Dad, Jan nyo na lang po ako ibaba sa tabi.Ganun ba anak, gusto ko pa sanang samahan pa sa pagapasok.
Naku, wag na dad.
Sige anak ikaw ang bahala. Wala bang goodbye kiss si daddy?
Nahihiyang humalik ako sa pisngi ni daddy. Babye dad! Wika ko na kumaway pa.
Good morning! Bati sa akin ng guard sa lobby pag pasok ko sa loob ng bldg.
Good morning rin kuya! Masayang bati ko dito.
Pipindutin ko na sana ang arrow up button ng elevator ng may pumindot na dito kaya naghintay na lang rin ako ng unang bubukas na elevator.
Nang may bumukas na elevator may nauna ng sumakay dito at papasok na sana ako sa loob ng humarang sa akin ang tao sa loob.
Private elevator ito. Wika nito sa akin
Napaka selan mo naman. Hindi nga kinuwestiyon kahapon na pambabae pangalan mo tapos elevator lang ayaw mo ako pasakayin. sabi ko dito sa lalaking isnabero.
Nakapasok pa rin ako sa loob dahil lumusot ako sa ilalim ng braso nito.
Wala na rin nagawa ang lalaki kaya umatras nalang ito sa pinaka sulok ng elevator. Kaya nasa likuran ko ito.Pag hindi pa ko sumakay dito malelate na ako. Dagdag ko pang sabi dito habang inaayos ko ang suot ko dahil nagulo ng magpumilit akong pumasok kanina.
Ako nga pala si madison pakilala ko dito.
Wala akong pakialam. Malamig na saad nito.
Alam mo ang sungit mo. gwapo ka pa naman sana, type na nga kita eh. Kinikilig kong sabi dito.
Hindi na ito nagsalita pa.
Bakit maricris ang pangalan mo eh lalaki ka naman. Seryosong tanong ko dito.
Shut up!
Chris na lang itatawag ko sayo para lalaking lalaki pa rin ang dating. Pero hindi ito umimik.
Nang bumukas na ang elevator ay lumabas na ako pero bago sumara hinarangan ko muna ito.
Galingan mo sa trabaho ha, para sa future natin at ng magiging mga anak natin. Wika ko dito ng nakangiti.
Leave! Galit na utos nito.
I love you too. Sigaw ko dito bago tumakbo papasok sa entrance ng 9F.
Hay! Nakaka pagod tumakbo. Reklamo ko sa sarili ko.
Late kana ng five minutes. Hinahanap ka na ni ms aida. Sabi sa akin ni joy.
Hay naku, ako na naman nakita nya.
Hayaan mo na ganyan talaga pag nagkaka edad na.
Ms benitez, sumunod ka sa akin. Rinig kong tawag sa akin ni ms aida.
Yes maam. Sagot ko dito.
Simula ngayon sa 15F floor ka na maaassign. Sila na rin ang magbibigay ng grade sayo. Hanapin mo si ms maricris.
Okay po maam. Nakangiting sagot ko dito.
Sana naman hindi ako pahirapan sa 15F. Piping dasal ko.
Pag akyat ko sa 15f nabungaran ko agad ang guard na naka assigned sa 15f.
Hay pogi! Dito na ako mag duduty.
Ah sige po maam. Pasok na po kayo sa loob.
Pagpasok ko sa loob, buti naman at may nakita na akong tao.

BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomancePlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.