Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ko kaagad si mommy.Mhe, gising kapa?
Hindi ako makatulog ng wala ka pa anak.
Anong oras po umalis si daddy kanina mhe?
Kaaalis lang anak. Babalik na lang siya ulit at isasama nya ang kuya mo para magka kilala na kayo. Kumain kana ba?
Hindi pa po, nagugutom na po ako. Ano ulam mom?
May sinigang na pork anak ipaghahanda kita.
Okay po. Magbibihis po muna ako.
Sige anak.
Pagkaraan lang ng ilang minuto nakabalik na rin ako sa hapag kainan.
Mom, ano pong napag usapan nyo kanina?
Gusto mo bang makasama ang daddy mo anak? Balik tanong ni mommy sa akin.
Mom, kung saan po kayo masaya susuportahan ko po kayo.
Gusto kasi ng daddy mo na magkasama na tayong tatlo at gusto nyang lumipat tayo sa kanila.
Mom, wala po akong tutol sa pasya na gagawin nyo, dahil napaka laki ng mga sacrifices na ginawa mo para sa akin at siguro ito naman ang part ni daddy na gagawin para sayo at sa akin rin. Kaya okay lang po sa akin kung ano ang gusto nyo mom.
Salamat anak. Atleast kahit malaki ka na mabubuo pa rin ang pamilya natin dahil nanjan na ang daddy mo.
Yes mom at hangad ko ang kaligayahan nyo.
Pagkatapos ng napag usapan namin ni mom. Nagpahinga na rin kami.
Nang sumapit ang araw ng sabado maaga ulit dumating si dad at may kasama na ito.
Anak, sinama ko ang kuya kenneth mo.
Gusto ka kasing makilala ng kuya mo anak at malapit na rin silang ikasal ng ate ara mo. Masayang saad ni dad.Kumusta ka madison? Kamukhang kamukha mo ang ate ara mo bunso.
Saad ni kuya kenneth na nakangiti.Maayos naman po ako.
My gagawin ka ba ngayong araw? Pwede ba kitang isamang mamasyal?
Wala naman po akong gagawin ngayon at ayos lang po sa akin na mamasyal. Sagot ko kay kuya ken.
Pagkalipas ng ilang minuto tapos na rin akong magbihis at sumakay na kmi ni kuya sa sasakyan nya.
Saan mo gustong mamasyal Princess? Tanong ni kuya sa akin.
Kayo na pong bahala. Nahihiya ko na sagot dito.
Mamili muna tayo ng mga gamit mo Princess at pagkatapos ilibre mo ako ng lunch mamaya. Naka ngiting sabi nito.
Kuya wala akong pera, kaya hindi kita malilibre. Pero malapit na rin akong grumadweyt, two months na lang. Pag may trabaho na ako i-lilibre na kita.
Biro lang Princess. Si kuya na ang bahala sa lahat ng gusto ng princess ko. Salamat at dumating ka sa buhay namin. Naluluhang wika nito.
Pagdating namin sa bldg ipinagbukas pa ako ni kuya ng pinto ng kotse nya.
Thanks big bro. Kumportable kong sabi dito. Niyakap pa ako nito at hinalikan sa noo.
Nang nasa loob na kami ng mall.
Kuya nasan pala si ate ara?
Nasa bahay Princess kasama ng anak namin.
Wow may baby na kayo! Kuya pwede ko bang makita si ate?
Hayaan mo princess bukas susunduin kita para makita mo sila. Wika nito sabay pisil ng pisngi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/223827400-288-k660145.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomancePlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.