Camera Click XVII: Busy

55 4 0
                                        

Maaga akong pumasok para makawala sa bahay na iyon.

Ayaw ko ring makita sila mama, nahiya ako sa mga  kinilos ko kagabi.

Naging maayos naman ang araw sa school,

parati pa din akong tinitignan at sinusundan ng tingin ng mga tao.

Pero, ang maganda doon ay hindi na nila ako tintignan dahil sa taba ko, kundi dahil sa kasikatan at kagandahan ko.

kwinento ko kay Mayu at Mika ang nangyari kagabi.

"Ano ka ba Phebe, magulang mo pa rin sila. busy sila di dahil para sa kanila, busy sila para sayo, para may pera sila panggastos sa mga pangangailangan at gusto mo.You have to understand them."

Hindi ko pa rin maintindihan.

Wala silang time para sa akin, yun ang nagiisang pangungusap na bumuo sa utak ko bata pa lang ako.

"Basta, hindi ako makakasama sa inyo ngayon ah, kailangan kong umuwi ng maaga e."

naintindihan naman kaagad nila yun.

Maaga nga akong umuwi ngayon,

at bago ko buksan ang pinto ay bumuntong hininga muna ako.

pagpasok ko,

"Good Afternoon!" Masayang bati ni papa.

Pilit akong ngumiti pabalik.

Sabay sabay kaming kumain.

Maraming inihanda si mama na pagkain.

nagdasal muna kami sa pagli-lead ni papa.

bago pa ako magsimula kumuha ng pagkain,

"ma, sorry kagabi. Sorry po talaga." mahina kong sagot.

"It's ok sweetheart, forget about it, magcelebrate tayo." 

Masaya akong kumain,

"pa, ma. Alam mo po, nagcontract signing na po kami. for 1 year po pa, ma. Ang saya ko po talaga at nakamit ko na ang pangarap kong to."

"Im so proud of you" ang sabi ni mama.

Wala namang sinabi si papa.

Alam ko, tinatry ni Papa na as much as possible, close kami.

Di kasi kami close ni papa.

Lahat ng problema ko'y sa mama ko kwinikwento.

Ilang taon at buwan siyang wala dito.

Wala din siya dito sa bansa, nung ipanganak ako.

pero, nakikita ko sa kanya, na kahit di niya sabihin ay proud siya sa akin.

Gusto kong maging close kay papa.

Yung tipong, parang magbestfriend.

gusto ko maranasan ang mga nararanasan ng ibang bata na may bestfriend na papa.

Pumayag naman silang dalawa sa pangarap kong maging Model.

Alam kasi nilang eto lang ang nagpapasaya sa akin.

naging busy ako sa mga dumating na araw,

lagi na rin akong late umuwi,

minsan nga'y di na ako natutulog sa pinagsabay sabay na pictorial at  projects e.

Minsan ay naawa na sa akin sila mama at papa.

Pero, para sa akin, i'm being professional.

Ang dami ko ng nagawa sa edad kong to.

At dapat, imbis na sumuko ako ay mas maging matatag at pursigido ako.

Madalas na ring namamasyal at gumagala sa kung saan saang lugar sila mama.

pero, kadalasa'y wala ako.

busy ako, wala ng time para sa school at family.

career ang priority ko.

pangarap ko to, kaya ko to!

Camera ClicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon