Dad! Sino po susundo sa atin? Tanong ko kay daddy nang nasa naia na kami.
Ayan na pala ang susundo sa atin anak. Saad ni daddy kaya napatingin ako sa taong sinasabi nya.
Sa dalawang taon na hindi namin pagkikita at hindi nito pagpaparamdam,parang wala halos itong ipinagbago. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. hindi ko pa rin pala talaga siya nakalimutan hindi ko pa rin talaga maalis ang sakit at nangingibabaw pa rin talaga ang ginawa nito sa akin dati. Ang hindi nito pagpaparamdam ay mas pinatunayan lang nito na wala talaga itong pagmamahal sa amin ng mga anak ko. Pero bakit nandito ito ngayon? Napalingon ako kay dad sa nagtatanong na mga mata pero wala akong sagot na nakuha dito.
Madison! Saad nito sa mahinang salita pero hindi ko man lang ito pinansin.
Didi didi didi. Gulat ko ng nagpapapasag si kate habang hawak ko ito para mapalapit kay ian.
Kaya kinuha naman ito ni ian. Base sa reaksyon ni kate parang matagal na niya itong kilala para sumama ito ng ganun kabilis kay ian. Kaya hinayaan ko na lang itong sumama kay ian.
Madison! Tawag sa akin ng boses ng lalaki kaya napalingon ako dito.
Harry?! Gulat kong tawag dito.
Hi madi! Nakangiti nitong bungad sa akin.
Hi! Balik na sagot ko dito.
Pauwi na ba kayo nila tito?
Ah, oo. Ikaw ba? Tanong ko kay harry at mabilis akong sumulyap kay ian at kitang kita ko kung paano kumunot ang noo nito sa pagdating ni harry.
Pauwi na rin. May sundo na ba kayo? Pwede bang ako na lang ang maghatid sayo? Tanong ni harry.
Ha? Ah. Nag aalangan kong sagot dahil napasulyap ako kay daddy pero umiwas naman ito ng tingin sa akin.
Ako na mag uuwi sa asawa ko. May sasakyan kami. Galit na wika ni ian kay harry.
Ang kapal ng mukha para sabihin nyang asawa ako samantalang halos gusto nya akong mamatay dati para raw di niya na ako makita.
Uhmm, harry! San pala ang way mo baka ma out of way ka kung sasabay ako sayo.
Okay lang naman sa akin na ma-out of way basta kasama kita. Sagot ni harry kaya feeling ko parang namumula ako sa hiya.
Dad! Kay harry na lang po ako sasabay. Paalam ko kay daddy at bumaling ako kay ian para kunin si kate pero umiwas ito.
Sa amin ka sasama ng mga anak ko. Galit na saad ni ian pabulong sa akin ng tangkain ko ulit kunin si kate dito pero ayaw pa rin nitong ibigay ang bata. Kaya hinalikan ko nalang si kate at iniwan ko na ito kay ian.
Dad! Kay harry na po ako sasabay.
Ikaw ang bahala anak. Saad ni daddy at sumakay na rin ito sa nag aabang na sasakyan nila kasama ng dalawang anak kong lalaki. Pero nang mapasulyap ako kay ian at kay kate habang nakatayo ito at nakatingin ang mga ito sa akin sa loob ng sasakyan ni harry habang unti unti na itong umaandar ay parang biglang nanikip ang dibdib ko sa nakita kong sakit sa mga mata ng mga ito.
Harry, pwede bang next time na lang ako sasabay sayo? Saad ko kay harry.
Ikaw ang bahala. Nakaka intindi na sagot nito at ihininto na nito ang sasakyan kaya bumaba na ako.
Salamat harry. Saad ko dito at umalis na ito. Kaya tiningnan ko si ian at sumakay na ito ng sasakyan palapit sa akin.
Ayaw mong ibigay si kate sa akin pero nakatayo ka lang sa labas habang naiinitan ang anak ko. Inis kong sabi kay ian nang nakapasok na ako sa sasakyan nito. Pero nang tingnan ko ito ay napaka lawak ng ngisi nito na parang nanalo ng napaka laking premyo.
Anak ko lang ang binalikan ko at hindi ka kasama dun! Galit kong saad dito kaya nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan ng sakit. Pero hindi ko ito pinansin dahil mas masakit pa rin ang ginawa nito sa akin.
Wala kaming imikan ni ian hanggang sa maka uwi na kami ng bahay namin sa mansyon ng mga cole.
Princess! Rinig kong sigaw ni kuya habang nakabukas ang mga braso nito.
Namiss kita. Ang tagal mong hindi umuwi. Saad nito habang nakayakap sa akin at hinalikan ang noo ko.I miss you too kuya. Naiiyak kong saad dito.
Madi. Rinig kong saad ni ate ara. Namiss kita sis. Naluluha rin nitong sabi sabay yakap sa akin.
Ohh, mukha ka ng tao ngayon ian. Samantalang nung huling kita ko sayo para kang ermitanyo na hindi naliligo. Nakangiting saad ni ate ara. Kay ian.
Quiet sweetheart. Sabi ni kuya kay ate ara. Kaya napalingon ako kay ian.
Pero umiwas naman ito ng tingin kaya inalis ko na rin ang mga mata ko dito.Baka naman gusto mo na ulit i-manage yong companya mo? Isang taon ko na kayang hawak yon. Pati ako nadadamay jan sa katorpehan mo.
Hayaan mo kuya, pag naayos ko na ang pamilya ko. Hahawakan ko na ulit yon para mabawasan na ang trabaho mo. Rinig kong saad ni ian.
Alam mo bro walang mangyayari sayo kung puro ka lang sunod ng sunod. Wala ka manlang askyon na ginagawa. Baka maunahan ka pa nung kilala ko. Paalala lang bro. Saad ni kuya kay ian sabay tapik pa sa braso nito. Kaya nag kibit balikat lang ako ng sumulyap si ian sa akin sa malamlam na mga mata.
Is that true? Tanong nito sa akin.
What?! Galit na saad ko dito dahil hindi ko rin maintindihan ang sinasabi nito. Akin na ang anak ko! Galit kong sabi dito.
Kate, come to mommy anak.
No, didi didi. Sagot nito at yumakap lang lalo si kate sa leeg ni ian. Kaya galit kong sinulyapan si ian sa nanlilisik na mga mga mata.
I'm really sorry sweetheart and i love you. Matagal na. Nung una pa lang kitang makita at makasabay sa elevator. Hindi mo na pinatahimik ang puso ko. Hindi ko lang masabi sayo dati. Im really sorry baby. Umiiyak na sabi nito sa akin habang kalong si kate kaya kinuha ko na dito si kate ng sapilitan. Dahil umiiyak na rin ang bata.
Didi didi. Umiiyak na sabi ni kate dahil gusto lang nitong sa ama nakayakap. Pero dinala ko ito sa kwarto namin at sabay kaming umiiyak sa loob.
Hush hush, stop crying baby. Do you love mommy? Tanong ko dito habang umiiyak.
Didi didi. Sagot nitong umiiyak pa rin. Pakiramdam ko naagaw na agad ni ian ang atensiyon ni kate sa akin kaya mas gusto nitong sa ama sumama kesa sa akin. Kaya pinunasan ko ang mga luha namin at inilabas ko ito ng kwarto para dalhin kay ian. Pero nagult ako ng mukha ni ian ang mabungaran ko sa labas ng pinto ng kwarto ko.
Sweetheart. Patawarin mo na ako please. Hindi ko sinasadya lahat ng nasabi ko dati. Mahal na mahal kita dati pa. Galit lang ako nung time na yon. Pero nagising na ako baby. Hindi ko na kayang mawala kayo ng tuluyan ng mga anak ko. Please ayusin na natin to baby. Hindi ko na kayang tingnan ka lang sa malayo. Gustong gusto ko ng maayos ang pamilya natin. Please baby alang alang sa mga anak natin. Hindi ko na kayang mag antay ng 2 years ulit. Please baby.
Gagawin ko lahat ng gusto mo baby. Please.Nung nawala kayo, nawalan na rin ng direksyon ang buhay ko. Kaya kong mawala lahat sa akin wag lang kayong pamilya ko. Saad pa nito habang nakayakap kay kate at umiiyak.
Hinding hindi na ako maniniwala sayo. Sinunod ko ang sinabi mo sa akin dati na mawala na lang ako. Dahil yon ang gusto mo. Galit kong saad kay ian.
Nadala lang ako ng galit noon sweetheart. Hindi ko talaga kayang mawala ka. Kayo ng mga anak natin. Mahal na mahal kita baby. Saad ni ian.
Paulit ulit akong nagmaka awa sayo noon na mahalin mo ako pero mas gusto mong mamatay na lang ako kesa mahalin mo. Dahil sa galit mo sa daddy ko na wala namang katotohanan. Tapos sasabihin mo yan ngayon sa akin. Bakit? Dahil ba nalaman mo na walang katotohanan lang ng bintang mo sa daddy ko? Hindi mo ko totoong minahal ian. Dahil kung mahal mo talaga ako noon. Hindi mo gugustohin na saktan ako.
Please baby sabihin mo lang ang gusto mong gawin ko. mapatawad mo lang ako. Nagmamaka awang wika ni ian.
I want an annulment!
Please vote comments and follow my account for more updates. Happy reading guys 😘😘😘 stay safe everyone 🥰🥰🥰

BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomantikaPlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.