Camera Clicks I : Phebe Santos

124 5 0
                                        

"Maaga akong pumasok sa work today, sleep ng maaga at siguraduhing nakasara ang bintana at y..."

Di ko na tinapos ang pagbasa ng sulat sa maliit na papel na nakapatong sa mesa

Dumiretso ako sa kwarto at humiga muna doon,

hayy, ako na naman mag-isa dito sa bahay,

What's new?

Pag-uwi ko, wala si mama, paggising ko, tulog pa siya.

Kulang nalang at makalimutan ko na ang mukha niya.

Si papa naman, seaman.

Minsan lang kung umuwi dito sa bansa.

Sabi nila,

Swerte daw ako, nag-iisang anak at parehong nagtatrabaho ang magulang.

Sigurado daw'ng may kaya kami sa buhay,

Lahat maibibigay sa akin ng aking mga magulang lalo na't wala akong kaagaw na iba.

Swerte?

Yep, siguro nga,

Pero malungkot, mag-isa.. minsan nga'y naisip ko,

Ayos lang na marami akong kapatid at kaagaw, basta may kasama ako sa buhay.

Siguro, ganun talaga ang buhay.

Bumangon ako sa pagkakahiga at nagbihis na,

Bago ako lumabas ng kwarto,

Humarap muna ako sa isang mahabang salamin sa kwarto ko.

Ngumiti ako sa harap ng salamin.

Pero kitang kita ko ang sarili ko sa salamin na may namumuong luha sa mata,

bago pa ito pumatak agad ko itong pinunasan ng aking kamay,

Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang pagkaing nakalagay sa plato.

Umupo ako't nagdalas bago kumain.

Laging ganto ang routine ng bawat araw na lumilipas sa buhay ko.

Gising, ligo, bihis, pasok, uwi, bihis, kain, tulog...

pagkatapos kong kumain,

umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.

lipat lipat ng channels.. wala.. wala.. wala..

*ring* *ring*

Sino naman kaya to?

"Hello?" tanong ko.

"Uyy!!" Sigaw ng nasa kabilang linya.

"Ba't di kayo pumasok kanina?! First day pa naman, tapos, forevealone ako." Sabi ko.

"Sorry, may biglaang meeting kasi kami ni Mika kanina." pagpapaliwanag niya, "By the way, how's the first day?"

"Ayun.." di ko na matuloy,

"Ayun? AYUN! Mag isa ka sa tabi at nagbabasa lang ng libro. Lagi nalang ganyan Phebe!" Pangangaral niya.

"Ehh.. wala naman kasing klase kanina, di pa pinaalam ang sections. Anong gusto mong gawin ko?" pagpapaliwanag ko.

"I know, pero, that's not my point, you know that." Sabi niya, "ganto, bukas, for sure, papasok na kami ni Mika. And ipapakilala kita sa lahat ng kakilala ko sa school, para may friends kang bago, anu ka ba, ilang taon na tayo sa school na yun, pero, kami pa rin ang friends mo, I'm not saying na I don't want you, pero, ADD MORE! The more the merrier diba?" Masayang sabi niya.

Alam ko naman yun eh,

Friends? new friends? matagal ko ng gusto nun,

Pero..

Late na kaming nakarating sa room namin,

crowded kasi masyado dun sa bulletin board kung san nakalagay ang section namin.

Hinihingal hingal pa kami nung makarating kami sa pntuan ng section namin.

nagchecheck na ng attendance si Ms. Agoncillo,

"Layla.. ano to? Rolad...que?" Sabi niya.

"Ronaduque po Ms... Present!" Malakas na sabi nung babaeng Layla ang name.

"Uhm, Phebe.. Santos?"

Walang sumagot,

Sino yun? bago ba yun? Sino daw? bulong ng iba,

"Uhm, Ms, ako po yun!" Pagtataas ko ng kamay habang hinihingal.

lahat napatingin sa akin,

Sanay na ako sa mga reaksyon nila,

Lalo na't ang mga kasunod at kasama ko ay sina Mayu at Mika.

"Okay, please come in" Sabi ni Ms.

Dumiretso ako sa  dulo ng room at naghanap ng mauupuan.

"uy, dito tayo!" tawag sa akin ni Mika nang makahanp siya ng upuang pangtatlo sa kalagitnaan ng mga upuan.

Payuko akong pumunta sa kinatatayuan nila Mika.

Umupo ako dun..

Camera ClicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon