Camera Clicks XV: Being a model

46 3 0
                                    

Lumapit sa amin si Jiro.

"Uy Jiro!" Masayang sabi ko.

Hindi siya nakatingin sa akin, kundi, nakatingin siya kay Jay.

Mga saglit lang ay humarap siya sa akin,

"Uy Phebe, anong ginagawa mo dito? Start up ka na?" tanong niya.

"Ah, hindi ah! Sinamahan ko lang sila Mayu." 

"Mayu?! Kilala mo si Mayu?" Tanong ni Jay.

Nagulat ako sa reaction niya, "Ah.. oo, bakit?"

"Ahh.. wala, wala." Tumingin siya sa relo niya, "Baka magstart na kami, iwan ko na kayo ah, nice meeting you.. Jiro."

"You too, Jay."

Naglaho na sa hallway si Jay.

"Naliligaw ka ba?" Tanong ni Jiro sa akin.

"Oo e, di ko maalala ang daan, ang alam ko lang B45.. itim at pulang pinto."

Tumawa si Jiro, "nakakatawa ka, i'll show you the way."

Saglit lang din kaming nagpaikot ikot sa building na yun at agad namang nakarating sa B45 na room, bago ako pumasok..

"Salamat Jiro ah, salamat talaga."

Nagtitigan lang kami dun, hanggang sa  nailang na ako't lumihis ng tingin.

"Alis na ako a." Sabi ni Jiro.

Ngangitian kami sabay alis.

Pagpasok ko, agad akong sinalubong nila Mayu at Mika ng may pagaalalang mukha.

"San ka ba galing? Alalang  alala kami sayo, sbai kasi namin gumawa ka ng mapa e! Mahirap talaga ang daan dito!! Pano ka nakabalik?! Nagpasama ka ba sa guard? Di ka ba pinagtangkaan nung guard?! Ayos ka lang ba?!"

"oo naman, ayos lang ako, buti nalang nakita ko sila Jiro.. at Jay." sabi ko.

"JAY?! Sinong Jay!?" Sabay nilang tanong.

"Ahh, nameet ko siya kahapon, di ko nga akalaing magkikita pa kami dito. model din siya, siguro, talagang lapitin ako ng mga model noh." Sabay sabay  kaming nagtawanan.

Nakaupo lang ako sa tabi,

nagtetext, nagbabasa ng magazine at kung ano ano pa ang ginawa ko samantalang sila Mayu at Mika naman ay busy sa pagpopose at pagii-smile.

habang nagbabasa ako ng magazine, napansin kong may isang page dito kung 'san ko namukaan ang isang lalaki.

"JAY, the new teen Model" pagbabasa ko sa magazine.

Wow. Ang gwapo niya, mas gwapo siya sa magazine.

Napapangiti ako pag naiimagine kong ako ang nandun samagazine na yun.

Ang ganda.. ang dami sigurong makakabasa nun.

Anong tawag sa akin?

"Phebe, the model" Natawa ako..

Eh kung, "Phebe, the new fashion icon!!" WOW.. Ang bongga!

"Uyy tara na!" tawag sa akin ni Mayu at Mika.

Nagulat ako at agad nagayos ng gamit.

Sabay sabay kaming lumabas ng photoshoot room.

"kamusta naman?" tanong ko.

"Haggard, pero masaya!" masayang sabi nila.

Di ako naiinggit sa kanila, kahit abot na nila ang pinapangarap ko.

Sa halip, masaya ako, na kahit di ko naranasan maging model, ay naranasan naman ito ng mga matatalik kong kaibigan, napangiti ako.

"Uhm, Miss! Miss!" Sabi ng isang lalaki mula sa likod namin.

"Mayu, Mika, tawag ata kayo." Sabi ko.

ngunit, hindi lumapit yung lalaki kina Mika at Mayu, sa halip ay sa akin.

"Ako?!" tanong ko. "Ayy, wala pa po akong experience, at di ko alam kung kaya ng katawan ko."

"Miss, baka naman po kaya, opportunity na po to Ms, wala kasi talaga yung model namin na dapat magmomodel sa certain part ng magazine e, deadline na po bukas, need na po talaga. please" pagmamakaawa nung lalaki.

Tinignan ko sila Mayu at Mika.

Masaya silang um-oo.

Ngumiti ako't pumayag.

Di ko naman akalaing, sa mismong araw na to, ay matutupad ko ang pangarap ko.

Magmomodel na ako!

Pinabihis ako ng magagandang damit,

maliliit at pangpayat na size na di ko naman akalaing kasya sa akin.

Minake up-an ako, at pinatayo sa isangmaliit na stage na may background.

Wow.

"Pose, and i'll count 123 then, click." ang sabi ng cameraman.

Pose.. 123..

"Kahit ano pong pose?" Tanong ko.

Natawa sila Mayu at Mika.

"Of course, honey. Any pose you want, basta comportable ka ah" Sabi ng cameraman.

*CLICK*

*CLICK*

Nakailang  click at flash ang narinig at nakita ko.

mahilo hilo ako sa mga ilaw na nakikita ng mata ko.

After nun, pinakita na nila s akin ang resulta ng mga poses ko.

Nakaview ito sa isnag malaking screen ng computer.

Ineedit na ang background at iba.

Wow. Di ko na makilala ang sarili ko, dahil sa ganda ko.

Ang ganda talaga, tuwang tuwa ang director at camerman sa akin.

"You look fabulous honey, hope to see you soon."

Hope to see you soon?

Anung ibig sabihin nun?!

"Yes, Phebe. Magiging model ka na." 

Camera ClicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon