I want an annulment! Saad ko dito.
No! Hindi ko ibibigay ang annulment na hinihingi mo. Mas gugustuhin ko na lang na mamatay kaysa makita ka sa piling ng ibang lalaki. Hindi ko kakayanin yon madison. Dalawang taon akong nagtiis na huwag kang lapitan. Dahil akala ko mas mapapadali ang paghilom ng sugat at sakit jan sa puso mo. Hinding hindi kita pakakawalan, hilingin mo na lahat huwag lang ang bagay na yan.
Sige nga, sabihin mo sa akin! Pano mo tatanggalin lahat ng sakit na ibinaon mo sa puso at isip ko. ang mga salitang pumatay sa puso ko 2 years ago.
I'm really sorry. Hindi ko sinasadya. Maniwala ka naman. Mahal na kita noon pa. Hindi ko intensiyon na saktan ka. Please baby, mahal na mahal kita at ang mga anak natin. Give me another chance, pangako papalitan ko lahat ng magagandang memories ang lahat ng masasakit na nangyari satin. Ayokong mawala kayo sa akin. Kayo ang buhay ko. Kung hindi ka pa handa, maghihintay ako hanggang sa maging ready ka na sweetheart.
Hindi yon ganun kadali. Saad ko kay ian. Mas maganda na rin siguro na nangyari sa atin ito. Dahil mas natuto na ako. Masyado lang akong pabigla biglang mag desisyon noon. Hindi rin siguro ganun kalalim ang naramdaman ko sayo. Dahil mas nananaig parin yong sakit sa nangyari noon. Hirap kong saad kay ian.
Hindi kita mamadaliin sweetheart. Maghihintay ako kahit matagal.
Didi didi. Mim mim mim. Saad ni kate kaya naputol ang usapan namin ni ian.
Gutom na yang anak mo. Timplahan mo na ng gatas, tutal ikaw naman ang tinatawag kaya ikaw magpakain. Inis kong sabi kay ian at muli na akong pumasok sa kwarto. Pahiga na sana ako ng makarinig ako ng katok.
Ate! Umiiyak po si carl. Saad ng yaya ni carl sa akin.
Ibigay mo muna kay ian. Saad ko kay carol.
Sige po ate. Saad ko dito. Nang pahiga na ako ulit ay nakarinig na naman ako ng katok kaya muli akong bumangon para buksan ang pinto. Pero pag bukas ko pa lang ng pinto, umiiyak na mga anak ko ang nabungaran ko habang kalung kalong ni ian si kate at carl, si rain naman ay kalong ng yaya nito.
Bakit nag iiyakan ang mga yan?
Hindi po matigil mam, hinahanap po kayo ni rain. Saad ng yaya ni rain.
Akin na. Magtimpla ka na lang ng gatas nila. Utos ko sa yaya.
Hush. Hush. Stop crying kuya. Ginagaya ka ng mga kapatid mo. Kausap ko dito at tumigil na rin ito sa pag iyak. Samantalang si carl ay gusto rin lumapit sa akin habang kalong ito ni ian.
Akin na si carl. Saad ko kay ian at iniabot naman nito. Napaka galing gumawa ng anak pero hindi man lang makapag patahan ng anak pag umiiyak na. Pasaring ko kay ian.
Ikaw ang gusto nila sweetheart. Kahit sa canada ayaw rin nilang ako ang kumakalong sa kanila. Nagkakamot sa ulo na saad ni ian.
What?! Nagpunta ka sa canada? Kelan? Hindi makapaniwalang tanong ko dito.
Hindi ka pa nanganganak kay carl nasa canada na ako. Ayaw lang ni dad na lapitan ko kayo kapalit ng pagsama nya sa akin para matunton ko kayo. pero nandun ako nung panahon na muntikan ka ng makunan at nasa ospital rin ako habang nanganganak ka. Ako yong kinakapitan mo habang umiiri ka noon para mailabas mo si carl. Pag tulog ka naman saka ko lang nalalaro ang mga bata. Hindi rin ako natutulog hanggat hindi ka pa tulog kahit sa madaling araw na umiiyak ka. Nandun ako. Umaalis lang ako sa kwarto nyo pag tulog na kayong lahat. Mahabang sabi nito. -ian
Im really sorry! I love you so much sweetheart. Kung ikagagaan ng nararamdaman mo ang annulment natin. Ibibigay ko na sayo. Bukas na bukas kakausapin ko ang abogado ko para maayos nya na ang annulment natin. Pero pwede ko pa rin bang dalawin ang mga bata? Kahit yon na lang sana huwag mong ipagkait sa akin para naman kahit papano gustuhin ko pang lumaban sa buhay. Iyon na lang ang pakiusap ko sayo. Bukod sa kasal natin sila na lang ang meron ako. Mauna na pala ako babalik na lang ako bukas ng maaga. Paalam ni ian at lumabas na ito.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya. Sa nalaman ko, hindi nya pala kami inabanduna ng mga anak ko. Ang buong akala ko, ako lang ang nahirapan. Mas nahirapan pa pala siya. Naiiyak kong saad sa sarili ko. Kaya dali dali akong lumabas ng kwarto para habulin si ian.
Oh anak, bakit nagmamadali ka? Tanong ni mommy sa akin.
Si ian po mom, nakita nyo po ba? Naiiyak na tanong ko kay mommy.
Ah,kalalabas lang anak. Baka nasa gate palang yon. Sagot ni mommy Kaya dali dali na akong lumabas.
Ian, tawag ko dito ng makita ko itong pasakay na sa sasakyan nya kaya napalingon ito sa akin at kitang kita ko ang pamumula ng mga mata nya.
Sinong kasama ng mga bata sa kwarto? Tanong nito.
Naiwan ko sila sa kwarto. Uuwi ka na ba?
Oo sana, may ibibilin ka ba? Malungkot na tanong nito.
Wala naman. Kung gusto mo, dito ka na lang matulog. Gabi na rin naman.
Okay lang ba sayo? -ian
Baka kasi hanapin ka ni kate. Kumain ka na ba? -madison
Hindi pa. Okay lang ba sayo na dito ako matulog? -ian
Ayos lang naman. -madison
Aabisuhan na lang kita pag nai-file ko na ang annulment na hinihingi mo. Kung sakali ba, kung liligawan ka ba ulit ni harry sasagutin mo na ba siya agad?
Nasabi mo kasi sa akin dati na dapat hindi nalang ako ang minahal mo. Pwede ba ako ulit humiling sayo? Pwede bang pag seven years old na si carl saka ka na lang mag asawa ng iba? Gusto ko sanang ako lang ang tatayong ama sa kanila hanggang magka isip na sila. Pero kung hindi naman pwede. Huwag mo na lang isipin yong mga sinabi ko sayo. Kunwari wala ka na lang narinig.Pasensiya ka na. -ian
![](https://img.wattpad.com/cover/223827400-288-k660145.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomancePlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.