After 2 years.
Ayos ka lang ba anak? Mukhang malalim ang iniisip mo. Tanong ni lalaine kay madison.
Ayos lang po ako mom.
Hindi ka pa inaantok?
Nagpapahangin lang po muna ako dito. Papasok na rin po ako maya maya.
O sige papasok na ako sa kwarto at kinuhanan ko lang ng tubig ang daddy mo. Pumasok ka na rin agad at baka sipunin na yang si carl.
Opo mom. Muling sagot ni Madison sa ina bago ito tuluyang pumasok sa kwarto.
Nilalamig ka ba anak? Nakangiting tanong ni madison sa bunsong anak na si carl.
Halos dalawang taon na rin sila sa Canada. 2 years and 2 months old na rin ang kambal at 1 year and 3months naman ang bunso. Two months pa lang sila sa canada ng nalaman ni madison na buntis siya sa bunsong anak nila ni ian at sa mga buwan na yon ay muntik ng makunan si madison dahil sa araw araw na pag iyak at hindi pagkain sa tamang oras kaya masyadong naapektuhan ang kalusugan nya ng mga panahong yon.
Im sorry anak, muntik ka ng mapahamak ng dahil sa kapabayaan ko dati. Saad ko sa tulog na tulog kong anak.
Uhmmm. Daing nito habang tulog ito.
I love you bunso ko. Bulong ko sa anak ko habang kalong kalong ko ito.kapag tinitingnan ko siya mas lalo ko lang naaala si ian dahil halos lahat nakuha nya kay ian at puti lang halos ang namana sa akin.
Im sorry anak, dahil hindi ko kayo mabibigyan ng buong pamilya tulad ng pinangarap ko para sainyo. Pero hayaan mo anak, kahit wala kayong daddy, sisiguraduhin kong lalaki kayo na mabait, may takot sa diyos at hindi magtatanim ng anumang galit sa kapwa. Mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo anak. kahit hindi tayo minahal ng daddy nyo, sisiguraduhin kong lalaki naman kayo na sobra sobrang pagmamahal ang mararamdaman nyo. Promise yan ni mommy anak.
Mam, hinahanap po kayo ni kate hindi ko po mapahinto sa pag iyak. Saad ng yaya ng mga bata.
Ganun ba, sige ako na ang bahala sa kanya magpahinga ka na.
Sige po Salamat mam.
Mimi, mimi, mimi, didi, didi. Rinig kong iyak ni kate. Kaya nilapag ko muna si carl sa crib nito para maharap ko naman si kate.
Hush, stop crying baby. Pagpapatahan ko dito. You want milk?
No no no, didi, didi. Muling iyak nito habang umiiling kaya sinubukan ko itong painumin ng gatas pero ayaw parin kaya niyakap ko na lang ito dahil ayaw naman uminom. Mabuti naman at medyo kumalma na ito at yumakap rin sa akin pabalik.
Sa kambal, mas iyakin si kate. si Christoff naman tahimik lang lagi. Iiyak lang ito pag nagugutom at pag puno na ang diaper nito. Sabi ni mommy parang si kate daw ako noong bata pa dahil gusto ko raw laging nakakalong kay mommy at iyakin pa. Kaya baka kay ian namana ni Christoff ang pagiging tahimik nito.
Hindi ko pa rin maiwasang isipin na kung sana nandito lang si ian may katulong sana akong gagabay at mag aalaga sakanila. Masyado ko kasing ipinilit ang sarili ko sakanya kaya kasalanan ko rin naman dahil akala ko mamahalin nya rin ako pabalik.
Nitong mga nakaraang araw ay lagi kong naririnig kay kate ang didi na salita na madalas na nitong banggitin. Pero hindi ko na lang ito pinapansin dahil wala rin naman akong maipapakilala sa kanila.
Ang sakit pa rin isipin na ginawa ka lang palang parausan ng taong minahal mo ng sobra. Akala ko lahat ng ipinapakita nya sa akin ay totoo. Para lang akong basura sakanya na pagkatapos nyang pag sawaan itatapon na lang pero ang mas masakit na pagkatapos ng lahat, gusto nya pa akong mawala at mamatay na lang.
Sa dalawang taon na nakalipas kahit anino nya hindi ko manlang nakita. Sabagay bakit pa nga ba ako mag i-expect alam ko naman na wala naman talaga akong halaga sakanya.
Madison anak. Tawag ni mommy sa akin kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko para hindi nya mahalata.
Mommy, bakit po?
Gusto mo bang sa amin muna si carl ngayong gabi?para makapag pahinga ka naman.
Ayos lang po ako mommy. Matutulog na rin po ako. Matulog na rin po kayo mom. Ako na pong bahala sa mga bata. Saad ko kay mommy.
O sige matutulog na rin ako. Good night anak.
Good night mommy i love you.
I love you too anak. Paalam ni mommy.
Bago ako matulog hinalikan ko muna isa isa ang mga anak ko saka ako tumabi sa kanila.
Kinabukasan nagising na lang ako dahil sa ingay ni kate, napaka bungisngis nito pag umaga kahit wala naman itong kausap.
Bakit tawa ng tawa ang baby ko na yan?ha? Kagabi iyak ka ng iyak. Pag umaga naman nakapa bungisngis mo anak. Gigil ko itong niyakap at pinaghahalikan ang buong mukha at leeg nito.
Didi didi didi. Saad ni kate
Naku anak, mommy lang mommyyyy. Saad ko kay kate
Didi didi didi. Sabay turo nito sa pinto ng kwarto namin.
You want to go with lolo dad? Kausap ko dito dahil Parang naiintindihan naman nito.
Did didi didi. Muli na naman bigkas ni kate.
Hay naku anak, walang daddy dito. Lolo dad lang meron. Halika ka na dito anak buhatin na kita. Kausap ko dito dahil kami nalang natirang mag ina sa kwarto nasa baba na siguro ang dalawang bata.
Didi didi didi. Saad muli nito sasabayan pa ng tili na parang kinikiliti.
Hay naku kate, mamaya nyan iiyak ka na naman. Ayyy! Tili ko ng muntik na itong malaglag sa kamay ko dahil napaka likot na parang may nanghaharot hahit wala naman akong nakikitang tao.
Anak naman, huwag kang malikot at baka mahulog ka. Maya maya ay tumigil na rin ito.
Carol, nasan ang mga bata? Tanong ko sa yaya ni kate.
Kasama po ng mommy at daddy nyo mam namasyal po sila.
Ganun ba, hindi man lang kami sinama ni kate. Ang daya naman ng mga yon. Nakasimangot na saad ko dito. Dapat ginising mo ako para nakasama tayo sa kanila. Saad ko kay carol sabay tingin ko dito. Dahil parang may tinitingnan ito sa likuran ko kaya napalingon rin ako at wala naman akong nakita na tao.
May nakikita ka bang ibang tao dito sa bahay bukod sa ating tatlo? Tanong ko kay carol dahil hindi ko naiintindihan ang ikinikilos nito.
Naku mam, wala po. Nakangiwing sagot nito. Gusto nyo na po bang kumain?
Sige pakihanda na lang ako ng almusal. Salamat.
Sige po mam.
Didididiiii. Tili na naman ni kate habang kalong ko ito kaya nakaharap ito sa likuran ko.
Anak, mabibingi ako sa tili mo. Kung makatili ka para kang nakakita ng crush mo ah. Manang mana ka sa mommy mong maganda. Natatawang sabi ko dito.
Didididi. Muli na naman na tili nito. Kaya iniupo ko ito sa mesa.
Anak, sabihin mo mommy mommy mommy. Utos ko dito.
Dididididi.saad naman nito.
Mommy lang kate. Wala ang daddy mo dito.
Didi, didi, didi, didi. Saad na naman nito na parang iiyak na.
Yan tuloy naiiyak ka na. Hush, stop crying baby.
Mam kunin ko po muna si kate para makakain na kayo.
Sige carol.thanks
Habang kumakain ako naririnig ko na naman ang tili ni kate kaya natatawa nalang ako sa batang yon. Paiba iba ito ng mood.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomancePlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.