Camera Clicks XIII: Shock

49 4 0
                                    

Gising na ako, pero ayaw kong ibuka ang mga mata ko.

Ayaw kong magising na, mataba uli ako.

Pa'no pag panaginip lang ang lahat?!

Pa'no pag panaginip lang na makilala ko si Jay?!

PA'NO PAG LAHAT NG YUN, ISANG MAGANDANG PANAGINIP LANG?!

Pero, I have to face the reality.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang mga mata ko.

Agad akong tumingin sa mga braso ko.

Abot tenga ang ngiti ko.

"Thank you God." masaya kong sabi.

Masaya akong bumangon, papasok na ako sa school ng hindi na nahihiya.

Pero may isang problema,

"Ma!!" Ginising ko si mama, "Ma! Di na kasya uniform ko." Sabi ko.

"Haha, sabi na e." masayang sabi niya.

"Ma naman e. Anong gagawin ko?!"

"Tignan mo jan sa drawer, nagpatahi ako ng bagong uniform para sa'yo."

Tinignan ko siya, 

Weh? Kahapon alng ako pumayat ng bongga, nakapagtahi na?

"Edi kung ayaw mong maniwala, edi magsuot ka ng maluwang na uniform" Sabi niya.

"Oo na po." Sabi ko.

Binuksan ko ang drawer.

Oo nga!! Meron ngang uniform dito na mas maliit at di maluwang sa normal kong uniform.

Kinuha ko agad ito at nagbihis na.

kasyang kasya.

Masayang akong pumasok sa school.

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa room namin.

"Everything will be fine." Bulong ko sa sarili ko.

Pagpasok ko sa room,

"OHMY.." sbai ng isa kong kaklase.

Napatingin isa isa silang lahat,

Ako naman, dumirecho lang sa upuan ko.

nagkumpulan silang lahat sa paligid ng upuan ko sa bandang dulo ng room.

"WOW. Is that you... Phebe?" tanong ng isa kong kaklase.

"Phebe?!"

"Weh?! Si Phebe yan?"

Ngumiti ako, "Oo, ako toh."

Binusog nila ako sa mga magagandang salita samantalang ako, wala akong pakelam at inaalala kong bakit wala pa sila Mayu at Mika... at si Jiro.

Bago pa magsimula ang klase,

Dumating na sila Mayu at Mika at  bago pa sila makaupo sa upuan nila.

Napanganga sila sa nakita nila.

"Ph..Phebe?!" sabay nilang sabi.

ngumiti ako, "Yes?"

Mabilis silang tumakbo papunta sa kinauupuan ko.

"OHMY PHEBE!! PHEBE IKAW BA TALAGA YAN!!?" sabay nilang sabi.

Natatawa nalang ako sa mga reaction nila.

habang nagkaklase, ang iba ay hindi maiwasang silip silipin ako.

Iba na talaga ako ngayon, iba na rin ang mundo ko.

Pero, di kumpleto ang ngiti ko.

para bang, may kulang.

Bakit wala pa siya? :(

Bumuntong hininga ako ng malalim at nagsulat na.

Dumirecho naman ako sa canteen no'ng recess na.

Bumili lang ako ng pagkain at di na ako mapakali't gusto ko ng bumalik sa room.

habang naglalakad ako pabalik sa room.

*BANGGGG!*

Nabitawan ko ang juice-in-can ko at gumulong gulong ito papalayo.

Hayy, malas naman oh.

Ayokong gumawa ng eksena, huminga ako ng malalim at hinarap ang nakabangga sa akin.

napangiti ako.

"JIROOOOO!!!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya.

Mukhang nagulat siya sa mga kinikilos ko.

Basta, ang alam ko lang ay masaya ako.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"JIROOO!! Si Phebe to!! Tignan mo payat na akoo!! Payat na akoooo!!! OHMYGASH diba!? I mean, nung yinakap kita, di ka natumba, hindi ka nahawi sa bigat ko, kasi, PAYAT NA AKOOO!!" masayang masaya kong sabi.

Hinawakan niya ako sa balikat at ngumiti,

"Congratulations."

Yinakap niya ako.

Nagulat  ako, di ko alam.. pero, parang naiilang ako sa pagkakayakap niya sa akin.

Sure ako, namumula na ako ngayon.

Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin at no'ng bumitaw na siya,

ngumiti siya't nagsabi, "Payat ka na, matatanggap ka na ng lahat. Di lang ako, di lang sila Mayu. Silang lahat."

Narealize ko, ang daming nakatingin sa amin.

Pero wala akong pakelam,

"Salamat Jiro" At tumulo na ang mga luha ko

Camera ClicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon