Camera Clicks XVIII: It's been 1 year

50 3 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas.. para ngang taon na e.

Parang naging bahay ko na ang building na to,

Minsan ay di na rin ako nakakapasok sa school dahil sa mga pictorial.

Tulad nila Mayu at Mika, busy na rin ako.

"Uy, Phebe. nakakamiss ka ah, kain tayo sa labas?" Pagyayaya ni Jiro.

"Ayy, sorry Jiro ah, alam ko, pang ilang yaya mo na to, pero, mamaya pa matatapos shoot namin e" Sagot ko.

"Hihintayin nalang kita."

"I'm sorry talaga a, ganto kasi yan, yinaya na kasi ako ni Jay na kumain daw sa labas ngayong lunch e, mamaya? Siguro.. mamayang dinner, kain tyo sa labas?" yaya ko.

"Ahh.. si Jay.. ok, sige mamaya, magiintay ako a." Maintindihin talaga si Jiro.

Ngintian ko din siya at dumirecho na sa studio.

Maagang nagstart ang pictorial at maaga din akong nakalabas.

"tara, kain na tayo." Sabi sa akin ni Jay na nagaantay sa labas ng studio.

Kumain kami ng lunch sa isang Italian restaurant.

Ang sarap ng pagkain doon.

pero syempre, kailngan kong imentain ang weight ko.

kaya, di ako masyadong kumain ng marami.

Bago pa ako magyaya na umalis na ay nagsalita siya,

"Phebe, it's almost 1 year tayong magkakilala. I think.. I'm falling in love with you."

Marami ng nagtapat sa akin ng ganyan simula nung pumayat ako.

pero bakit ngayon,

kakaiba, para bang bumilis ang tibok ng puso ko't tumigil ang oras.

May gusto sa akin si jay.

Dapat matagal ko na tong naramdaman, na aamin siya.

pero, di ko alam ang isasagot ko.

Buti nalang at..

"You dont have to answer me right now, basta, andito lang ako." sabi niya.

Hinatid niya ako sa sakayan ng taxi at umalis na nung trime na nakasakay na ako.

Hanggang sa taxi ay iniisip ko ang mga sinabi niya.

Nakauwi ako ng maaga para sa pagdating ni papa.

february 13 na ngayon, after 1 year.

ganun pa rin, nagcelebrate kami, nagpakain si papa, epro di rin ako ganun kumain dahil sa  kakakain ko lang.

At bago pa magdilim ay bumyahe na ako pabalik sa studio.

At ngayon, di ko na kailangan pa ng mapa para malaman kung ano ang daan papunta sa room namin at sa room nila Jay at Jiro.

Agad akong dumirecho sa room nila Jiro.

kaso, bago pa ako makarating ay may humila sa akin at may nagtakip sa mata ko.

"RAPE!! RAPE!!" Sigaw ko.

"Rape agad?! Jay to, anukaba." Sabi ni Jay.

Namula ako, "Sorry naman." nakakahiya ah."San mo ako dadalhin?"

"It's a surprise."

"Surprise?! Para san?!" tanong ko.

Dinala naman niya ako sa isang lugar, na di ko alam, syempre.

Nung tanggalin na niya ang kamay niya sa mata ko.

"SURRRPRRRISEE!!! Happy 1st anniversary Phebe!!!" Sabay sabay na sigaw nila Mayu, Mika, Staffs at mga camermen.

naiyak ako sa saya.

"Salamat ah. Salamat talaga." Sabi ko.

It's been a year, at bawing bawi naman ang isang taon na yun sa mga kaibigang nakilala ko.

Masaya kaming nagcelebrate at nagkainan.

hanggang sa abutin na ng gabing gabi.

Ihahatid na ako nila Mayu at Mika nang biglang..

"buti nalang at di tayo nagDINNER bago pumunta noh?" Sabi ni Mayu kay Mika.

Dinner..

may dapat akong maalala sa Dinner na yan.

OHMYGASHHHHH!!!

"Kuya, pakistop po yung kotse, baba po ako."

Nagtatakang tumingin sa akin sila Mayu at Mika.

"I have to go." sabi ko.

Pagbaba ko sa kotse, patakbo akong bumalik sa studio.

Pumunta agad ako sa room nila Jiro.

At may sticky note na nakadikit sa mismong pinto.

"Roof top" ang nakalagay sa stikcy note.

Kinuha ko ang sticky note at tumakbo papuntang elevator at pumindot pindot hanggang sa  makarating ako sa roof top.

At dun, nakatayo si Jiro.

Dun, nakahanda ang isang table with two chairs.

Aww,

lumapit ako sa kanya, at nung nakita niya ako,

ngumiti siya,

Ngiting malungkot

Camera ClicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon