Carol, akin na muna si kate. Ako na ang magpapatulog sa kanya.
Sige po mam.
Siya nga pala. Pag wala ka ng gagawin pwede ka ng magpahinga.
Opo mam. Salamat po.
Come to mommy baby. Saad ko kay kate at lumapit naman ito kaagad sa akin.
Sleep na tayo sa room.Habang nakahiga kami ay dinapuan narin ako ng antok kaya sinabayan ko na rin sa pagtulog si kate.
Nagising ako na parang may humalik sa labi ko. Pero ng dumilat naman ako ay mukha ni kate ang nabungaran ko.
Did you kiss mommy? Ha kate? Nakangiti kong tanong dito. Pero tawa lang ang isinagot nito. Matulog pa tayo anak. Saad ko dito sabay yakap. Medjo inaantok pa kasi ako dahil madaling araw na rin akong nakatulog kagabi.
Pero bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay nakarinig na ako ng ingay mula sa labas ng kwarto kaya tumayo na lang ako.
Anak. Bungad sa akin ni mommy.
Mom, bakit hindi nyo kami sinama ni kate?
Ang daddy mo kasi ayaw ka ng ipagising. Namili lang kami ng pasalubong para sa mga anak ng kuya mo. Nangungulit na rin kasi ang kuya mo dahil one year na rin yong huling uwi ng daddy mo.
Ganun po ba, kelan po si daddy uuwi?
Ang totoo anak gusto ng daddy mo na isama ako, kaso wala ka naman kasama dito.
Gusto nyo na po bang umuwi mom?
Inaalala ko lang kasi ang daddy mo anak dahil medjo tumatanda na rin siya.
Okay lang po mom, sasama na rin po kami ng mga bata pauwi ng pilipinas.
Siguradong matutuwa ang daddy mo anak.
Sige mom kakausapin ko lang si dad. Nasaan po pala siya?
Nasa sala anak.
Sige po puntahan ko lang. Saad ko kay mommy at bumaba na ko para puntahan si daddy.
Dad, kelan po kayo uuwi sa pilipinas?
Two days from now anak. Magpapabook palang ako ng flight. Mga isang buwan lang ako doon tapos balik na agad ako dito para may kasama ka naman.
Dad,sasama na lang kami pauwi ng mga bata. Para hindi na rin po kayo mahirapan sa byahe.
Ayos lang yon anak. Ang importante kasama kita at ayokong maramdaman mo na mag isa ka lang sa buhay. Kaya kung hindi ka pa ready na umuwi sa pilipinas. Nandito lang ako, susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo anak.
Salamat dad. Pero okay na po ako. Sasama na po kami ng mga bata pauwi sa pilipinas.
Sigurado kana ba anak?
Opo dad.
Oh sige anak tatawagan ko lang ang secretary ko para makapag pa book na tayong lahat.
Sige po dad. Sagot ko kay daddy.
Ito na siguro ang time para sarili ko naman isipin ko at kinabukasan ng mga anak ko. Dahil hindi habang buhay nakasandal ako sa magulang ko.
Princess anak! Tawag ni daddy sa akin.
Bakit po?
Gusto mo bang hawakan ang greco?
Sainyo pa rin po ba yon dad? Akala ko binigay nyo na kay Christian yon.
Hindi nya tinanggap anak. Kaya pagbalik natin kung gusto mo, ikaw na ang humawak nun para sa mga anak mo.
Sige po dad. Hahawakan ko na po ang greco.
Salamat anak. Atleast alam kong magiging maayos na ang kinabukasan nyo ng mga anak mo.
Salamat rin po sa lahat ng tulong nyo ni mommy. Kung wala siguro kayo hindi ko alam ang mangyayari sa amin ng mga anak ko.
Basta anak, nandito lang ako lagi. Susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo anak.
Salamat dad. Sige po dad puntahan ko lang po ang mga bata.
Oh sige anak. Pakitawag mo na rin ang mommy mo.
Sige po dad aakyat na po ako. Paalam ko kay daddy.
Mom, tawag po kayo ni daddy. Ako na pong bahala sa mga bata.
O sige anak. Paalam ni mommy sa akin.
Kumusta mga layas kong anak. Tanong ko kay ian at carl. Pero ngiti lang ang sagot ng mga ito at abala na naman sa paglalaro.
Kate laro ka na, sali kana kay kuya at bunso. Saad ko dito dahil lagi lang itong nakadikit sa akin.
Didi didi didi. Saad nito na parang gustong magpakalong sa tinatawag nito.
Rose paki timplahan naman ng gatas si kate.
Sige po mam. Sagot nito.
Didi didi didi. Tili ni kate at tinuturo pa ang cr sa kwarto namin.
Walang didi jan anak. Sabi ko sayo mommy mommy mommy lang. Say mommy, mommy! Utos ko dito.
Didi didi didi.saad nito habang nakangiti. Hay naku kate puro ka didi. Panget naman ng didi mo.
Mum mum mum. Rinig kong sabi ng dalawang anak kong lalaki.
Wow naman, ang galing naman ng boys ko. Sige pa nga mga anak. Mommy mommy. Utos ko sa mga ito.
Mummm mummm mummm. Saad ni rain samantalang si carl abala na sa paglalaro ulit.
Yan, dapat mommy lang lagi. Kasi ako lang ang kasama nyo. Payakap nga mga anak. Namiss ko kayo. Wika ko sa mga bata habang yakap yakap ko ang mga ito.
Pag uwi natin sa pilipinas mag work na si mommy dun. Para marami na tayong pambili ng mga gatas at laruan nyo. Gusto nyo ba yon mga anak? Mag wowork na si mommy kaya magiging busy na ako lagi pero wag kayong mag alala. Uuwi naman ako ng maaga palagi para gising pa kayo pagdarating ako para makaka paglaro pa tayo bago kayo matulog.
No no no. Sagot ni kate sa akin.
Need ni mommy mag work anak para marami tayong pambili ng milk nyo.
Didi didi didi. Muling sagot ni kate sa akin.
Wala ang daddy nyo babies kaya need kong mag work para paglaki nyo marami tayong pambili ng mga kailangan nyo. Kasi darating ang time na mag school kayo kaya dapat habang hindi pa kayo nag aaral nag iipon na ako.
Didi didi. Muling saad ni kate at yumakap pa ito sa akin.
Mamimiss mo ba si mommy pag nag work ako ha baby?
Mimi. Rinig kong wika ni kate.
Wow anak! Isa pa nga. Utos ko kay kate habang inaalis ko sa leeg ko ang mga braso nito para makita ko ang mukha nya. Pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sa leeg ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/223827400-288-k660145.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Husband
Любовные романыPlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.