Chapter 15 My Cold Husband

2.3K 49 0
                                    

Sa tabi mo na lang ako ibaba. Utos ko kay ian.

Sasamahan kita sa loob.

Please, wala kang sasabihin na kahit ano sa pamilya ko. Hayaan mong ako ang mag sabi sa kanila pag handa na ako. Ngunit wala akong sagot na nakuha dito.

Ian! Tawag ko dito.

Pag iisipan ko.

Pagpasok namin sa loob ng bahay si daddy ang nabungaran ko.

Daddy!

Princess, na miss kita anak. Buti maaga kayong nakabalik? Sabi ng mommy mo sinama ka raw ni ian sa cebu. Saad ni dad kaya napalingon ako kay ian.

Nagtatakang tingin ang ginawa ko dito kung pano nya kinontak si mommy. Pero parang wala itong pakialam sa tingin na ibinigay ko sakanya.

Pasensiya na po at ngayon lang kami nakabalik. Kahapon lang po kasi natapos yong problema na inayos ko doon. Si ian na ang sumagot kay daddy.

Napaka sinungaling talaga bulong ko sa sarili ko patungkol kay ian.

Dad! Si mommy po?pag iiba ko ng usapan.

Nasa kusina anak, puntahan mo na lang doon at namimiss ka na nun.

Yes dad.

Kumusta iho? Maayos naman ba ang mga negosyo mo?

Yes po tito. Doing good po. Tito, hindi ko po alam na may kapatid pala si ken.

Oo iho, ngayon lang kami nagkasama ng prinsesa ko kaya bumabawi pa ako sakanya hanggang ngayon. Huwag mong pahirapan ang princess ko ian. Hindi ko pa mapilit yan na hawakan nya ang greco. Pero pasasaan ba at mapipilit ko rin siya dahil sakanya rin ito mapupunta.

Hayaan nyo po tito. Ako na po ang bahala  kay madison. Nakangising sagot nito kay don charlie pero hindi ito napansin ng matanda. Mukhang uma-ayon sa akin ang plano ko. Bulong pa ni ian sa sarili.

Dito ka na mag tanghalian iho, masarap magluto ang asawa ko.

Ganun po ba, sige po.

Dad kakain na raw po. Tawag ko kay daddy ng lumabas ako sa sala.

Halika ka na iho para matikman mo na ang ipinagmamalaki ko sayo.

Sure po tito.

Honey, ipinagmamalaki ko rito kay ian ang luto mo. Wika ni dad kay mommy.

Halina kayo. Habang mainit pa ang pagkain. Tikman mo itong kare-kare ian, favourite ni Madison yan. Saad ni mommy.

Anak, kain na. Parang matamlay ka. Wika ni mommy.

Napagod lang po ako. Marami po kasing ginawa. Sagot ko kay mommy pero biglang umubo si ian kaya sakanya napunta ang atensiyon naming lahat.

Sorry po naubo po ako.
Huwag ka na munang pumasok bukas madison para makapag pahinga ka. Saad ni ian sa akin.

May problema ka ba anak? Tanong ni mommy sa akin.

Wala po mommy, masama lang po ang pakiramdam ko talaga.

Pagkatapos mong kumain anak, mgpahinga ka na sa kwarto mo.

Opo dad.

Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako.

Mom, akyat na po ako sa room ko.

Oh sige na anak.

Tito, tita magpapa alam na rin po ako. Paalam ni ian.

Sige iho mag ingat sa pag dadrive.

Thanks po tito. Sige po mauna na po ako. Rinig kong paalam ulit ni ian kaya pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung anong matatawag sa relasyon namin ni ian kung meron man, dahil sa pagkaka alam ko wala manlang itong panliligaw na ginawa kung pamumuwersa lang.

Pakiramdam ko napakadumi ko na. Dahil ganun ko lang kabilis naiwala ang pinaka iingatan kong bagay na dapat ay para sa magiging asawa ko dapat mapunta. Alam kong hindi nya ako mahal dahil wala siyang sinasabi. Katawan ko lang ang gusto nya. Pero mahal ko pa rin siya. Kausap ni Madison sa sarili habang umiiyak hanggang sa makatulog na ito.

IAN

Hindi akalain ni ian na anak si madison ng taong kinamumuhian niya. Sa edad na sixteen, namatay na sa aksidente ang mga magulang nya pero bago pa maganap ang trahedyang yon. gabi gabi na lang na naririnig ni ian ang pag aaway ng magulang dahil kay don Charlie Cole.

Parehong employee ang mga magulang nya ni don Charlie sa greco empire bukod doon may share rin ang Saavedra na five percent sa greco empire. Noong bata pa si ian ay malapit na talaga ang pamilya niya sa mga cole at naging matalik nya na rin na kaibigan si ken.

Ngunit isang gabi na nag aaway ang mga magulang nya, inamin ng mommy nya na may nangyari sa kanila ni don Cole kaya galit na galit ang ama ko nung gabing yon at balak sanang sugurin si don charlie pero habang nagda drive si daddy nag aagawan sila ng manibela ni mommy dahil pinipigil nito si daddy na sugurin si don charlie hanggang sa sumalpok ang sinasakyan nila at mamatay ito on the spot.

Kaya bata palang si ian, itinanim nya na sa isip na pagbabayarin nya si don Charlie sa pagsira ng pamilya na naging sanhi ng kamatayan ng mga magulang nya.

At nang nag alok si don charlie kay ian na siya na ang mag aasikaso sa mga naiwan ng magulang at palalaguin ito hanggang umabot si sya sa tamang edad ay pumayag si ian.

At ngayon nakapundar na siya ng sariling kompanya, nakuha nya na rin ang fourty Percent ng greco ng hindi napapansin ng mga cole kaya pwede nya na itong mapabagsak anumang oras.

Pero umayon pa talaga sakanya ang panahon dahil anak pa pala ng don si madison na kinahuhumalingan nya ngayon.

Tingnan mo nga naman umaayon talaga sa akin ang panahon. Kung pakakasalan nya si madison mapupunta sakanya ang anumang pag aari nito kasama na roon ang greco, hindi pa masisira ang pangalan nya sa mga cole. At sisiguraduhin kong anak nya ang magbabayad sa kasalanan ng ama nito.

At pag nangyari yon, tiyak na ikamamatay ng don ang makikita nyang paghihirap ng pinamamahal nitong anak.

Habang nasa biyahe, tinawagan nito ang pinagkatiwalaan na abogado.

Atty! Change plan tayo.

Copy sir. Sagot ng abogado ni ian. 

Good! Nang matapos ang usapan ay pinatay na rin nito ang tawag. Hanggang sa makarating na ito sa opisina.

Mrs. Benjamin. Tawag ni ian sa head ng hr nya. I want you to hire a new secretary for me. Asap.

Yes sir! Consider it done by tomorrow sir.

Thats good. At pinatay na nitong muli ang tawag.






Enjoy reading guys 😘

Please vote, comments and follow my account for more updates.

My Cold HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon