I want you to set me a meeting with the board asap anak. Saad ni Don Charlie kay ken.
For what reason dad? Tanong nito sa ama habang kausap ito sa telepono.
Come home anak. I will tell you the details.
Okay dad! Sagot ni ken sa ama
Sir, nasa labas po si sir ian. Wika ng guard sa Don.
Papasukin mo! Utos nito sa guard.
Yes sir. Sagot muli ng guard.
Dad! Good afternoon po. Gusto ko po sanang makausap ang asawa ko.
Follow me. Utos nito kay ian.
Pagpasok na pag pasok pa lang ni ian ay pinatikim na agad ito ng don ng malakas na suntok sa sikmura at hindi na ito ikinagulat ni ian.Wala kang karapatang saktan ang anak ko. Galit na sigaw ng don kay ian.
At ikaw?! anong karapatan mo na sirain ang pagsasama ng magulang ko? Diba ginawa mong kirida ang mommy ko!
You wrong! wala kaming naging relasyon ng ina mo. Kung sana naging matapang lang ang ina mong sabihin sayo na binubugbog siya ng ama mo tuwing nasa eskwela ka. Tinulungan ko lang ang ina mo na makawala sa pambubugbog ng magaling mong ama dahil gusto nya ng lumayo dito kasama ka. Pero naaksidente sila na sinadya ng ama mo dahil ayaw nyang pakawalan ang mommy mo.
Kung nagtanong ka lang sana ian, hindi masisira ang pamilya mo ngayon. Ibibigay ko sayo ang lahat ng shares ko sa greco at pagkatapos pirmahan mo ang annulment paper nyo ni madison dahil yon ang gusto ng anak ko. Kapalit ng annulment ay ang greco impire. I need your signature right now. Dahil pupunta na dito ang magulang ni harry para mamanhikan kay madison.
Hindi ko kailangan ng kumpanya nyo. Ang asawa at mga anak ko ang kailangan ko.
Too late, young man. Labis mong sinaktan ang anak ko. Wala ka ng pamilya dito. Umalis na sila kasama si harry.
Hindi ako papayag. Ako ang asawa nya. Ako lang ang may karapatan sa pamilya ko. Please dad! Mahal na mahal ko si madison, tulungan nyo kong maayos ang pamilya ko. Nagkamali ako, pinagsisisihan ko na yon. Hindi ko kaya! Pakiusap po. Hindi ko kayang mahiwalay sa pamilya ko. Sila na ang buhay ko. Pakiusap po. Umiiyak na pakiusap ni ian habang naka luhod sa matanda.
Patawad po kinain ako ng galit. Pero nauna kong minahal si madison bago ko pa malaman na anak nyo siya. Please po, maliliit pa ang mga anak namin. Ayokong lumaki sila ng walang ama.
Hindi ka na nila kailangan dahil si harry na ang magpupuno sa pagkukulang mo.
Please po. Alang alang sa mga anak ko. Ayokong lumaki sila ng walang gabay ng totoong ama. Dad! Please! -ian
Hindi ako ang dapat mong kausapin sa bagay na yan. At hindi pa rin siya handa na harapin ka. Pirmahan mo na ang annulment paper. dahil ayaw ka niyang makita pa. Matigas na saad don.
Inabot ni ian ang annulment paper at pinunit ito.
Hinding hindi ako papayag na makasal siya sa iba.
Oh common! Hindi ka naman na makikilala ng anak mo dahil wala pang isip ang mga yun. kaya lalaki silang hindi ikaw ang nakikilalang ama.
Lalaban ako, hindi ko siya hahayaan na mapunta sa lalaking yon. Nagmamahalan kami.
Kung mahal ka pa talaga ng anak ko. tingin ko kasi ay hindi siya sasama kay harry kung may pagmamahal pa talaga siya sayo.
What's happening dad? Bungad na tanong ni ken.
That man! He ruined your sisters life.
Sinaktan nya ang kapatid mo. Simula pa lang ay plinano nya ng pahirapan ang kapatid mo makuha lang ang greco empire. Saad ng don kay ken.Fuck you! Galit na sigaw ni ken kay ian sabay suntok sa mukha nito hindi na rin nag abala si ian na umilag dahil alam nyang malaki ang kasalanan nya sa kapatid nito.
Im sorry, hindi ko na naman na itinuloy ang plano ko dahil ayokong masira ng tuluyan ang pagsasama namin ni madison. Maniwala kayo mahal na mahal ko siya at ang mga anak namin. Please paki usap tulungan nyo akong mahanap ang asawa ko. Humahagulgol na pakiusap ni ian kahit puno na ng dugo ang mukha nito dahil sa tinamong tatlong suntok mula kay ken.
Gagawin ko po lahat ng gusto nyo dad! Ibabalik ko lahat ng nabili ko sa kumpanya nyo. Pero pakiusap huwag nyong hayaan na mapunta sa ibang lalaki si madison. Hindi ko kakayanin yon para nyo na akong pinatay pag napunta siya sa iba.
Umiiyak na iniwanan ng mag ama si ian sa library.
Nasan si madi dad?
Lumipad sila ng canada kasama ang mommy mo at ang dalawang bata. Susunod nalang ako sa kanila pag katapos ng meeting ko bukas. I will give my 50% shares to ian and the remaining 50% will be given to you.
Pano si madison dad? Walang mapupunta sakanya?
Yon ang gusto nya. Mapunta kay ian ang kumpanya dahil yon lang raw ang habol ni ian sakanya.
Kay madison nyo na lang ibigay ang 50% na share nyo dad. Alam nyo naman noon pa na mas gusto kong pinaghihirapan ko ang mga bagay na napupunta sa akin.
I know anak. That's why im very proud of you.
Totoo bang kasama ni madison ang dati niyang manliligaw dad?
Hindi anak, I just want to teach him a lesson. Gusto ko lang iparamdam sa taong yon ang paghihirap na nararanasan ngayon ng kapatid mo.
Hayaan nyo dad, malalagpasan rin nila yan. Pag nalagpasan nila yan mas magiging matatag na sila nyan.
Puntahan mo na yon. Utos ng don kay ken.
Hayaan mo siya dad. Harapin nya mag isa yan tutal siya naman ang may kasalanan. Saad ni ken patungkol kay ian.
Pag namatay yan dito anak baka sundan yan ng kapatid mo. Kung nakita mo lang sana siya nung umuwi dito kanina.
Oo na dad, gagamutin ko na yong sugat sa mukha ng taong yon.
That's my boy.
Tssk. Kunwaring inis ni ken sa ama.
Sasabihin nyo ba kay ian kung nasaan si madison dad?
Hindi anak, pag kuntento na ako sa parusa ko sakanya baka magbago kaagad ang isip ko.

BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomancePlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.