Palakad lakad ako sa room habang naghihintay.
5:00 na.. magdidilim na.
dadating pa ba siya?
Bumuntong hininga ako't kinuha ang bag ko.
Dapat pala sumabay na ako kina Mayu sa pag-uwi.
naghintay pa rin ako ng mga 5 minutes sa labas ng room, baka dumating at sumulpot si Jiro sa usapan namin.
Bumuntong hininga't umalis na talaga ako.
"Oh sh*t!!" napasigaw kong sabi ng may humablot sa bag ko.
"Pfftt!" Pigil na tawa ni Jiro. "Nakakatawa ka, akala mo magnanakaw ako noh? hahahaha!! Kung nakita mo lang mukha mo! gulat na gulat! hahahaha!" Di na niya mapigilan ang tawa niya.
Napangiti nalang ako.
"tara?" Sabi ko.
"As promised." sagot niya.
Medyo marami pa naman ang tao, kaya nilibot ko muna si Jiro sa building A and faciilities nito. bukas nalang ang building B.
"upo muna tayo dito. nakakapagod yun ah." Ngiting sabi ni Jiro.
Umupo kami sa isang bench sa tapat ng tennis court sa school
Inabutan niya ako ng coke in can.
Binuksan ko ito at ininom. "Haaa!" Napagod ang boses ko ngayon sa kakasalita ah.
tinitigan lang namin ang tennis court at nilalanghap ang masarap na simoy ng hangin.
Tinitigan ko siya,
Nakapikit siya na para bang concentrate na concentrate sa simoy ng hangin.
napangiti ako, kalmang kalma ang mukha niya, tila ba parang statwa na hindi gumagalaw.
Bumukas ang mata niya't tumingin sa akin.
Di ko na maitanggal ang pagtingin ko sakanya.
"Salamat ah" masayang sabi niya, "Ang bait mo naman"
"Salamat din sa'yo, naging masaya ang hapon ko." Amin ko naman.
Pareho kaming ngumiti.
Tumayo kaming sabay at kanya kanya ng uwi.
habang nasa sasakyan ako pauwi, naisip ko ang mga nangyari ngayon araw.
Di ko talaga mapigilang ngumiti't isiping, napakaswerte ko.
Ang swerte ko na nga kina Mayu at Mika, andito pa si JR.
Di ko na kailangan pa ng iba, silang tatlo, masaya na ako.
Masaya akong nakauwi, pinabayaan ko lang ang sulat na nasa taas ng mesa at dumiretso sa pagtulog.
Ilang linggong lumipas at naging maayos naman ang daloy ng mga pangyayari.
kadalasan naring absent sila Mayu at Mika. Busy siguro.
At ang pinagtataka ng lahat.
Lagi ring absent si Jiro.
Kinausap na ni Ms Agoncillo si Jiro, ang palusot nito'y sakitin lang talaga siya't suki sa hospital.
Naniwala naman si Ms. at pinapabayaan ang pagliliban ng klase ni Jiro.
Minsan pa'y nakakalungkot na wala na sila Mayu at Mika.. minsan, wala pa si Jiro.
Pero, masaya na ako para sa kanila.
At balang araw, isa na ako sa kanila.
Magiging proud ang parents ko't mga kaibigan.
tama nga ang apgdedesiyun kong pumasok sa modeling,
kaso.. tila ba bawal at laging may hadlang.
Isa na ang katawan ko,
Mataba't di ganun kahahaba ang legs.
uwian na ng magtaka akong ang daming tao sa harap ng building A.
Dapat ay di na ako makikichismis.
Kaso, nang mapadaan ako sa harapan nila, sabay sabay silang bumulong.
lahat nakatingin sa direksyon ko't nagsasabing, "is she that girl?"
Puro tungkol sa akin. Nag-give way sila ng dumaan ako.
Di ko naman gustong dumaan sa mismong gitna, epro dila mismo ang gumawa ng daan para sa akin.
At dun bumungad ang pinagkakaguluhan nila.
Isang malaking litrato.
Litrato ni JR at Jiro.
"Ano'ng.. ibig sabihin... nito?" Mahina kong tanong
BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Teen FictionSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...