Chapter 18 My Cold Husband

1.9K 38 0
                                    

Mom! Saan ka galing? Akala ni daddy ipinagpalit mo na siya. Nakaka awa itsura nya mom imagine inaabangan ka jan sa pintuan kaninang pagdating ko. Mahabang saad ko kay mommy.

Loko kang bata ka. Namili lang ako ng stocks natin. Oh my kasama ka pala madison.

Mom! Ano ulam natin? Pagiiba ko ng usapan namin ni mommy.

Anong gusto mo anak? Sinigang na chicken mom. Nakangiti akong yumakap sa likod ni mommy.

Favourite ko rin yon honey.

Alam ko mister. Nakangiting sabi ni mom kay dad at humalik si daddy kay mommy at ng mapalingon ako kay ian nakita ko ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa amin.

Mom, dad. Wag na kayong mag landian sa harap namin kasi may naiinggit na ibang tao jan. Pasaring ko kay ian kaya umiwas ito ng tingin.

Bitawan nyo na nga akong mag ama para makapagluto na ako. Nakakahiya sa bisita ni madison.

Hala! Hindi kaya mommy, wala akong bisita kinikilig kong tanggi kay mommy at napatingin ako kay ian pero hindi manlang ito ngumingiti.

Meron anak, nanjan sa labas si harry nakasalubong ko kasi sa mall kanina kaya inaya ko dito sa bahay. Papasukin mo anak nahihiya yata. Napalingon ako kay ian at kita ko na naman ang galit sa mga mata nito.

Bakit mo pinapunta pa dito mom. Mommy naman eh mapapahamak ako sayo eh.

At bakit ka naman mapapahamak my boyfriend kana ba na hindi sinasabi sa amin. Naku daddy yang anak mo my boyfriend na.

Hayaan mo Princess kahit na may boyfriend at mag asawa kana ikaw pa rin ang princess ko. Niyakap ako ni daddy ng mahigpit at hinalikan ako nito sa noo.
Susuportahan kita anak.

Napaka kunsintidor mo naman daddy dapat pag 30 na yang anak mo saka pa lang pwedeng mag asawa.

Ang tagal naman nun mom. Gusto ko na nga sanang sagutin si harry eh tapos after a month magpapakasal na kami agad para may apo kana agad sa akin dad. Nakangisi kong sulyap kay ian pero biglang nawala ang ngisi ko ng makita ang nakakatakot na tingin nya sa akin.

Tito can i talk to madison for a minute.

Sure iho. Pagpayag  ni dad kaya napatingin akong muli kay ian at sinenyasan nya akong lumabas kaming dalawa para makapag usap.

Gusto mo bang sahihin ko na sa daddy mo na may nangyari na sa atin? Nakangising tanong sa akin ni ian ng nasa labas na kami.

Hi madi! Bati ni harry sa akin kaya nakatakas ako sa usapan namin ni ian

Oyy, harry pasok ka nalang sa loob. Utos ko dito. Ayy samahan nalang pala kita papaso... Biglang hinila ni ian ang kamay ko kaya sumubsob ako sa dibdib nya.

Im warning you madison. bigla kong hinila ang kamay ko dito at pumasok na ako sa loob ng bahay namin.

Naabutan kong nagkukwentuhan ang daddy at si harry. Anak halika dito. Utos sa akin ni daddy.

Dad, magbibihis lang po muna ako.

Go ahead anak. Ako na muna ang bahala dito sa manliligaw mo. Napa ngiwi na lang ako sa sinabi ni dad.

Nang nakabalik ako sa dining naka upo na silang lahat.

Halika na anak para makakain na ang mga bisita mo. Kaya naupo ako sa tabi ni mommy.

Habang kumakain ay halos puro si dad lang at harry ang nag uusap.

Anak, matagal na rin pala itong si harry na nanliligaw sayo. Ilang buwan na nga harry?

Uhm, 5 months na po tito.

Ang sabi ni madison...

Dad!- madison
Tito!- ian

Sabay halos na tawag namin ni ian kay daddy kaya naputol ang anuman na sasahihin pa ni daddy kay harry.

Daddy, dapat pala magtravel kayo paminsan minsan ni mommy malay nyo makabuo pa kayo ng kapatid ko para mabawasan naman ang atensiyon na ibinibigay nyo sa akin. Pag iiba ko sa usapan namin.

Gusto ko nga sana anak, kaso ayaw ka naman namin iwan mag isa dito sa bahay.

Naku dad, eh di dun na lang muna ako sa bahay ni kuya para matuloy na kayo.
Diba mommy sa france mo gustong pumunta?

Oo na, sige na. Matigil lang kayong mag ama.

Ayan dad pumayag na si mommy.

Thanks Princess. Sabihin mo lang ang gusto mo para naman makabawi ako sayo.

Sige dad pag iisipan ko yan.

Ang saya naman po ng family nyo tito. Saad ni harry.

Sinabi mo pa iho.

Ian iho, kain ka pa mukhang kaunti lang ang nakain mo.

Ayos lang po. Medjo busog pa po kasi ako. Sagot ni ian.

Nang matapos ang hapunan na yon ay naunang umalis si ian at sumunod na rin si harry.

Halos tatlong linggo na rin na puro out of town Business meeting si ian. Sa loob ng tatlong linggo na yon ay parang gumaan ang pakiramdam ni madison dahil hindi siya ginulo ni ian. Pero nagkamali siya dahil two weeks naman ang schedule ng conference meeting ni ian sa labas ng bansa at isinama siya nito.

Bakit kasi isinama mo pa ko, eh bwisit na bwisit ako jan sa mukha mo. Inis na sabi ko kay ian. Sa loob ng tatlong linggo,pakiramdam ko ay naging bugnutin at maiinisin ako at hindi ko ito makontrol tulad na lamang ngayon.

Wag kanang magreklamo madison two minutes lalanding na tayo. Wika ni ian.

Nang unti unti nang umangat sa ere ang eroplano ay kinabahan ako kaya napahawak ako kay ian.

Relax lang. Sabi nito kaya yumakap na lang ako sa braso nito ng mahigpit. Naging maayos naman na ang lipad ng eroplano hanggang sa makatulog ako.

Madison, sweetheart wake up rinig kong gising sa akin ni ian at may lumapat pang malambot na bagay sa labi ko pero tamad na tamad akong gumising.

Bababa na tayo sweetheart.

Oo na. Inis kong sabi dito.

Nang makalabas na kami ng airport ay may nag aantay na sa amin na service papuntang hotel na tutuluyan namin. Isang room lang pala ang pina reserved ni ian sa secretary niya.

Sa unang linggo puro Business meeting na nakaka umay ang ginawa ni ian. Hindi rin ako lumabas ng hotel dahil parang lagi akong pagod na pagod kaya puro kain at tulog lang ang ginagawa ko sa hotel. Halos tatlong oras lang lagi ang tulog ni ian dahil alas dos na itong umuuwi sa hotel.

Naka isang linggo na rin pala kami dito sa United Kingdom ng hindi ko namamalayan.

Ian, bangon na. Gising ko dito dahil lunes ng umaga ngayon at tulog na tulog parin ito. Wala ka bang meeting ngayon?







My Cold HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon