Chapter 2 My Cold Husband

3K 39 0
                                    

Pagpindot ko sa arrow up na sign ng elevator nakarinig ako na may nagsalita sa gilid ko.

Hi! Bati ng lalaki na medjo cute. Di ko siya, mas type ko yong kanina na kasabay namin ni joy.

Pumasa na ba ako sa panlasa mo miss? Nakangisi nitong tanong sa akin. Ngumiti ako dito ng napakatamis na nakakapag pawala sa huwisyo ng isang lalaki sabay sabing.

Hindi! Kaya pag bukas ng elevator sumakay na agad ako at naiwan sa baba ang mayabang na aso na yon.

Akala nya ah. Kahit cute siya at kamukha nya yong bidang lalaki sa cloy, mas lamang talaga para sa akin ang mala Tom Cruise na dating ng lalaking isnabero kanina bagay na bagay sakanya ang tawaging pussy wreaker. Napapangiti na lang ako sa isipin na yon. Kaya paglabas ko ng elevator naka ngiti pa rin ako na parang ewan.

Maam saan po kayo? Tanong ng guard na naka assigned sa 15F.

Ibibigay ko lang sa secretary ito. Pakita ko ng folder sa guard.

Ah sige po, pasok na lang po kayo. Paki antay nyo na lang po sa loob ang secretary inutusan po yata ni ceo. Sabi pa ng guard.

Okay pogi.wika ko na napapangiwi pero hindi ko yon pinahalata sa kausap ko.
Kaya ngiting ngiti ito sa akin.

Pagdating ko sa loob naupo muna ako para antayin ang secretary.

Tagal naman inip kong bulong sa sarili ko. Habang naka upo lumingon muna ko kung may ibang tao wala naman akong nakita. kaya tinanggal ko ang suot ko na sapatos na three inch ang haba ng takong  at pag angat ko ng paa ko medjo lumilis ang suot kong skirt kaya kitang kita ang makinis at maputi kong legs.

Naku madison kaseksi mo talaga. Puri ko sa sarili. Pagkatapos tanggalin ang sapatos ko habang naka upo inunat ko ang dalawang binti ko na parang naka 45 degree at pinag uumpog ko ang mga paa ko habang nakataas. Kumportable ko itong ginagawa dahil wala naman tao. Pero kung may tao lang siguro sa kabila ng tinted na salamin na yon kitang kita siguro nun ang panti ni madison na kulay pink pa.

Kaasar! 20 minutes na ako dito. Umupo na ako ng nakabukaka sa sobrang inip sa taong inaantay ko habang nakasandal sa upuan at nagbabrowse sa FB.

Sa sobrang inip tumayo si madison at itinukod ang mga kamay sa table ng secretary at nangalumbaba habang nakayapak at kung titingnan ang itsura nito tamang word is nakatuwad ang itsura nya.

Bakit ang tagal mo baka gawin ng dos ang grade ko nito ni ms aida kausap ko sa upuan ng secretary. Bumalik kana please tuloy tuloy ko pang pag kausap ko sa upuan. Nasan ka na ba? May naka pila pa akong gagawin, naman oh.

Sa inip ko sinuot ko na ang sapatos ko at plano ko na sanang lumabas ng bumukas naman ang pinto ng tinted na salamain kaya napalingon ako dito.

Hay salamat! Wika ko. Sabay abot sa taong yon ng folder na hawak ko at hindi ko na pinagka abalahan na tingnan pa ang mukha ng taong yon.

Tahimik naman itong tinanggap ng lalaki kaya umalis na ako.

Aalis na kayo maam? Tanong ng guard sa akin.

Yes pogi. Sagot ko dito at kitang kita ko pa ang pagkamot ng ulo nito. Natatawa na lang ako sa gesture nito na parang nahihiya.

Wala pa po ang secretary maam.

Nandun na pogi, binigay ko na rin ang folder, bye!. Paalam ko sa guwardiya.

Pagdating ko sa 9F office ng hr kung saan ako naka assigned.

Naku friend kanina ka pa inaantay ni ms Aida.

Oo nga eh  tagal kasing dumating nung secretary kanina. Sabi kay joy.

Ms. Benetiz, bakit ngayon ka lang? Tanong ni aidaming utos.

Naku maam inantay ko po kasi yong secretary, inutusan raw po kasi sa labas sabi ng guard. Paliwanag ko kay aidaming utos.

Dalhin mo to sa 13F sa finance, hanapin mo si Ms ana papirmahan mo ito sa kanya. Pagkatapos mo jan. Puntahan mo bawat floor ang mga taong to. papirmahan mo sakanila yan pagka received nila. Mahabang utos nito.

Okay po maam. Hinang hina kong sagot dito.

Paakyat na ako ng elevator papuntang 13F. Sa school na lang sana ko nag ojt.bulong ko sa sarili ko. Busit naman oh. Himutok ko sa sarili ko.

Hi! Bati ko sa guard. Kay Ms ana.

Napatingin naman ang guard sa akin na parang natulala pa ito.

Kay miss ana? may papipirmahan ako sakanya. Sabi ko sa nakatulalang gwardiya sa akin.

Ay pasensiya na po mam ang ganda nyo po kasi akala ko nasa langit na ako dahil may anghel na lumapit sa akin. Sabi ng guard.

Hay naku kuya, lumang moves na yan. Asar kong sabi dito. Sabay pasok sa loob.

Kay ms ana po? Tanong ko sa babaeng nasa harap.

Sandali lang ms. Sabi nito at may tinawagan sa telephone.(Ms A someone is looking for you) rinig kong sabi ng babae

Hi ikaw ba yong naghahanap sa akin? Tanong nito.

Ay opo, may papirmahan lang po ako galing hr kay ms aida.

Ah, okay thank you. Pasalamat nito pagka pirma.

Paalis na sana ako ng tingnan ko kung may iba pang tao akong hahanapin sa floor na to. So far wala dito. Kaya talagang sampu pa ang hahanapin ko. Siguro galit sa akin ang babaeng yon kaya ako lagi ang inuutusan eh samantalang si joy naka upo nalang busit talaga oh. Inis kong bulong habang nasa elevator na naman.

Hay, sakit na ng binti ko. Hirap na hirap na akong maglakad dahil ito na ang pang huli kong papipirmahin.

Hi maam! Bati ulit sa akin ng guard sa 15F. Tinuro ko na lang ang pinto at diretso na akong pumasok dito.

Pagdating ko sa loob wala na naman ito.
Ano ba, nasan ka na naman. Inis kong kausap sa sarili ko. Habang inaantay hinubad ko ulit ang sapatos ko dahil namamaltos na ang sakong ko at naninigas na rin ang binti ko sa sobrang ngalay. Habang naka upo ako itinaas ko ang paa ko at hinilot hilot ito. Wala na kong pakialam kung nakalitaw na ang panti ko dahil sobrang iksi ng skirt ko. napa pikit pa ang mga mata ko habang nakakagat labi sa sobrang sarap na pakiramdam pero nagulat ako ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng glass door. Kaya napadilat ako at hindi kaagad nakagalaw.

Shit! Galit na sabi ng lalaki at nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko ito.

Ikaw? Sabi ko dito. Ikaw yong masungit na kasabay ko sa elevator. Sabi ko pa at ibinaba ko na ang paa ko at binasa ko ang pangalan nito. Bakit pang babae ang pangalan mo Maricris Salvador, May papipirmahan lang ako sayo. kinakabahan kong sabi dito dahil parang galit ito na hindi ko maintindihan.

Inabot naman nito at pinirmahan na.

Makaka alis kana. Sabi nito

Ngumiti ako dito ng matamis sabay sabi ng salamat at tumalikod na ako dito. Ang sungit mo naman baby. Bulong ko pero ewan ko nalang kung narinig nito dahil mas lalo pang kumunot ang noo nito ng lumingon ulit ako dito.
Iika ika akong naglakad palabas ng pinto hanggang sa makabalik na ako sa 9F. Hanggang 3pm lang ang duty namin kaya gumayak na ako para maka uwi.

My Cold HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon