako sa kotse nila at nagkwentuhan kami dun,
"bakit niyo naman naisip magshopping?" Pagtataka kong tanong.
"Normal samin to noh, pero this time, it's special!" Sabi ni Mika.
"Special? Ano namang kinaspecial nito?"
"kasi kasama ka namin! Ano ka ba, pagod na kaming damitan ang sarili namin, ngayon.. ikaw naman ang dadamitan namin! Isn't that cute?!" Excited na sabi nila.
"Oh.. anu ba kayo, mahirap makapili ng damit na babagay sa akin, kaya.. mahihirapan lang kayo." Sabi ko.
"Di ah, challenging nga e!!"
Ayaw ko namang sirain ang saya nila, kaya ngumiti nalang ako at pumayag.
Nung makarating na kami sa pupuntahan namin,
laking gulat ko, may ganto palang lugar dito?
Kahit san ka tumingin, lahat puro stores ng damit, sapatos, bag, alahas, make up! Kung ano ano pa.
Wow. Ang ganda!
Hinila ako nila Mayu at Mika papunta sa isang store.
Ang bongga nitong store na to, ang gaganda ng mga damit.
Nakakahiya nga lang pumasok,
kasi, puro payat at mukhang mga model ang nasa loob at naghahanap ng mabibili.
Parang di naman ako bagay dito.
napasimangot nalang ako,
"Dito kami kadalasang bumibili ng mga damit namin pag nagshu-shoot kami, look oh, yun yung damit namin nung nagmodel kami sa Chelsey! Ang cool diba!.. Ah, wait Phebe ah, pasok muna tayo tapos kakausapin lang namin yung may ari, para we can have the store all by ourselves!" masayang sabi ni Mayu.
"Ah.. eh, dito nalang muna ako sa labas, hihintayin ko nalang kayo." Sabi ko.
"Oh.. ok, sige sige. We'll be right back ah" sabi nila.
Nung mangawit ako, umupo ako sa tapat nung store at pinanood ang mga dumadaan.
Wow.. ang gaganda ng legs.. ang papayat.
Sana ganun din legs ko.
napansin ko, kada may mga dumadaan na tao, napapatigil sila sa harap ko at tila ba may tinitignan sa likuran ko.
Tumayo ako at humarap sa likod ko,
WOWWW! ANG GANDAA!!!!
Nakita ko ang pinakamagandang damit na nakita ko,
Kulay itim siya na above the knee ang haba, tube at puting ruffles sa baba.
Dalawang layer ang lower part, may see-through at may solid na tela ang damit.
Fit ito sa pamewang at paspread out pababa.
kakaiba ito sa mga normal na dress na nakita ko,
may isang bagay na nagpapaganda sakanya,
hindi ko mapoint out pero, ang ganda talaga!
kapares nito ang matataas na white and black stilettos na stripes.
At isang puti na satchel bag.
Ang ganda siguro ng labas ng pagkaputi ko pag suot ko i---
"Phebe! Kanina ka pa namin tinatawag ah, ano? tara na?"
Wala na ang ibang mga customers,
samin na nga lang talaga ang buong shop.
Wow, ang lakas talaga ng impluwesiya ng kambal na to,
pumasok na kami sa shop at dun bumulantang sa akin ang napakadaming damit.
Pinasukat nila ako ng kung ano ano.
Dress, pantalon, tshirts, blouse, sleeveless, jackets, shorts, sapatos..
Pero wala akong nagustuhan ni isa,
Busy silang naghahanap ng damit ng kausapin ako ng isang saleslady,
"Mukhang sila ang pumipili ng damit para sa'yo ma'am ah, kayo? wala po ba kayong gustong sukatin?" Tanong niya.
Napaisip ako.
"Meron. yun oh." Turo ko sa damit na suot ng manikin na nakadisplay sa window nila.
BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Teen FictionSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...