Camera Clicks XII: Cappuccino

43 3 0
                                    

Inalala ko ang lugar na pinuntahan namin dati kasama sila Mayu at Mika.

Nakapagtanong tanong ako't nakarating naman ako sa gusto kong puntahan.

Tulad ng dati, napanganga ako sa ganda at magagarbong mga shops sa lugar na yun.

Ang ganda, eto talaga ang lugar ng mga models at fashionista.

Napapatitig nalang ako sa mga shops.

ANg gaganda talaga, pano pag isuot ko yung damit na yun?

Sure akong kasya sa akin yun!!

Eh yung sandals na yun? yung shorts?

Yung bag.. ang g--

*BAAANGG*

Napadapa ako, tumayo ako't nakita kong nadumihan  damit ko!!

YUNG DAMIT KOOO!!! 

"San ka ba ka--" Inis na inis kong sabi kaso nung pagtingin ko..

"Sorry Ms." Sabi nung guy habang nakangiti.

"Ahh.. eh, ayos lang! Ayos lang talaga, konting dumi lang toh.. konti lang." Sabi ko.

"Uhm, i'm really sorry, di kita nakita e, uhm... tara?" Tinuro niya ang isang malapit na shop.

No'ng nagets ko ang gusto niyang sabihin, agad akong tumanggi, "No.. no, ayos lang talaga."

Hinablot niya ang kamay ko, "kasalanan ko naman e, wag ka ng mahiya"

nagpadala naman ako sa kapit niya sa kamay ko.

napapangiti ako.

Pinili ko ang isang long sleevs na puti at itim na shorts.

Agad ko tong isinukat sa fitting room,

Ang ganda.. bagay na bagay sa akin!!

kahit ata anong gawin ko e, para bang lahat ng damit, bagay sa akin.

Lumabas ako sa fitting room,

at dun nakita ko siya.

Yung taong nagdala sa akin sa shop na to,

Ang gwapo niya, maputi't matangos ang ilong at matangkad siya.

"Ah eh.. tapos na."

Lumingon siya sa akin, ngumiti siya.

"You look wonderful." Ang tanging nasabi niya.

nagulat ako sa mga narinig ko.

Agad akong namula, ngyayon lang ako nakarinig ng mga salitang ganun sa ibang tao, kadalasan kasi'y ang nagsasabi lang ng ganun ay sina Mama at papa, o kaya naman.. sina Mayu at Mika, wala ng iba.

Kinuha ko ang bag ko sa upuan,

Hinarap ko siya, "Thank you." Hindi ko na siya hinintay sumagot at dumiretso na sa entrance ng shop.

"Uhm, may gagawin ka ba?" Sabi niya.

Napalingon ako, "Ako? Wala naman." Mabilis kong sagot.

"Magkape muna tayo?" Yaya niya.

"Uhm, cappuccino please." Sabi ko.

After umalis ng waiter, humarap uli ako sa kanya.

nakatitig siya sa akin,

"Hi, ako nga pala si Jay Patrimonio. You can call me Jay, and you?"

nakatitig lang ako sa kanya,

Jay.. Jay Patrimonio.. ang gandang pangalan.

Jay..

"And you?" ulit niyang sabi.

Napapikit ako para matigil ang mga pinagiisip isip ko.

"I'm sorry..I'm Phebe, Phebe Santos." Sabi ko.

Ngumiti pa rin siya.

Nagkwentuhan kami, hanggang sa di ko na namalayang ilang oras na pala kami naguusap.

Ang dami naming napagusapan, tulad nalang sa pamilya niya. Dalawa silang magkapatid, ang papa niya ay nagtatrabaho bilang abogado, at ang mama naman niya ay nakapagtapos ng nursing pero housewife ngayon. Lalaki din ang kapatid niya pero mas bata sa kanya.

"Buti ka pa, may kapatid." Sabi ko.

"bakit ikaw, wala ba?" tanong niya.

"Wala eh. only child ako." Ang sagot ko.

"Mahirap nga yan, bata pa lang ako, naramdaman ko na ang lungkot na nagiisang anak, akala ko nga di na ako masusundan eh. Buti nalang dumating yung kapatid ko." Ang sabi niya.

wow, he understands me.

Nagriring ang phone ko,

"Wait, sasagutin ko lang ah." Ang sabi ko.

Lumabas ako ng coffee shop.

"Hello?"

"UYY PHEBE!! Papasok ka na ba bukas? PLEASE!!! PELASE!!! Pasok ka na!" pagpupumilit ni Mika.

"Uhm, oo.." napangiti ako, payat na ako, papasok na ako sa school. "papasok na ako bukas"

"YESS!!! Ok, I have to go na, may pictorial pa kami, Bye!" Pagmamadali niyang sabi.

"So, tumawag ka l--" binaba na niya.

So, tumawag lang siya para tanungin yun? Wow ah.

Chineck ko ang time,

Woaw. 4:00 na.

Bumalik na ako sa usapan namin.

Mga 5:00 na ako nagpaalam sa kanya.

"hope to see you somewhere" Ang sabi niya.

Camera ClicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon