Binigyan ako ng babae ng pinakamalaking size,
"Eto na yun?" tanong ko.
Tumango tango siya.
Parang maliit pa rin, pero gusto kong isukat.
Inabot niya s akin at dumirecho ako sa fitting room.
Sinukat ko ito,
Fit na fit sa akin, at hindi talaga bagay,
Pinilit ko pa hanggang..
*PZZZZZT!*
hala, nasira yung sa bewang na part.
Huminga akong malalamin,
Agad namang pumasok si Mayu at Mika sa fitting room.
"Ano'ng nangyar--!"
Tinignan nila ako,
Pinunasan ko ang luha ko, pinilit kong ngumiti,
Nang makangiti na ako, tumulo ang mga luha ko.
Pinunit ko ang damit at nagbihis agad ng school uniform.
Umalis ako sa shop na yun at di na lumingon pa.
bakit kasi ganto ang katawan ko!!
Nakakainis!! Gusto ko yung damit na yun, pero dahil dito sa katawang to, di ko masuot o kahit man lang masukat!
Nagcommute ako pauwi,
Ang dmaing tumitingin sa akin, siguro dahil, magang maga ang mata ko.
Pagdating ko sa bahay,
Nandun ang mga paper bags na pinamili namin, nasa labas.
Naunahan pa nila akong umuwi,
Sinipa ko yung mga paper bags.
"NAKAKAINIS!!" Iyak kong sabi.
Napaluhod nalang ako sa harap ng mga paper bags,
Nung dumidilim na, tumayo ako at dinala ang mga paper bags sa bahay,
Kinuha ko yung sulat sa mesa,
Hindi ko na binasa at tinapon ko agad sa basurahan.
Dumirecho ako sa kwarto at hinagis ang mga paper bags sa kama.
Tumilapon ang mga damit na sinukat ko kanina.
Inayos ko isa isa ito at nilagay sa drawer ko,
Bababa na sana ako sa kusina nung may nakita akong isa pang paper bag,
Kulay black and gold ang kulay ng paper bag
Binuksan ko ito,
andun ang damit, sapatos at bag nung damit na gustong gusto ko.
bagong stock for sure,
Hindi ko yun nilabas sa paper bag at isnuksok sa cabinet.
Kumain ako ng maraming marami nung gabi yun dala ng stress.
Pagkatapos kong kumain,
Pumunta ako sa kwarto at nagisip isip.
Asan kaya si Papa ngayon?
Ano kaya ginagawa ni Mama ngayon?
bakit kasi, magisa lang ako dito sa bahay.
hayy, bakit di alang tumigil si mama sa trabaho at samahan ako dito sa bahay..
bakit kailangang silang dalawa, wala dito?
Nahihirapan ako,
pag may problema ako, wala man lang akong pagkwentuhan.
Pero, ginagawa nila lahat para sa akin,
naiintindihan ko kung bakit nila kailangan magkayod,
para mabigyan ako ng magandang buhay.
Gusto ko rin magkayod.
Magkayod at gawin ang lahat para maging proud sila.
Mag-aaral ako ng mabuti.
At gusto kong..
"Gusto kong maging model."
BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Teen FictionSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...