"J.. JR?!" gulat kong tanong.
Napalingon siya pero agad na umiwas ng tingin.
Hindi ako pwedeng magkamali!!
nagmadali akong pumunta sa hagdan.
"OO NGA!!! JR IKA--" Agad niyang tinakpan ang bunganga ko para pigilan ang malakas kong pagsasalita.
Tumingin tingin siya sa paligid para tignan kung may nakarinig ba.
"Di ako si JR ah--"
"Di ako pwedeng magkamalii!! Kumpleto ako ng mga magazines na pinagmomodelan mo--"
Oops. yay, alam na niyang fan ako.
"Yeah, okay, ako si JR." Tumingin tingin siya sa paligid, "Pero.. shhhhh! shh ka lang ah!"
"Bakit kailangan itago? Atsaka halata namang ikaw si JR, may salamin ka lang at mejo naging moreno ka. Di magtatagal.."
"Hindi naman ako ganun kasikat kaya wala pang nakakapansin--"
"Pero sikat ka para sa akin!" Proud kong sabi.
Napangiti siya, "Ok sige, ikaw palang nakakaalam, basta, shhhhh!" paalala niya.
bago pa kami tumayo ng sabay,
hinila ko yung ID niya,
Jiro... Jiro Santos.
parang narinig ko na ang pangalang yan,
or.. nabasa?
San-- "Oh..Gash.." shocked kong sabi.
Tinignan niya ako na para bang baliw ako.
"Ikaw.. si jiro santos?! Na kasection ko't... katabi ko?!!!" Gulat na gulat kong sabi.
"Oh.. ah, oo... bakit?"
"Wow, ang swerte ko naman." masaya kong sabi.
Sabay kaming tumayo at naglakad pabalik sa room.
Habang naglalakad kami
Wala ako sa sarili ko't napanganga ako kung nasan na kami.
"uy, asan na tayo?! Nasa 2nd building na tayo ah!" sabi ko.
"Eh ba't ngayon mo lang sinabi? Bago lang ako sa school na 'to, di ko kabisado ang school noh. Eh sumusunod ka naman e, kaya akala ko tama tong dinadaanan natin"
"Oo na oo na.. bumalik na tayo.. wait.. why not, ilibot kita sa school mamayang uwian.."
Please say yes.. please say yes!!
"Sounds great." masaya niyang sabi.
napangiti ako.
Ililibot ko sa school si JR!! Wow! Ang swerte ko naman!
Nakabalik naman kami sa room bago pa dumating ang Trigo teacher namin,
Di ko mapigiling di mapakali na katabi ko ang male idol ko.
Oo, naalala ko siya, unang kita ko palang sa unang magazine na pinagmodelan niya.
Di siya ganun kagwapo, pero, yung dating niya, yung tindig at paglakad niya. Nakakabighani.
kaya di ko na pinagtataka kung bakit ako may crush sa kanya.
Crush crush lang naman, never pumasok sa isip kong makikilala ko talaga siya.
Habang iniikot ikot ko yung ballpen sa kamay ko,
Inabot ni JR yung... oops, Jiro pala, yung notebook niya sa akin.
No'ng una, nagtataka akong tumingin sa kanya.
Pero, nabasa ko yung mga nakasulat s aisang pahina sa notebook na inabot niya sa'kin.
"Makinig ka sa lessons." Sulat niya.
Nagsulat din ako, "Ayoko, nakakaboring." Inabot ko sa kanya.
"Edi ikaw na matalino." sulat niya.
Natawa ako, "Joke ba 'yun?" tanong ko.
ganun kami kung mag-usap sa loob ng room, sinusulat sa papel at pinapasa pasa namin sa'ming dalawa.
Minsan nga'y kapag natatawag ako para sa recitation at di ko alam ang sagot,
sa mismong papel din na iyon isinusulat niya ang sagot.
Natatawa nalang ako, kasi, di ko akalaing ganun siya magiging kaclose sa'kin.
nagkamali nga siguro ako ng hinala sa kanya.
Di siya tulad ng iba.
Mabait siya, tanggap niya ako.
Basta tanggap ako, masaya na ako.

BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Teen FictionSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...