Chapter 22 My Cold Husband

1.8K 37 0
                                        

See! Hindi ka makasagot. Pano tayo magpapakasal eh hindi mo naman ako mahal.

Madison, this is not the right time for that love thing. Ang anak natin ang pinag uusapan natin dito.
Maging matured ka ngang mag isip. Hindi to para sayo lang. Anak natin. Galit na sabi nito.

Ikaw naman ang may kasalanan nito eh. Kung hindi mo sana ginawa yon. Umiiyak kong sumbat dito.

Nakaraan na yon. Future ang pinag uusapan natin ngayon. Future ng magiging anak natin. Malamig na saad nito.

Hindi na kami nakapag usap pa ni ian dahil tinawag na ito ni daddy. At nilapitan naman ako ni mommy para pakalmahin.

Sorry mommy!

Wag ka ng umiyak anak. Makakasama yan sa baby mo. Magpa check up tayo bukas anak.

Opo.

Malaki ka na nga anak, magkaka anak ka na rin. Ang bilis lang ng panahon. Dati kalong kalong lang kita habang pinapatahan kita lalo na pag may sakit ka. Kinaya ko lahat yon anak. Kaya pagbutihan mo rin ang pagiging ina mo sa magiging anak mo.

Masaya pa rin ako para sayo anak kasi alam kong hindi ka nag iisa may makaka tuwang ka sa pag aalaga ng magiging anak mo. Ipinagpapa salamat ko sa diyos dahil hindi ka natulad sa naging kapalaran ko noong kaedaran mo ako.

Huwag kang magsalita ng ganyan mom. Ikaw ang pinaka the best na mommy sa buong mundo dahil pinalaki at pinag aral mo ako kahit mag isa ka lang na bumubuhay sa akin.

Im sorry mommy, dahil hindi ko po natupad ang promise ko sayo na magpapakasal muna ako bago ko ibigay ang sarili ko sa isang lalaki. Im sorry mom.

Akala ko si harry ang magiging boyfriend?

Hindi ko po mahal si harry mommy. Si ian po ang mahal ko. Matagal ko na pong mahal si ian mom. Siya po ang may ari ng company na pinag ojt-han ko. Kaya matagal ko na po siyang kilala.

Mahal ka ba niya? Tanong ni mommy sa akin.

Yes mom! Mahal niya po ako. Pagsisinungaling ko kay mommy. Ayoko kasing sisihin nya ang sarili nya sa nangyayaring ito sa akin.

Mabuti naman kung ganun. Magiging panatag na ako anak. Makita lang kitang masaya sa tatahakin mong landas. Masayang masaya na rin ako. Pagbubutihin mo lang anak. Huwag daanin sa init ng ulo ang lahat. Kung galit  siya huwag mong sabayan at dapat ganun rin siya sayo.

Opo mommy. Salamat po.

Ilang buwan na ba yang tiyan mo? Tanong ni mom.

Baka po 2 or 3 months mom.

Tingin ko nga ay 3 months yan anak. Sabi ni mommy at niyakap ako ulit sabay halik sa pisngi ko.

Library scene

Talk young man! Galit na utos ng don.

Im sorry tito, pero pananagutan ko po ang anak nyo. Ayoko ko po na lumaki sa hindi buong pamilya ang magiging anak namin ni madison.

Ano ang gagawin mo kung hindi ako pumayag? Dadalhin ko ang anak ko sa America hanggang sa makapanganak siya. Hindi ka kikilalanin ng apo ko hanggang sa lumaki siya.

Hindi po ako papayag tito! Kuyom ang kamay ni ian habang hindi pinapahalata ang galit nya sa matanda.

At anong gagawin mo? Naghahamon na tinig ng matanda. Dahil higit kaninu man ang pinakamamahal nyang anak ang pinag uusapan nila dito. At ayaw nyang maging talunan ang anak sa bandang huli.

Tulad nyo, kaya ko rin ibigay sa kanya ang lahat ng meron ako. Nakaka sisiguro po kayo na para sa ikabubuti po ni madison lahat ng gagawin ko. Mahal na mahal ko po ang anak nyo. At hindi po ako papayag na hindi kami maikasal.

Bueno nasa anak ko ang disisyon kung pakakasalan ka niya.
Oras na saktan mo ang anak ko. Nagiging mabangis ako iho. Itanim mo yan sa isip mo. Papunta ka pa lang. Dobleng beses na akong nakabalik.
At kung may pinaplano ka abay pag isipan mong mabuti. Payo ko lang sayo yan iho.

Go! Talk to my Princess. Utos ng don kay ian.

Kahit matanda na ito ay kitang kita parin ang pagiging mabangis nito.

I know your plan hindi ako ipinanganak kahapon. Sisiguraduhin kong babalik sayo lahat ng plano mo. Wala pang nakakapag patumba sa isang Charlie Cole. Halakhak nito.

Tita, sorry po. Humihingi po ako ng pangunawa. Pananagutan ko po ang anak nyo. Nakahanda po akong pakasalan siya at maging responsableng ama sa para magiging anak namin.

Magiging civil ako sayo pero hindi pa kita mapapa tawad.

Salamat pa rin po tita. Hayaan nyo po babawi po ako sainyo.
Uhum, sweetheart. Dala ko na yong pasalubong na gusto mo.

Salamat. Kinikilig kong sabi dito.

Pati yong damit ko na pinapadala mo. Iniabot ulit ito sa akin ni ian. Nahihiya ko itong tinanggap dahil nakamasid sa amin si mommy pati na rin si daddy na lumabas na sa library kasunod ni ian.

Anong plano nyo? Tanong ni dad.

Gusto ko po sanang makasal agad kami ni madison at pag nakapanganak na po siya sa anak namin papakasalan ko po siya ulit sa lugar o simbahan na gusto nya.

Ikaw Princess, payag ka ba? Tanong sa akin ni daddy.

Opo dad. Sagot ko

Bueno, kailan kayo magpapakasal gusto ko po sana sa sunod na araw po agad. At doon po kami titira sa bahay ko my mga kasambahay naman po ako doon kaya hindi po mahihirapan si madison.

Ang bilis naman yata, pwede bang dito na lang kayo tumira para maalalayan ko si madison tutal lagi ka naman sigurong nasa trabaho.

Honey, let them decide. Hindi na sila bata. Magkaka apo na tayo.

Hayaan nyo mommy, dadalaw naman ako palagi dito. Saad ko kay mommy.

Aasahan ko yan anak. Naluluha na sabi ni mommy.

Yes mom.

Halina muna kayo at ng makakain muna tayo. Utos ni dad kaya tumayo na kaming lahat  at inalalayan ako ni ian sabay yakap saakin.

I miss you. Bulong pa nito sa akin at hinawakan pa ang mejo malaki ko na rin na tiyan.
Nahilo ka ba kanina? Tanong pa nito.

Hindi naman, napasarap kasi tulog ko kaya hindi ko na naramdaman yong hilo.

My Cold HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon