Kapal talaga ng ian na yan nakaka gigil! Nakuha nya pa talagang makipag halikan sa iba samantalang hindi pa nga kami nagkaka ayos. Kainis ka talaga ian. Inis kong sigaw. Matapos ko itong patayan ng telepono habang nagsasalita pa ito kanina dahil sa sobrang inis ko.
Sa buong maghapon, naka one hundred na yatang tawag si ian o higit pa pero hindi ko ito sinasagot. Dahil magpa hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Kahit sobrang inis ako kay ian ay maayos ko naman natapos ang mga meetings ko ngayong araw. Pero parang gusto ng sumabog ng utak ko dahil sa pagod sa buong maghapon na meeting.
Mommy! Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses pagkababa ko ng elevator kaya napalingon ako.
Hello babies! Namiss ko kayo. Pakiss si mommy dali. Saad ko sa mga ito kaya mabilis itong lumapit sa akin. Pero napasulyap ako kay ian dahil lumapit rin ito. Pero galit na tingin lang ang ibinigay ko dito.
Mommy im hungry. Reklamo ni cristoff sa akin habang akay ko ito at si kate pasakay sa sasakyan ni ian.
Hindi ba kayo pinakain ng daddy nyo? Tanong sa mga bata pero kay ian ako nakatingin.
Kanina pa ako tumatawag sayo kasi pakakainin ko muna sana sila bago pumunta dito sa office mo pero hindi ka sumasagot sa mga tawag ko kaya dito na kami tumuloy muna. Baka kasi di ka namin abutan dito. Mahabang paliwanag ni ian sa akin. Pero inirapan ko lang ito.
Anong gusto nyong kainin kids? Tanong ko sa mga bata.
I want pizza mommy. Mabilis na sagot ni kate.
I want spaghetti mom. Matamlay naman na sagot ni cristoff. Halatang gutom na talaga ito. Kaya muli akong sumulyap kay ian at matalim ko itong tiningnan sa mata pero nag taas lang ito ng dalawang kamay na parang sinasabi na suko na ito.
Saan tayo kakain sweetheart? Nag aalangan na tanong nito.
Sa shakeys na lang. Sagot ko kay ian kaya huminto ito ng may madaanan kami na shakeys.
Kakain na tayo kids baba na kayo. Utos ko sa mga ito pero ng mapasulyap ako kay cristoff ay matamlay itong gumalaw.
Are you okay anak? Tanong ko kay Christoff.
Im so hungry mom! Mahinang sabi nito.
Come here, kakalungin na lang kita. Kaya lumapit ito.
Daddy carry me! Saad naman ni kate sa ama habang nakatayo sa upuan sa loob ng sasakyan. Kaya kinalong nito kaagad si kate.
Pagkatapos namin kumain ay sumakay na kami ulit sa sasakyan para maka uwi na sa bahay. Mabilis lang rin kaming naka nakarating.
Carol paki linisan muna ang mga bata. Utos ko sa yaya ng mga ito.
Yes po maam. Sagot nito sabay kuha kay cristoff sa akin at ganun rin kay kate.
Si carl pala nasan?
Nasa room nyo po maam kasama ng bantay nya. Sagot ni carol kaya umakyat na rin ako sa kwarto.
Hello baby ko! Bati ko kay carl.
Mimi. Tuwang tuwa na sabi nito at gumapang kaagad papunta sa akin.
Namiss mo ba si mommy anak? Nakangiting tanong ko dito.
Mimi, mimi. Sagot lang sa akin ni carl sabay pakita sa akin ng hawak nyang laruan. Mahilig ito sa mga laruang sasakyan.
Sweetheart! Tawag sa akin ni ian dahil sumunod pala ito sa akin sa kwarto.
Bakit? Tanong ko dito sa nakakunot na noo.
Can we talk outside? Galit na tingin ang ibinigay ko dito pero nauna na akong lumabas ng bahay at nasa likuran ko lang si ian. Nang huminto na ako sa pag lalakad, dumiretso naman si ian sa sasakyan nya.
Get in! Utos nito sa akin habang hawak nya ang nakabukas na pinto ng sasakyan nya.
Ayoko!
Please! Mag uusap lang tayo.
Mag uusap lang naman kasi bakit kailangan pa natin na umalis ng bahay. Inis kong saad kay ian.
Para mas makapag usap tayo ng maayos.
Saan ba talaga tayo pupunta? Inis kong tanong kay ian dahil thirty minutes na kaming nasa biyahe.
Relax sweetheart. Malapit na tayo. Sagot ni ian sa akin. Habang nasa sasakyan hindi ko mapigilang mapatingin sa mga nadadaanan namin na bahay dahil malalaki at magaganda ang mga ito bukod doon ay umaabot rin ang ilan sa tatlong palapag. Kaya napapanganga na lang ako sa mga bahay na nadadaanan namin.
We're here. Biglang saad ni ian. Pero nakanganga lang akong nakatingin sa napaka gandang bahay na may dalawang palapag dahil napaka linis nitong tingnan.
Sandali! Saad ko kay ian pero bumaba na ito at gumawi sa kinalalagyan ko.
Why? Tanong nito sa akin ng tuluyan nya ng mabuksan ang pinto ng sasakyan nya at inaalalayan akong makababa.
Kaninong bahay to? Tanong ko sakanya pero hindi ito sumasagot.
Kaninong bahay to? Tanong ko ulit kay ian ng makapasok na kami sa gate ng napaka laki at napaka gandang bahay. May kakilala ka ba dito?
Yeah, marami. Why?
Baka trespassing na tayo dito Christian Lee Saavedra! Sinasabi ko sayo! Tatlo ang anak kong binubuhay ayokong makulong.
Tsk. Napaka tipid na sabi nito.
Ano ba! Galit kong sigaw dahil lalong nadagdagan ang inis ko dito.
It's our house kaya hindi tayo trespassing dito. okay! Inis na rin na sagot nito. Dahil ayaw nitong tinatawag ko ang buong pangalan nya.
Binili mo to? Kelan pa?
Three years ago. Malungkot na saad nito.
CTTO
Ang tagal na pala. Bakit ngayon mo lang pinakita? Kunwaring galit na sabi ko kay ian. Pero nagulat ako ng higla nyang hinawakan ang dalawang kamay ko at lumuhod ito sa harapan ko.
Ian, tumayo ka nga. Nahihirapan kong saad dito dahil sa ibat ibang emosyon na nararamdaman ko ngayon.Mahal na mahal kita sweetheart. Mahigit two years na ang nasayang sa atin at ayoko ng dagdagan pa yon. Gusto ko na ulit mabuo ang pamilya natin. Patawarin mo na ako. Nagkamali ako dati pero sana mapatawad mo na ko. Please baby. Gusto ko na kayong makasama sa iisang bahay. Ayoko ng matulog ng mag isa sa bahay ng wala kayo. Please baby!
Ian. Saad ko dito at unti unti kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Akala...
Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla na itong tumayo at tuloy tuloy na lumabas ng bahay. Nagulat ako sa pag alis bigla nito kaya tumakbo na rin ako kaagad para habulin ito pero naka rinig ako ng malakas na pag preno ng isang sasakyan at bigla na lang may malakas na kalabog akong narinig. Rinig ko rin ang mabilis na pag alis ng sasakyan kaya Kinabahan akong bigla ng maisip ko si ian at ang mga nakaka takot na sinaryo na pumapasok sa isip ko. Huwag naman sana piping dalangin ko habang palabas ng bahay.Oh my god. ian!!!
Enjoy reading guys 😘😘😘
Please vote, comments and follow my account for more updates 🥰🥰🥰Stay safe everyone.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomancePlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.