Yinakap ko siya,
"I'm really.. sorry."
"It's ok."
I know it's not ok.
11:00 na ng gabi, ilang oras na siya dito.
Hindi ko man lang siya naisip kaninang nagcecelebrate kami.
Hindi na kami kumain at pinaligpit nalang ni Jiro ang dinner table and chairs.
Inihatid nalang niya ako sa bahay.
Hindi kami nagusap, para bang walang nangyari.
Pero, ramdam ko ang sakit na naramdaman niya,
kinalimutan ko siya, di ko man lang naalala.
Nung makarating na kami sa tapat ng bahay, bago siya bumyahe pabalik ay inabutan niya ako ng isang pahabang box.
Binuksan niya iyon at dun nakalagay ang isang kwintas.
Nilagay niya iyon sa leeg ko,
at hinalikan niya ako sa noo.
"happy 1st anniversary Phebe, you did it." Sabi niya.
Wala na akong magawa, nasaktan ko na siya.
Tinalikuran niya ako't bumalik na sa kotse.
Inis na inis ako sa sarili ko at bakit ko nagawa yun!!
Hindi ako nakatulog ng maayos,
para bang pag natulog ako ay mapapanaginipan ko ang lahat ng nangyari.
Mga dalawang oras lang ang tulog ko at agad akong naghanda para pumasok sa school.
Pagpasok ko sa school,
Anung meron?!
Ahh.. oh yup, nga pala, valentines nga pala.
pumunta ako sa room namin, at dun bumulantang ang maraming regalo ng mga admirers ko.
Chineck ko isa isa ang mga ito,
Ang kinukuha ko lang ay yung mga chocolates na masasarap at binigay ng kakilala ko.
At yung ibang natira, ay tinapon ko lang.
Sinundan naman ako ng tingin ni Jiro nang itapon ko sa basurahan ang mga chocolates na ayaw ko.
"Ang panget kasi e" Sabi ko.
Tinignan lang niya ako, tapos tinuloy na niya ang pagsusulat niya ng notes.
Umupo ako sa tabi, at buong araw kaming ganun.
Ganun pa rin ang routine,
Pag uwian ay dumidiretso ako sa studio.
Doon ay nagcontract signing na naman at nagkaroon ako ng saglitang pictorial.
Di pa nagdidilim ay natapos na ang pictorial.
Masaya naman akong lumabas ng building dahil alam kong magkakaroon ako ng time para kay papa at mama, dahil nga maaga ang uwi ko.
"Uy! Jiro!!" sigaw ko.
Lumingon siya, mukhang nagaantay din siya ng taxi.
"Sabay na tayo." yaya ko.
Um-oo naman siya kagad, pareho lang naman kasi kami ng way pauwi.
Nagulat ako nang biglang may humawak sa bandang siko ko,
paglingon ko, may isang matandang kukuba kuba na.
Kulubot na ang balat at para bang ilang araw ng di naliligo.
Agad kong inilayo ang sarili ko sa kanya.
"Iha, Iha.. baka naman may kaunting barya ka jan." Pagmamakaawa ng Ale.
"Wag mo nga akong hawakan, mahal tong damit ko, dinudumihan mo lang e!!" inis kong sabi.
agad namang lumipat si Ale kay Jiro.
Si Jiro naman ay paupo pang kinausap ang Ale.
"nasa'n ang pamilya mo, nanay?" Tanong ni Jiro sa Ale.
"Wala na sila e, dito na ako sa kalye." sabi ni Ale.
Naaawang sabi ni Jiro ang mga sumusunod,
"Nanay, gutom ka na ba? kain muna tayo,
Ikaw, Phebe? Sasama ka ba?"

BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Novela JuvenilSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...