Pagpasok ko sa school, agad akong sinalubong nila Mayu.
"Uyy, sorry ah, sorry talaga kahapon, pinilit ka pa kasi namin e." Sabi ni Mayu.
"Ano ka ba, a yos lang, ako nga dapat nagsosorry eh." Sabi ko.
"hayy, basta, sorry talaga. tara na?"
Dumiretso na kami sa classroom,
"Uy, Mayu, mas maganda siguro kung sa ikod nalang ako uupo, kasi naman, nakakaistorbo pa ako sa mga nasa likuran" Sabi ko.
"Ano ka ba! Hayaan mo nga si--"
"Ano ka ba Mayu, kung yun ang gusto ni Phebe, bakit kailangan pa nating mangielam, Oh sige Phebe, kung san gusto mo" maintindihing sambit ni Mika.
Ngumiti ako, "Salamat Mika ah"
Kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa bakanteng upuan sa pinakalikuran.
Nababasa ko pa naman ang mga nakasulat sa board,
ayos na to, kesa naman may nagagambala pa.
Wala rin akong katabi dito. Ayos na toh, kesa pa naman ipagsiksikan ko pa sarili ko dun diba.
Mga ilang minuto lang ang lumipas ang dumating na si Ms Agoncillo.
"Ok class, anjan na ba si Mr.. Oh, are you Mr Jiro? oh good, come in."
nadulas sa kamay ko ang ballpen ko at gumulong ito sa kabilang row.
hayy, malas nga naman oh.
Nakayuko ako't paggapang na lumapit sa kinaroroonan ng ballpen ko,
kukunin ko na dapat nang may kamay na kumuha sa ballpen ko,
"Ms. oh..." Sabi niya sabay abot sa akin.
Nakatingin lang ako sa kamay niya.
Napangiti ako at kinuha ang ballpen sa kamay niya.
"Thank you." bulong kong sabi.
Natauhan ako ng maisip kong nasa klase pala ako,
Lumingon ako para tignan ang tumulong sa akin, kaso nakatalikod na siya.
bumalik ako sa upuan ko.
Habang nagsusulat ako, narealize ko, may nagsusulat din sa tabi ko..
wait... Sa tabi ko?! wala naman akong katabi ah!
Pagtingin ko sa kanya,
agad akong napalihis ng tingin.
Wait.. siya ba yung tumulong sa akin?
Ohmy, sigurado akong siya yun.
Hindi ko man natitigan ang mukha niya, pero, alam kong maitsura siya.
Bigla akong kinabahan at umayos ng upo.
Hingang malalim... hingang malalim..
Pinagpatuloy ko ang pagsusulat ko.
Nung recess na, napagdesisyunan kong magpakilala sa kanya.
kaso, bago pa ako makapagsalita, nakaalis na siya sa kinauupuan niya.
Wait! anu ba tong iniisip ko! malamang katulad lang din siya ng iba!! lalaitin din niya ako at lalayuan lang din niya ako! Hayy, bakit hindi pa ako nasanay.
"Hey Phebe, how's your seatmate?" masayang sabi ni Mayu.
Napasimangot ako at di pinansin ang tanong niya, "Wala akong gana kumain, kayo nalang." Sabi ko.
"Ok sige. Sure ka a?" Umalis na sila ni Mika.
Hindi naman talaga ako gutom,
At mukhang wala naman akong ganang kumain.
nakahiga ang ulo ko sa desk ko,
Napangiti ako ng isipin ang napagdesisyunan ko kagabi.
"Gusto kong maging model"
Model... wow, naririnig ko na ang mga tunog ng camera ang mga palakpakan ng tao.
nakikita ko na ang mga flash ng camera--
Wait, naiihi ako.
tumayo ako at pumunta sa CR.
Dalawa ang CR ng school namin,
mas pinipili kong magCR dun sa mas malayo,
mas nakakapagisip isip ako at wala masyadong tao dun.
Nagulat ako ng may nakita akong lalaking nakaupo sa hagdan.
Pamilyar ang mukha niya..
wait...
"J.. JR?!" Gulat na tanong ko
BINABASA MO ANG
Camera Clicks
Teen FictionSabi nila, lahat daw tayo ay dapat may pangarap. Ang pangarap na yun, ang magdadala sa atin sa buhay. Pero, pa'no pag ang pangarap mo'y di sumasangayon saiyo? Pangarap na mahirap abutin, ganyan ang sitwasyon ko, Mahirap, pero lahat gagawin ko, dahil...