No..
Hindi pwede to.
"So, kaya pala clinose mo agad si Jiro.. Kasi, alam mong, MODEL siya tulad nila Mayu. Wow. Magaling ka palang pumili ng kaibigan."
Nasa'n ba si Jiro? DI ko pa siya nakikita ngayong araw na to.
Lagot ako.
"Sa tingin mo ba, close sila sayo kasi tanggap ka nila? Hahaha, nahihibang ka na!"
namumuo na ang sa mata ko.
Napapalunok nalang ako.
"Sa taba mong yan? Sumasama ka pa sa mga model na katulad nila? Excuse me, di ka ba nahiya man lang!?" Inis na sabi ng isang babae.
"Ikaw, hindi ka ba nahihiya?" malakas na sabi ng isang lalaking nagmula sa likod.
lahat ay napalingon at tinignan kung sino yung nagsalita.
Tumulo na ang luha ko.
Napataas noo ako nung may tumapik sa ulo ko.
"Ba't ka umiiyak?" Sabi niya. "Pumapanget ka pag umiiyak e"
Pinilit kong ngumiti.
"Sorry." mangiyak ngiyak kong sabi.
"Di mo naman kailangan humingi ng sorry dahil sa mga imoral na taong to, umuwi na tayo."
Binigyan kami ng daan ng mga tao.
Napahiya siguro ng bongga yung babaeng pumahiya sa akin.
Tama naman siya e, na hindi dapat ako nakikihalubilo sa mga taong di ko kapantay.
Pero, ang tanging mali niya..
Hindi daw ako tanggap nila Jiro.
Tanggap nila ako, kasi sila yung mga taong di tumitingin sa pisikal na anyo, kundi tumitingin sa puso ng isang tao.
Napatigil ako sa paglalakad.
Tumingin s aakin si jiro ng may pagtataka.
Yinakap ko siya.
"Salamat.. Ikaw ang super hero ko." Masaya kong sabi.
Yinakap din niya ako pabalik, "Wag ka ng iiyak uli ah, nalulungkot kasi ako."
Natawa ako. "Di na ako iiyak."
"promise?" Sabi niya.
Lalo akong natawa, "para naman tayong mga bata nito." Sabi ko.
"promise?" Paguulit niya.
bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.
Itinaas ko ang kamay ko't nagsabi, "PROMISE." ngumiti ako.
*Apir*
Magiging busy na naman ang school sa mga school activities bago mag Semestrial break.
Magkakaro'n ng maraming booths at kainan.
Ayaw kong umattend.
tataba at tataba lang din ako.
pagpasok ko sa room, busy ang lahat sa paguusap usap tungkol sa mga competitions na sasalihan ng bawat sections.
School Anniversary. . . School festival. . . mr and ms..
Ano bang sasalihan ko jan? Wala naman.
Umupo ako sa upuan ko habang sinisipsip ang juice na hawak ko.
"Ano na naman yang kinakain mo?" Tanong ni Jiro.
"Ahh.. eto, eto yung pastry na ginawa ni mama para sa akin kaninang umaga, tikman mo oh.. eto pa, donut to, binili ko sa canteen kanina. tapos etong juice."
"bakit ka kasi di nagaalmusal sa bahay?" Pagtatakang tanong ni Jiro.
"nag-almusal na ako."
"Nagalmusal ka na.. tapos.. may kinakain ka pa ngayon. Wow. Bilib ako sa tiyan mo ah."
Napahawak ako sa tiyan ko.
"bakit ba, eh sa gusto kong kumakain ako e." pagtatanggol ko.
Kinuha niya yung mga pagkain ko except sa juice na sinisipsip ko.
"Uyy! wag! wag kasii!!"
isinilid niya yun sa bag niya.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin,
"Di ba, gusto mong maging.. model?" Sabi niya.
napalunok ako, pano niya nalaman?
"Ah.. eh.. sino naman nagsab--"
"Sila Mayu at Mika" Mabilis niyang sagot.
hayy nakuh talaga yang sila Mika.
"Eh ano naman?" Sabi ko.
"Eh di pwedeng mataba pag model." Sabi niya.
"Ang sakit naman nun."
"Kaya nga, dapat.. magpapayat ka na."
"Starting when?" tanong ko.
"Now." sabi niya.
"Tutulungan ko ako?"
"Syempre."
BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Teen FictionSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...